top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 20, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa.


Ang Sheep o Tupa ay silang mga isinilang noong taong 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015 at 2027.


Pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi nagkokontrol ng Tupa ang mga pangyayari at sitwasyon. Ang nangyayari tuloy,  huli na bago nila matuklasan na niloloko o pinagtataksilan na pala sila ng kanilang partner. Kumbaga, dahil madaling bumigay ang kanilang damdamin, wala silang kamuwang-muwang o kamalay-malay na pinaglalaruan na pala sila ng kanilang kapareha. At ang masakit pa rito, dahil sa kanilang kabaitan kadalasan kahit niloloko na sila patuloy pa rin ang kanilang pagtitiis at pagpapaka-martir. Ngunit kung praktikalidad at tigas ng damdamin ang paiiralin ng Tupa sa pakikipagrelasyon mas malaki ang tsansa na makasumpong sila ng isang tapat at panghabambuhay na pag-ibig.


Dahil may pagkamahina, maramdamin at pagka-emosyonal, sinasabing the best na kapartner ng isang Tupa, ang isang indibidwal na may lakas na loob. Kumbaga, bagay na bagay sa isang Tupa ang animal sign na Kabayo. Kung saan, dadalhin ng Kabayo ang Tupa sa mga pakikipagsapalaran na ngayon pa lang nila mararanasan sa tanang buhay nila. Kaya naman, unti-unting tatapang at lalakas ang loob ng isang dating duwag na Tupa.


Bukod sa Kabayo, sakto rin nila kasama o kapareha ang isang tuso, maharot at kenkoy na Unggoy. Kung saan, malilibang ang malungkuting Tupa sa mga ikukuwento at ipaparanas sa kanya ng Unggoy. Kaya anumang bigat ang problema o suliraning dinadala ng isang Tupa, sa isang iglap ay makakalimutan niya lahat ng ito at para bang wala na siyang suliranin pang-iisipin sa sandaling makasama na niya ang isang Unggoy.


Bagay na bagay din sa isang duwag at laging nag-aalinlangan sa kanyang kakayahan na Tupa, ang isang matapang na Dragon, gayundin ang isang mapangaraping Kuneho, magkakasundo sila nito na mangarap habang nakasandal sa isang malaking punong kahoy na nakaharap sa magandang tanawin ng ulap at kabundukan. Kumbaga, habang magkasama ang Tupa at Kuneho, makakalimutan nila ang reyalidad. 


Tugma at okey din sa isang Tupa ang isang Tandang at Ahas. Kung saan, iga-guide ng isang Tandang at Ahas ang Tupa para maging praktikal at maging materyalismo hanggang sa matutunan ng Tupa na kumilos at umaksyon upang pagsumikapang lumago ang kanilang kabuhayan hanggang sa sila ay yumaman.   


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 19, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa.


Ang Sheep o Tupa ay silang mga isinilang noong taong 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015 at 2027.


Ang Tupa ay may malakas na intuition. Ayon sa mga sinaunang Chinese Astrologer, isa ang Tupa sa pinakamapalad na animal sign. 


Sa madaling salita, kahit hindi sila gaanong magsumikap, dahil sa likas nilang kabaitan, ang langit mismo ang nagpo-provide ng lahat ng kanyang mga pangangailangan.


Kaya kung makakakita ka ng Tupa na mabait at masipag, tiyak na sila ay yayaman.


Nangyaring ganu’n, dahil bukod sa binibiyayaan na sila ng langit ng kanilang pangangailangan, nadadagdagan pa ito dahil sa kanilang pagsusumikap. 


Kung matututo lang na mag-ipon ang Tupa para sa kanilang future bago mamahagi nang mamahagi, tiyak na sila ay yayaman.


Ang problema nga lamang sa Tupa, tulad ng nasabi na, masyadong silang mabait at mapagbigay, lalo na pagdating sa kanilang mga kamag-anak. Ang masaklap pa, ‘yung mga taong hindi karapat-dapat bigyan ay tinutulungan din nila.


Dahil dito, dapat na mag-ingat ang Tupa sa pagbibigay at dapat kinikilala muna nilang mabuti ang mga taong kanilang tinutulungan.


Sa pakikipagkaibigan, ang Tupa ay masarap ding maging kasangga, dahil kapag namomroblema ka tiyak na iko-comfort at aasikasuhin ka nila. Kumbaga, mararamdaman mo talaga sa kanila ‘yung pagmamahal. 


Sa katunayan, ang Tupa ay masarap ding magmahal. Hindi lang advice o payo ang ginagawa nila, bagkus kung sila lamang ang masusunod, ipapa-feel pa nila sa iyo na hindi ka nag-iisa.


Sa pag-ibig ang Tupa ay itinuturing ding hopeless romantic. Grabe at matindi rin sila kung umibig. Once na sila ay nagmahal, tiyak na ito ay totoo at tapat. 


Gayundin sa pamilya dahil para sa kanila, ito ang dapat bigyan ng higit na atensyon.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 18, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa.


Ang Sheep o Tupa ay silang mga isinilang noong taong 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015 at 2027.


Ang kadalasang nangyayari sa Tupa sa panahong sila’y nangangailangan ng tulong, nagmumukha lamang silang mga kaawa-awa.


Nangyaring ganu’n, dahil ‘yung mga taong dating nangailangan ng kanilang tulong ay agad nilang pinagbigyan, ngunit ngayong sila’y nangangailangan nagmumukha lamang silang kaawa-awa na para bang pinagdaramutan ng kaunting halaga ng mga taong kanila’y natulungan.


Kaya para hindi na ito maranasan ng isang Tupa, dapat matuto silang mag-ipon at magsinop ng kuwarta para sa kanilang future at para na rin sa future ng kanilang mahal sa buhay. 


Dagdag dito, dahil sa taglay na kabutihan at mababang puso, sinasabi ring ang Tupa ay mabilis maimpluwensyahan at mauto. Kaya naman kung hindi sila mag-iingat, malaki ang tsansang sila’y maloko.


Kaya para umunlad at lumago ang kabuhayan, dapat nilang isipin na hindi okey ang pagiging sobrang bait at maawain, lalo na sa mga taong walang utang na loob.


Samantala, talakayin naman natin ang iba pang katangian ng mga Tupa. Ang pesimista ay ‘yung mga taong nakapokus lamang sa pangit na anyo ng buhay, kabaligtaran naman nito ang optimista o mga taong laging nakatingin sa magandang anyo ng buhay.


Kung saan, karamihan sa mga Tupa ay nakatingin palagi sa pangit na anyo ng buhay.  


Kaya kung hindi maaalis ng Tupa sa kanilang buhay ang pagiging pesimista, sinasabing malabo silang umunlad at lumigaya.


Dagdag dito, dahil nga likas ang taglay na kabaitan, madali ring magtampo at magdamdam ang Tupa. Nahihirapan din silang tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng tao sa mundo ay katulad nila na mabait, tapat, mapagbigay, mapagpasensya, at mahabagin.


Kaya kapag may nakasalamuha ang Tupa na masama ang ugali, mapagsamantala, tuso, kuripot, matapobre at mapang-api, hindi nila lubos maisip na may mga ganu’ng klase pala ng tao sa mundo.


Kaya naman habang nagma-mature ang isang Tupa, mas lumalawak ang kanilang karanasan, kasabay nito ay unti-unti ring lumalawak ang kanilang pananaw sa mundo. 


Kaya naman sinasabing uunlad at magiging maligaya sa buhay ang isang Tupa pagtuntong nila sa edad na 43. Sa panahong ‘yun, magiging aware o mulat na sila sa katotohanan na nangyayari sa mundo at sa kanyang kapaligiran.


Kaya malabo n’yo na silang maiisahan, at matututo na sila ngayon na maging financially stable hanggang sa matutunan nilang magpayaman.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page