top of page
Search

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang kamias.

Maraming klase ng bunga ng halaman at halos lahat ay iba ang lasa kapag mura pa at hinog na, kumbaga, magkaiba ang lasa ng mga prutas sa bawat panahon ng pagiging bunga nila.

Mayroong mapakla kapag mura pa at tatamis kapag hinog na. Mayroon namang mapait kapag bata pa at mawawala ang pait kapag hinog na. Mayroon ding walang lasa sa una pero sa huli ay ubod ng tamis. Mayroong maasim pero kapag hinog ay matamis na. Pero ang kamias ay kakaiba dahil ito ay maasim mula una hanggang sa mahinog.

Bakit kaya?

Ito ay dahil ang kamias ay mayaman sa Vitamin C. Natikman mo na ba ang Vitamin C? Puwede mong tikman ang Vitamin C sa pamamagitan ng tableta na nabibili.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang kamias ay sumikat na pampaasim sa mga ulam at kakaiba ang asim ng ulam na nilagyan ng kamias dahil kapag ininom nang regular ang sabaw, ang sipon o sakit sa respiratory system ay mabilis na gumagaling.

Kapag kinain ang kamias at hinayaan muna sa bibig nang ilang minuto, ito ay nagreresulta sa paglinis ng bunganga. Narito ang ilang sakit na kayang lunasan ng kamias:

  • Pamamaga ng balat, kasukasuan, talampakan o paa at maging sa mga kamay o mga daliri kung saan ipapahid lang ang katas ng kamias sa apektadong bahagi ng katawan

  • Gamot din sa rayuma ang katas ng bunga ng kamias. Kumuha ng kapirasong malinis na tela na may katas ng kamias, balutin at ilalagay sa bahaging may rayuma

  • Kapag madalas na ininom ang pinakuluang dahon, may kakayahan itong tunawin ang bato sa kidney

  • Kaya rin ng kamias na pababain ang mataas na blood pressure

  • Pinagaganda rin ng pag-inom ng pinakuluang kamias ang puso kaya ito ay good for the heart

  • Kayang-kaya ng kamias na tulungan ang panunaw na nasa tiyan para madaling maging likido ang mga mahirap natunawin

  • Ang pag-inom ng tubig mula sa pinakuluang bunga ng kamias ay mabisang pampapayat

  • Ang tubig na pinagbabaran ng bulaklak ng kamias ay napakahusay na tonic dahil mabilis na gumagaling ang sipon at sinusitis

  • Ang pinagbabaran ng dahon ng kamias ay mabisang gamot sa venereal diseases. Nakagugulat ang medicinal benefits ng kamias. Very powerful ito, mura man o hinog na dahil naroon pa rin ang kanyang husay sa pagpapagaling ng mga karamdaman.

Letra-por-letra na masasabing very powerful ang kamias at ito ay madaling mapatunayan. Simple lang, ang bunga ng kamias ay ipahid sa kutsilyo na may kalawang, marumi at nanigingtim na, magugulat ka dahil ang kutsilyo na nilinis gamit ang kamias ay shining bright.

Good luck!

 
 

Bago pa man magsimula ang pandemya, marami na sa atin ang suki ng online o mobile banking. Bukod sa hindi na kailangang bumiyahe o wala nang mahabang pila, hassle-free talaga dahil tamang “click” lang ay oks na ang transaksiyon mo.

Pero sa panahon ngayon na halos lahat ay gipit o malaki ang pangangailangan, masaklap man isipin, pero maging ang karaniwang mamamayan ay binibiktima na rin ng mga kawatan.

Well, paano nga ba natin maiiwasang mabiktima nga mga “techie” na kriminal?

1. Huwag ibigay iyong pin o password. May mga pagkakataong kailangan ka ma-contact ng banko — para i-check ang kahina-hinalang aktibidad sa iyong account, pagbabago ng address at iba pa. Pero tandaan na anuman ang dahilan ng pagtawag ng bangko sa iyo, kailanman ay hindi nito hihingin ang iyong PIN o password. Huwag magpapadala sa galing ng pagsasalita ng kausap mo dahil minsan ay mas propesyunal pa sa totoong taga-bangko ang mga con artist.

2. Huwag mag-text o mag-email ng mahahalagang detalye. Ito ang pinaka-simpleng taktika ng mga kawatan kaya marami silang nabibiktima. Kapag may nag-text o nag-email sa ‘yo na humihingi ng iyong contact details kahit pa mukhang legit ang mga ito, ‘wag agad maniwala. Maaaring i-report ang email, tumawag o pumunta mismo sa bangko para kumpirmahin ito.

3. Huwag basta mag-accept o mag-open ng mga email. Minsan, sa sobrang makabago ng mga kawatan, sobrang dali nilang makapambiktima sa simpleng galawan. Tulad ng nabanggit, kapag may natanggap na email, ‘wag agad itong buksan o sagutin. Posibleng may virus ito para madaling i-access ang iyong account. Muli, tumawag o pumunta muna sa bangko para i-confirm muna ito.

4. Huwag pumayag na i-transfer ang pera mo sa mas “safe” na account. Kahit gaano pa kaganda ang offer ng kausap mo, ‘wag kang magpapabola. Kung ayaw mo na mapunta sa wala ang perang pinaghirapan mo, palaging alalahanin na mas “safe” ang pera sa iyong account kung hindi ka agad magtitiwala sa kung sinu-sino.

‘Ika nga, hindi excuse ang pagiging ignorante kaya hangga’t maaari ay alamin natin ang mga bagay-bagay lalo na kung involve tayo. Muli, walang imposible sa mga kawatan, masyado silang magaling at matalino kaya sabayan natin ito. Gayunman, ang mga nabanggit natin ay paalala lang pero mas makabubuti kung magtutungo mismo sa inyong bangko upang mas magabayan kayo. Okay?

 
 

Sigawan, balyahan, paluan, batuhan… sa ganitong tagpo madalas nauuwi ang mga kilos-protesta. Hindi maiwasang may masaktan sa mga ralista at maging sa mga awtoridad.

Ganito ngayon ang nangyayari sa ilang bahagi ng Amerika kasunod pa rin ng pagkamatay ng African-American na si George Floyd — nasawi matapos arestuhin at luhuran sa leeg ng isang pulis sa Minneapolis, Minnesota.

Subalit, naiibang senaryo ang natunghayan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga pulis sa Miami. Makikita sa mga larawang nag-viral sa social media ang pagluhod ng mga pulis sa harapan ng mga nagra-rally.

Sa halip na itaboy ang mga nagkikilos-protesta, nagpakita ng kababaang-loob ang mga pulis at humingi ng patawad sa nangyari kay Floyd. Sinundan ito ng pag-iyak at pagdarasal ng mga lumahok sa protesta.

“This is touching! I hope we could be together as one. These police officers should be deployed in every city,” reaksiyon ng isa sa mga nagpoprotesta.

Sana ay humupa na ang gulo sa Amerika lalo’t may banta pa rin ng COVID-19 at nawa’y mabigyang-linaw, katarungan at katiyakan ang kanilang mga mamamayan sa insidenteng nangyari kay Floyd.

Huwag sana itong maging mitsa ng isyu ng diskriminasyong panlahi sa Amerika.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page