top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 6, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Tandang o Rooster.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029.


Sa aspetong damdamin at sa pakikipagrelasyon, sinasabing bagama’t tapat umibig ang isang Tandang, hindi naman niya naibibigay nang buo at sagad ang kanyang pagmamahal dahil marami siyang isinasaalang-alang at kinatatakutan sa buhay pagdating sa aspetong pandamdamin.


Dagdag pa rito, sa panahong siya ay umiibig, nauuna niyang hanapin ang kapintasan ng kanyang kasuyo sa halip na ang magagandang ugali ng kanyang minamahal. Dahil dito, bihira sa isang Tandang ang sobrang umibig at magmahal dahil para sa kanya, kailanman ay hindi niya “ia-idolize” o ilalagay sa sobrang taas na pedestal ng papuri, paghanga at pagmamahal ang kanyang sinisinta.


Kaya naman kapag nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang pusong nagmamahalan at niyaya ng hiwalayan ang Tandang, walang pagdadalawang-isip na hindi ka niya tatanggihan ito dahil para sa kanya, bukod sa aspetong pandamdamin, marami pa siyang dapat iprayoridad sa buhay. Kaya naman kapag sinasabi ng isang Tandang na mahal na mahal ka niya at ayaw niyang makipaghiwalay, posibleng hindi ito ang tunay niyang saloobin dahil kadalasan ay pilit niyang itinatago ang tunay na damdamin o saloobin sa kanyang minamahal.


Kaya naman kung bibigyan ng iskor kung gaano katindi mabigo ang Tandang sa pag-ibig, masasabing sa iskor na 1 to 10, hanggang 5 o 6 lang ang maitatala sa damdamin niya. Ito ay dahil ang Tandang ay hindi naman seryoso o tunay na nagmamahal sa kanyang kasuyo, dahil palagi siyang may reserbasyon at itinitira sa kanyang sarili at iba pang mga bagay na ipinaprayoridad niya sa buhay.


Sa kabila ng lahat, ang pinaka-compatible ng mapag-isip at mahilig mag-analisa na Tandang ay ang kapwa niya matalino at tusong Ahas. Ang relasyong Ahas at Tandang ay hindi nauubusan ng kuwento at halos lahat ng bagay ay kanilang masayang pagdedebatehan. 


Bagay na bagay din ang praktikal na Ox o Baka sa isang Tandang, kung saan ang relasyon nila ay mapupuno ng maraming mga proyekto at kasipagan. Gayundin, kapwa sila mahilig na palaguin ang kanilang career at kabuhayan.


Ang Dragon naman ay magugustuhan ang mga imposible at malalaking pangarap ng Tandang, na kung ang Tandang lang ang gagawa at magsisimula ay hindi niya ito matatapos, ngunit sa tulong ng Dragon, gaano pa kalaki ang plano ng Tandang, tiyak na ito ay kanilang matatapos at mapagtatagumpayan.


Tugma at ka-compatible rin ng Tandang ang Tigre, Kambing o Tupa, Unggoy, Aso at Baboy hangga’t ang nasabing mga animal sign ay hindi kokontra, sa halip ay susunod at makikiayon sa mga iniisip at pinaplano ng matalinong Tandang.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024. 

Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 5, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Tandang o Rooster.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029.


Sinasabing dahil sa likas na katalinuhan ng Tandang,kaya niyang solusyonan ang problema gaano man ito kahirap. Kaya naman sa kumpanya, hinahangaan nila ang isang Tandang pagdating sa pagresolba ng mga problema.


Ang problema nga lang sa isang Tanda ay madali niyang napupuna ang mga maliliit na detalye, kung kaya’t kahit maliit lang ang problema ito ay napapalaki niya.


Dahil dito, madalas hindi mapakali ang isang Tandang sa kanyang buhay dahil sa mga nakikita niyang pagkakamali at imperfection sa kanyang paligid, dahil sa kakaibang talas ng pag-iisip at pag-aanalisa, bihirang-bihira makapagpahinga ang isang Tandang, madalas siyang walang peace of mind dahil sa kakaisip ng kung anu-anong bagay na hindi naman dapat problemahin. Sinasabing kung matututunan lamang niyang mag-relax at magkaroon ng peace of mind, mas madali niyang mararating ang isang matagumpay at maligayang karanasan.


Samantala sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, isantabi muna ng Tandang ang kanyang isip upang maranasan niya ang tunay at tamis na pagmamahal. Bukod sa matalino at palaisip, kilala rin ang Tandang sa pagiging praktikal. Kaya madali niyang nalulutas ang anumang problema.


Ngunit, tulad ng nasabi na dahil sa sobrang pagiging praktikal, kapag ang Tandang ay umiibig at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pinairal niya ang kanyang pagiging praktikal, hindi siya gaano magiging maligaya dahil pinipilit niyang praktikalin ang lahat.


Kung matutunan lamang ng isang Tandang na makaramdam kesa mag-isip, siya ay tiyak na mag-e-enjoy sa romansang dulot ng isang nakakakilig at wagas na pag-ibig.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 4, 2024


Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Tandang o Rooster.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029.


Bukod sa organisado at perpeksiyunista, kilala rin ang Tandang sa pagiging matapang at matalino. Kaya naman sa anumang laban ng buhay, ang Tandang ay hindi basta-basta umaatras o sumusuko. Sa halip, matapos niyang isipin at timbangin ang isang paraan, sa paghugot ng kanyang espada at pagsugod, tiyak ang kanyang pananaig at pagtatagumpay.


Dagdag pa rito, isa rin sa pangunahing mahusay na ugali ng Tandang ay ang pagma-manage ng mga taong kanyang nasasakupan kung saan madali niyang nakukumbinse at nauutusan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya naman sinasabing ang isa sa pinakamagandang trabaho o propesyon para sa isang Tandang ay ang pagiging manager sa isang kumpanya o korporasyon. Puwede rin sa kanya ang pagiging lider na siya ang hahawak ng malaking grupo ng mga tao na tiyak namang mapapasunod niya at mama-manage niya nang maganda at maayos.


Napakahusay din ng Tandang na mag-analisa ng mga bagay, kaya madali niyang nasosolusyunan ang anumang mahirap na problema at pagsubok. Sa pakikipagdebate, sobrang lawak din ng kanyang isip at pinagkukunan. Ang problema lang, kapag tiyak siyang tama ang isang bagay na kanyang pinaninindigan, hinding-hindi niya babaguhin ang prinsipyo o paniniwala na kanyang pinanghahawakan.


Sa pakikipagdebate, sobrang lawak din ng kanyang isip at pinagkukunan. Ang problema lang ay kapag alam niyang tama ang isang bagay na kanyang pinaninindigan, hinding-hindi na niya babaguhin ang prinsipyo o paniniwala na kanyang napanghawakan.


Sa asta at pagkatao, madali mong makikilala ang isang Tandang dahil ang porma niya ay laging assertive, - may malaking tiwala sa kanyang sarili at simpatiko. Ito ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa lipunan at ito rin ang mukhang na inihaharap at ipinapakita niya sa mundo. Kaya naman bihirang-bihira kang makakita ng isang Tandang na malungkutin at lupaypay ang balikat. Dahil tulad ng isang matikas na Tandang na timitila-tilaok sa gradas ng buhay - laging buo ang loob at may pagmalalaki niyang hinaharap ang mga tao at ang mundo.


Sa asta at pagkatao, madali mong makikilala ang Tandang dahil ang porma niya ay palaging buo ang loob, malaki ang tiwala sa sarili at simpatiko. Ito ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa lipunan at ito rin ang mukhang inihaharap at ipinakikita niya sa mundo. Kaya naman bihira kang makakita ng Tandang na malungkutin at lupaypay ang balikat. Dahil tulad ng isang matikas na Tandang, palaging buo ang loob at may pagmalalaki niyang hinaharap ang mga tao.


Nagagawa ng Tandang ang ganitong kakisig at kahusay na tindig dahil sa bawat paggising niya, nagtataka rin siya sa kanyang sarili kung saan palaging punumpuno ng istamina, reserbang lakas at positibong pananaw ang pang-araw-araw na buhay ng isang Tandang.


Sinasabing kung ang lahat ng magagandang katangian ng isang Tandang ay gagamitin lamang niya sa negosyo, tiyak na mabubuo ang isang napakalaking kahariang tiwasay at ubod ng yaman. Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page