top of page
Search

Sa hindi inaasahang pananalasa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, nagbago ang pamumuhay ng marami sa atin. Bagama’t may mga pinalad na may hanapbuhay o ipon sa panahong ito, tila bad timing naman ito sa mga nais sanang magbago ng career path o nakapag-resign sa kani-kanilang trabaho sa panahon ng krisis.

Hindi naman natin alam na ganito ang mangyayari, pero imbes na maburyong o panghinaan ng loob, tingnan natin ang “bright side” ng sitwasyon. Narito ang ilan sa mga bagay na puwede mong gawin:

1. Mag-research tungkol sa mga kompanya. Sa kasalukuyang sitwasyon natin, mas nakikilala ang mga kumpanya na tunay na may malasakit sa kanilang mga empleyado. Gamitin ang pagkakataong ito para makapag-research at mapag-aralan ang kumpanya na nais pasukan. Isa pa, advantage at magandang impression sa employer kapag alam nilang informative ang aplikante sa kanilang kumpanya.

2. I-review ang CV o resumes. Curriculum vitae o resume ang pangunahing sandata ng mga aplikante bago sumabak sa mga job fair o company interviews. Bukod sa kailangang totoo ang impormasyong nakalagay dito, dapat ay impressive rin ito at dapat kaya mo itong panindigan kaya naman samantalahin ang panahon sa bahay para i-review at pagandahin pa nang husto ang mga ito.

3. I-improve online profiles o social media accounts. Ayon sa mga online job search platforms, mahalagang maayos ang online profiles o socmed accounts ng aplikante sapagkat gamit ito, magkakaroon ng ideya o maaaring ito ang pagbasehan ng mga employer tungkol sa personalidad ng aplikante sapagkat ang social media accounts ang isa sa mga ginagamit ng tao upang i-express ang kanilang sarili.

4. I-practice interview skills. Habang nag-i-stay at home, magbasa ng mga tips at manood ng mga interview guides at ‘question and answer’. Puwedeng mag-practice na magsalita sa harap ng salamin o gumamit ng voice recorder o magpatulong sa sinumang kasama sa bahay upang madaling malaman kung ano ang mga bagay na dapat mong iwasan o gawin upang ma-improve ang iyong sarili.

5. Maging positibo. Ito ang pinakaimportanteng bagay na dapat mong gawin sa mga panahong ito. Masuwerte ka kung may mga nagbibigay-suporta sa ‘yo, pero kung meron man dapat maniwala at magtiwala sa iyo, ikaw ‘yun. Ngayong may lockdown, marami pang time para gumawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay na makatutulong para mas maging better ang buhay mo.

‘Ika nga, “weder-weder” lang ang buhay at may pagkakataon talaga na minsan ay inaalat tayo, pero ‘wag mag-alala dahil isa lamang itong pagsubok na tulad ng mga naunang naranasan natin ay paniguradong malalampasan at maipapanalo rin natin ito. Good luck!

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Aloe vera, the wonder plant.

Hindi nakapagtataka kung bakit ang aloe vera ay halamang magpapahanga sa iyo. Kakaiba ito dahil kapag inalis ang balat ng mga dahon, may makikitang gel-like na bagay.

Ang gel-like na ito ay ginagawang gel na maraming benepisyong hatid sa mga tao. Kapag ipinahid ito sa ulo, anuman ang sakit sa anit ay mawawala, mamamatay din ang mga mikrobyo na nasa ulo at buhok, gayundin, ang buhok mismo ay tutubo kaya ang aloe vera ay kinikalalang gamot sa pagkalagas ng buhok.

Pero hindi lang sa ulo magandang gamitin ang aloe vera dahil ito rin ay nagpapaganda sa balat.

Kikinis at kikislap ang balat at hindi mo na kailangan ang mamahaling moisturizer dahil ang aloe vera ay numero-unong sangkap ng moisturizer.

Ang totoong pangalan ng aloe vera ay the shinning substance para sa salitang “aloe” at ang salitang

“vera” ay nanganaghulugang truth kaya walang pag-aalinlangan na sa aloe vera, kikislap ang iyong kagandahan. Ang nakatutuwa sa aloe vera ay puwede rin itong kainin.

Ano ba ang nasa aloe vera at bakit ito ay puwedeng kainin, gayundin, bakit nga ba tinawag itong the wonder plant?

Ang mga vitamins na nasa aloe vera ay Vitamins A, C at E na malalakas na antioxidants na lumalaban sa free radicals na nakakapasok sa katawan.

Gayundin, ito ay mayrooong Vitamins B1, B2, B6 at B12, kaya panlunas din ito sa mga taong may sleep disorder.

Ito rin ay may tinatawag na monosaccharide and polysaccharides na tulad ng aldopentose, cellulose, galactose, arabinose, galacturonic acid, glucose, mannose at xylose na kinikilala na antibacterial, antiviral, anti-inflammatory, anti-mycotic at immune-stimulating effects.

Gayunman, may enzymes din ang aloe vera tulad ng amylase, bradykinase, aliiase, alkaline phosphatase, peroxidase, catalase, cellulose, lipase at carboxypeptidase, na ang mga ito ay may kakayahang bawasan ang inflammation o pamamaga, lalo na kapag ito ay nasa balat o skin.

May mga hormones din ang aloe vera na gibberellins at auxins, na tumutulong para mapabilis ang paggaling ng sugat at ulcer.

Ang mga nasa itaas ay sapat na para masabi nating no wonder, aloe vera is truly a wonder plant.

Good luck!

 
 

Sa kabi-kabilang pag-aaral na ginagawa tungkol sa pandemic na tumama sa buong mundo, nababahala pa rin ang lahat dahil hanggang ngayon ay wala pang bakuna o gamot para labanan ang covid-19. Ang iba ay abala sa sariling paraan para hindi mahawaan ng virus habang ang iba naman ay hindi alintana ang maaaring mangyari. Subalit, may ibinabalitang maigi raw na panlaban ang sigarilyo sa coronavirus kaya masuwerte ang mga smokers.

Noong nakaraang buwan, naglabas ang mga French researchers ng preliminary data na nagpasaya nang husto sa mga cigarette smokers dahil sinasabing ang mga nicotine users ay maaaring malayo sa panganib na magkaroon ng coronavirus o matinding kumplikasyon mula rito, ayon sa initial findings.

Mariing ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na hindi ito totoo at paulit-ulit na binabalaan ang publiko, subalit patuloy na isinasangkalan ng mga tao ang naturang pag-aaral.

“We know the harms of smoking,” sabi ni WHO expert Maria Van Kerkhove. Ayon sa kanya, “The two most basic: higher risk of severe disease and death.”

Ipinaliwanag ni Kerkhove na ang ginawang research ng France tungkol sa nicotine na nagbibigay umano ng preventive capabilities ay walang basehan. Gayundin, ang pagsasaliksik dito ay hindi naging matagumpay dahil walang sumunod na pag-aaral at pagrerebisa sa kanilang mga natuklasan.

Sa halip, ibinahagi niya na may mga pagpapatunay at ebidensiya mula sa katawan ng tinamaan ng virus, na ang covid-19 ay mas madaling tumatama at pumapatay sa mga smokers dahil ang kanilang respiratory systems ang target ng nasabing sakit, na nagiging mahina sa panahon na umaatake na ang impeksiyon. Lumalabas din na mas malaki ang tsansa na makuha agad ang virus dahil sa kamay na dumadampi sa bibig pati na rin ang sigarilyo na isinusubo.

Isipin sana natin na mas makabubuti na bigyang importansiya ang ating kalusugan. Hindi nakatutulong ang pagkakaroon pa ng bisyo sa nararanasan nating krisis sa kalusugan. Nagiging mga sundalo pa ng coronavirus ang mga nicotine na pumapasok sa ating katawan para salakayin at unti-unting pahinain.

Sa halip na gawin ang gusto mapasaya lamang ang sarili, magandang makiisa tayo sa layuning maging malakas at malusog upang malabanan ang covid-19. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page