top of page
Search

Bulgarific

“Kering-keri sa Villarica.” Manatiling positbo ang bagong mensahe ng Villarica. Sa harap ng problema, hinihikayat ng Villarica na good vibes ang pairalin. Kamakailan ay opisyal na pinakilala ng Villarica ang bago nitong ambassador – walang iba kundi ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda. Siya ay tinanggap ng mga opisyal na sina: Vice-President for Operations Lester Villarica (pinakakaliwa), President & General Manager Mr. Henry Villarica (4th mula kaliwa), at Vice-President for Legal Affairs Atty. Hailey Villarica-Ong (pinakakanan). Sinaksihan ni Meycauayan City Mayor Linabelle Ruth Villarica (2nd mula kaliwa) ang okasyon. Ang Villarica ay may mahigit nang 500 branches sa buong bansa na makakatulong sa ating agarang pangangailangan ng cash.

Sa kabila ng mga hamon sa buhay, yung mga paghihirap, kalungktan, mapaligiran man tayo ng mga taong negatibo – ang Villarica ay pinapaalalahanan tayo na manatiling positibo at masaya sa buhay.

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masiyahin at matatag. Mainam na lagi itong isaisip. Sa pagiging positbo, makakapagisip tayo nang malinaw at nang tamang desisiyon o kilos. Hindi lang natin matutulungan ang ating sarili. Maaring maapektuhan din natin ang iba ng mabuti. Maaring mabuhayan sila ng loob at mabigyan natin ng inspirasyon na harapin din ng positibo ang mga hamon ng buhay. Makakapagpalaganap tayo ng good vibes.

Kilala para sa kanyang natatanging abilidad magpasaya at talas ng pagiisip, pinapanindigan ni Vice Ganda ang mensaheng ito ng Villarica. Sya man ay dumaan sa mga pagsubok. Nagsimula sa ibaba at nagsumikap para marating ang kanyang estado ngayon. Pinapatunay ni Vice na ang kanyang tagumpay daw ay dahil sa kanyang pagiging positibo. “Mahalaga ang pagkakaroon ng positive outlook sa buhay,” wika nya.

Tulad nang paraan ni Vice na makatulong sa pamamagitan ng pagpapasaya at pagpalaganap ng good vibes, ang Villarica man ay nagpupursigi makatulong para ang mga tao ay manatiling positibo sa gitna ng mga suliranin, mas lalo na sa pangangailangan ng cash. Kaya huwag nang mamroblema pa. Kering-keri daw yan.

Ngayon sa ika-66th na taon ng Villarica, meron na itong mahigit na 500 branches nationwide. Napapanatili nya ang kanyang posisyon bilang isa sa mga pangunahing pawnshop at paboritong money remittance (“cash padala”) at money changer outlet. Ilan pa sa kanilang pangunahing serbisyo ay ang bills payment, POS withdrawal, auctioned jewelry selling, at loading station.

Kaya no to worries, no to stress. Kung kailangan ng cash ngayon, punta na sa Villarica. May paraan sila para makatulong. “Kering-keri sa Villarica!”

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 

Bulgarific

Para makatulong sa paglaban kontra COVID-19, nagbigay ng tulong ang Splash Corporation sa sambayanang Filipino sa natatanging paraan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan sa may 40 pamilya na nakatira malapit sa kanilang pabrika sa Valenzuela. Hango sa pelikulang “Parasite” kung saan isang pamilya ang binigyan ng trabaho na bumuo ng mga kahon ng pizza, binigyan ng Splash ng trabaho ang ilang pamilya na maglagay ng sticker sa mga bote ng Hygienix Alcohol at Hand Sanitizer. Bukod sa nakakatulong ito para makaagapay ang Splash sa taas ng demand ng publiko para sa alcohol at sanitizers, nagbibigay din ito ng pagkakataon sa mga pamilya na kumita habang naka- quarantine sa loob ng bahay.

Malaki ang pasasalamat ng residenteng si Cielo Reponte dahil nakasama ang pamilya sa isa sa mga kinontrata ng Splash: “Kami po ng aming pamilya ay taos pusong nagpapasalamat sa binigay ninyong oportunidad. Dahil dito kahit papaano ay meron kaming napagkakakitaan”. Isa pang residente ay si Janet Cortez na nagpasalamat din. “Nang dahil po sa inyo meron po kaming pinagkakaabalahan kahit nasa bahay lang po kami. Lalo na ngayong krisis na ating kinahaharap, malaking tulong po iyon sa amin sa pang-araw-araw naming gastusin”. Isang residente na bahagi rin ng stickering ngunit ayaw namang magpakilala ay nagsabing: “Isa po ako sa mga worker na NO WORK NO PAY. Maraming salamat po dahil ako ay kumikita kahit nasa bahay lamang”.

Bukod sa kabuhayan, nabiyayaan din ang may 18,000 pamilya na nakatira sa apat na barangay malapit sa pabrika ng Splash nang higit-kumulang 180,000 na piraso ng soap packs mula sa kumpanya. Personal na tinanggap ang donasyon nina Barangay Captains Lucy Nolasco ng Barangay Paso de Blas; Mario San Andres ng Barangay Canumay West; Dan Delesmo ng Barangay Lingunan at Arnold Natividad ng Mapulang Lupa.

Nagsagawa rin ang Splash Executives ng courtesy call kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian bago nila ipinamahagi ang donasyon na 1,200 gallons ng Hygienix Alcohol, 1,200 bottles ng Hygienix Liquid Hand Soap at 67,000 piraso ng sabon para magamit ng mga ospital, front liners at mga mamamayan ng Valenzuela.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni A R Sabas na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

May mga kasama akong naliligo sa ilog na malinaw ang tubig, tapos sumisid ako at may nakita akong ginto. Kinuha ko ‘yun, tapos pag-ahon ko, tuwang tuwa ako dahil ginto talaga ‘yung nakuha ko.

Tapos, umaakyat naman ako sa hagdanan kasama ang nanay ko dahil may outing kami at nasa pinaka-tuktok ‘yung ang kuwarto namin. Sobrang ang taas ng inakyat namin, tapos inaalalayan ko si nanay hanggang sa makarating kami sa tuktok. Pinagpahinga ko siya habang nag-aayos ako ng mga gamit namin, tapos may kumatok at sinabing may naiwan daw siya. Nakita ko lang ay coins, candy at hikaw, kaya ibinigay ko sa kanya, tapos umalis na siya.

Nagulat ako dahil may nakasilip sa bintana, tapos tinanong ko kung anong ginagawa niya ru’n, at sinabi niyang matagal na niya akong sinusubaybayan at natutuwa siya. Hindi nawawala ang ngiti niya habang kausap ako, tapos nginitian ko na lang din siya. Babae siya at nakita ko rin ‘yung mukha niya, pero ‘di ko siya kilala at mukhang ka-edad ko lang siya.

Naghihintay,

A R Sabas

Sa iyo A R Sabas,

May mga babaeng nakamamangha kapag nakita natin dahil sa nakamamanghang personalidad, may magnanais na arukin ang kanyang pagkatao. Ang salitang “arukin” ay katumbas ng sisirin o pagsisid sa malalim na tubig ng ilog o dagat.

Sa ganitong paunang impormasyon, ayon sa iyong panaginip, may makikilala kang babae at dahil sa kakaibang dating niya sa iyo, aarukin mo ang kanyang pagkatao, kumbaga, sisisirin mo ang kanyang mga katangian at matukalasan mo na ginto ang nakatago sa kanyang malalim na personalidad.

Sa iyong panaginip, nakaahon ka pa. Buti na lang, nakaahon ka dahil marami sa mga lalaki na nagtangkang sisirin o alamin ang malalim na pagkatao ng babae ay hindi na nakaahon dahil siya ay mabibihag at mamamalaging alipin ng nasabing babae.

Dahil ikaw ay nakaahon pa, ibig sabihin, ang iyong magiging relasyon ay give and take na ginto o magagandang bagay o gintong kapalaran ang mapasasaiyo pero ang makukuha naman niya sa iyo ay hindi pa natin alam dahil walang binabanggit tungkol dito ang iyong panaginip.

Ang isa mo pang panaginip na umakyat kayo ng nanay mo sa hagdan hanggang sa pinakatuktok ay nagsasabing mararating mo ang katuparan ng iyong mga ambisyon sa buhay sa kondisyon na hindi mo kalilimutan ang mga aral sa buhay na natutunan mo sa iyong nanay.

Ang babae naman na nagsasabing noon ka pa niya sinusubaybayan ay babae na noon pa man ay madalas ka na rin niyang mapanaginipan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page