top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 29, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang diskusyon hinggil sa magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa susunod na taon o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Pig o Baboy ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Pig o Bakal na Baboy - silang mga isinilang noong 1971

  • Water Pig o Tubig na Baboy - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Pig o Kahoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1935 at 1995

  • Fire Pig o Apoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1947 at 2007

  • Earth Pig o Lupa na Baboy - silang mga isinilang noong 1959 at 2019

Sa pagkakataong ito, tatalakayin natin ang magiging kapalaran ng Metal Pig o Bakal na Baboy ngayong 2020 hanggang 2021. Kaya kung ikaw ay isinilang noong 1971, ikaw ay mapabibilang sa Metal Pig o Bakal na Baboy.


Sa lahat ng uri ng Pig, Metal Pig ang pinaka-ambisyoso at determinado sa kanilang buhay. Bukod sa pagiging aktibo, kaligayahan din ng Metal Pig ang marami siyang kinakalikot at ginagawa na kung anu-anong mga bagay. Kaya naman ang Metal Pig ay sinasabi ring isa sa pinakamasipag na uri ng Baboy, basta ‘wag lang palaging tulog at humihila-hilata sa kanilang bahay. Kaya anuman ang mangyari sa kanilang buhay, tulad ng nasabi na, dahil natutong magpakasipag, bihira silang maghirap at kapusin sa materyal na bagay dahil madali silang binibigyan ng kapalaran ng mga gawain kung saan sila aani ng masagana at maraming pera, higit lalo sa last quarter ng 2020 hanggang sa 2021. Ibig sabihin, lagi silang pinagpapala ng langit, kahit minsan sila ay tatamad-tamad.


Bagama’t madaling kumita ng pera at inaalagaan ng langit ang materyal na aspeto ng kanilang buhay, ang problema lamang sa Metal Pig ay sobra rin silang mahilig sa lipunan, kasiyahan, gimmick at pagpapasarap sa buhay, kaya kahit malaki ang kanilang kinikita, nauubos nila ito sa walang kapararakang paggasta. Gayunman, kung matutunan lamang na magtipid at mag-ipon ng isang Metal Pig, malayo na ang naabot ng kanyang kabuhayan, kumbaga, mayamang-mayaman na sana siya pagtuntong ng edad 51 pataas.


Dagdag pa rito, asahan nang ngayong 2020, maraming mga surpresang pangyayari na positibo ang magaganap sa buhay ng Metal Pig, na may kaugnayan sa salapi at career. Gayundin, ito ay patuloy na mangyayari hanggang sa 2021.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, tuluy-tuloy ding magiging buo at maligaya ang pamilya ng Metal Pig kung saan matapos magkaroon ng break-up noong mga nagdaang panahon, anumang pakikipagrelasyon ang mayroon ka ngayon, umasa kang ito ay magiging matatag at panghabambuhay na. Sa mga wala pang asawa, maaaring sa panahong ito ng iyong buhay ay mami-meet mo na ang lalaki o babae na makakasama mo habambuhay. Ang mahalaga, ‘wag ka lang magsasawa sa pagsubok na makipagrelasyon.


Bagama’t magiging maunlad sa career at maligaya sa pag-ibig, dapat namang pag-ingatan ng Metal Pig ang kanyang kalusugan ngayong 2020 hanggang 2021, lalo na sa mga bahagi ng kanyang katawan na may kaugnayan sa internal organ.


Sa pangkalahatan, tinatayang habang unti-unti nang natatapos ang problema ng mundo sa pandemya, lalo namang uunlad ang karanasan ng Metal Pig, hindi lamang sa career at aspetong pananalapi kundi maging maligaya rin siya sa aspetong ng pag-ibig at pandamdamin.

Itutuloy

 
 

Mas malaki sa biyaya ng ibang tao dahil super-bait at mapagbigay

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 27, 2020



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign.


Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Taon ng Gintong Baka o Metal Ox.

Kung ikaw ay isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Pig o Baboy.


Sa pakikipagkapwa-tao, higit na mapagbigay ang Baboy kung ikukumpara sa iba pang 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, at ang isa pang pagkakaiba ng Baboy, siya ay mas willing na magbigay kaysa tumanggap. Sobrang generous ng puso at pagkatao niya, kaya naman siya ay laging binibiyayaan ng magagandang kapalaran ng langit bilang ganti sa sobrang mapagbigay niyang ugali. Bagama’t bigay siya nang bigay sa mga nangangailangan at sa mga taong malalapit sa kanya, hindi naman siya nauubusan ng suwerte at pagpapalang galing mismo sa langit at ang mga suwerte niya ay mas malalaki at bongga kaysa sa mga pangkaniwang suwerte na natatanggap ng ibang tao.


Sinasabi ring sa lahat ng animal sign, ang Baboy ay sobrang close at mapagmahal sa kanyang mga magulang, kaya naman kapag siya ay nagkaanak, halos ganunding pagmamahal ang inuukol niya sa kanyang mga anak na halos naibigay na niya ang lahat para sa mga bata at halos hindi niya napapansin na ini-spoil na niya ang mga ito dahil sa sobra niyang pagmamahal.


Sa pag-ibig, maraming umibig at magmahal ang Baboy, subalit kung ang pagmamahal na ito ay hindi naman gagantihan ng kapwa pagmamahal, hindi naman gagawin ng Baboy na patuloy kang mahalin. Sa halip, dahil wala kang gusto sa kanya, bagama’t mananatili ang pagtingin niya sa iyo, subalit unti-unti na siyang didistansiya sa isang taong hindi naman sa kanya nagpapahalaga.


Dagdag pa rito, sinasabing bagama’t may manaka-nakang mga kabiguan sa pag-ibig na mararanasan ang Baboy, hindi naman ‘yun mananatili dahil ang sadya at talagang nakalaan para sa kanya ay maligaya, masarap at panghabambuhay na pag-ibig sa piling ng kanyang minamahal na pamilya. Ibig sabihin, kahit dumanas pa ng mga frustration sa love life at relationship ang Baboy, sa dakong huli ay matatagpuan at masusumpungan din niya ang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig dahil ang bagay na ‘yun ay sadyang nakatakda na sa kapalaran ng Baboy.


Katugma naman ng Baboy ang mabait at tahimik na Tupa, ganundin ang sopistikadong Kuneho kung saan kapag kasama ng Baboy ang Tupa at Kuneho, tiyak na siya ay sobrang magiging kampante at masaya. Dagdag pa rito, tiyak na mauunawaan ng Tupa ang ugali ng Baboy na sobrang mapagbigay dahil halos ganundin ang ugali niya ­­– habang tuturuan ng Kuneho ang Baboy na maging sopistikado, lalo pang magiging pino ang ugali nito.


Katugma at ka-compatible din ng Baboy ang Tigre kung saan tuturuan siya ng Tigre na lalo pang tumapang at magkaroon ng dagdag na kulay at pakikipagsapalaran ang kanyang buhay.


Tugma rin sa Baboy ang Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso, dahil ang lahat ng ito ay uunawain ang pagiging masayahin at pa-easy-easy na buhay ng Baboy kung saan hindi lang makakasama ng Baboy kundi lagi pang sasang-ayunan nang nasabing animal signs ang kagustuhan at hilig ng Baboy, kaya sila ay makatitiyak ng masarap at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 20, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Kung ikaw ay isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Pig o Baboy.


Ang Pig ay panghuli sa 12 animal signs sa Chinese Astrology kung saan siya rin ang zodiac sign na Scorpio sa Western Astrology na may kaakibat na planetang Mars.


Ang mapalad na oras para sa Baboy ay mula alas-9:00 hanggang sa alas-11:00 ng gabi, sa mapalad na direksiyong north (hilaga) at north-west (hilagang-kanluran).


Sinasabing higit na nagiging marahas at sobrang mahilig sa sarap at layaw ng katawan ang mga Baboy na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kaysa sa mga baboy na isinilang sa panahon ng taglamig o tag-ulan.


Kilala sa pagiging easygoing, masiyahin, masarap ang buhay ang Baboy. Dahil dito, siya ay itinuturing ding isa sa pinakamasarap at pinakamasayang kasama dahil tiyak na aayain ka niya sa gawaing masarap at maligaya.


Dahil ang pangunahing hangad niya ay sarap at ligaya, madalas ay natatagpuan din ng Baboy ang hinahanap niya – masarap na karanasan, hihila-hilata at hayahay na buhay, na kahit lumipas ang buong maghapon ay tila wala siyang problema sa buhay o alalahaning iniinda.


Gayunman, kung hindi matututunan ng Baboy na mag-ipon o mag-invest para sa future, bagama’t magiging masaya, panatag at kampante ang buhay niya ngayon, kinabukasan ay may babala namang maghihikahos, maghihirap at masasadlak siya sa kaawa-awang kalagayan.


Kung mayaman at masikap sa buhay ang mapapangasawa ng isang Baboy at tinuruan siyang magtipid at mag-ipon para sa future, wala nang pinakasasarap pang buhay kundi ang buhay ng Baboy, na nagawang mag-invest at magtabi ng kabuhayan ngayon upang magamit niyang pampasarap ng buhay sa future, lalo na sa panahon ng kanyang pagtanda.


Dagdag pa rito, bukod sa pagiging galante at matulungin, kilala rin ang Baboy sa pagiging mahilig sa lipunan at magmayabang. Kadalasan pa nga, nag-iipon ang isang Baboy ng kabuhayan o maraming pera, hindi para sa future kundi para ipagmayabang sa mga kakilala at kaibigan niya. Dahil dito, kung hindi magiging masinop, madaling nauubos ang kabuhayan ng isang Baboy sa pakikisalamuha sa kaibigan, hanggang matagpuan na lang niya ang kanyang sarili na wala nang laman ang kanyang bulsa.


Samantala, ang ugali namang ito ng Baboy ang hinahangaan ng kanyang mga kaibigan, kaya ang pamomolitika ay kusang dumarating sa buhay niya. Nagiging leader siya ng malalaking pangkat at grupo hanggang sa bandang huli ay siya na ang “Big Boss” ng samahan at maaabot niya ang pinakamataas na posisyon.


Ang problema, kapag nasa napakataas nang posisyon ang Baboy, marami naman ang naiinggit at hindi nasisiyahan sa istilo ng kanyang pamamahala, kaya ang kadalasang nangyayari ay pinipilit ibagsak at siraan ang Baboy, na nagiging daan upang hindi magtagal ang pamumuno niya sa anumang napakataas na posisyon. At dahil ayaw na ayaw ng Baboy na namumroblema at talaga namang pagpapasarap sa buhay ang hangad niya, kapag na-pressure ay madaling nagre-resign at umaayaw na sa panunungkulan ang Baboy.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page