top of page
Search

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Nagsama-sama ang halos 9,000 katao sa Go Negosyo WOMEN 2020 Entrepreneurship Summit na pinangunahan nina Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Founder Joey Concepcion at Summit Co-chair Alice Eduardo (CEO, Sta. Elena Construction) noong March 3, 2020 sa World Trade Center, Pasay City.

Nagbahagi ang 50 women leaders at moderators mula sa Pilipinas at ASEAN ng kanilang mga karanasan bilang babae at bilang entrepreneur kabilang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Charo Santos-Concio (ABS-CBN), Boy Abunda at marami pang iba.

Matapos ang pagbabahagi ng kanilang mga karanasan ay sinamahan ni Concepcion ang awardees ng Go Negosyo ASEAN Women of Impact sa courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace. Nandito rin sina Alice Eduardo at ASEAN BAC PH council member George Barcelon.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 

Kabit-Kabitz / Fersalina Sogo

Hot na hot na issue ngayon ang renewal ng franchise ng ABS-CBN. Kaya naman, marami ang tila sumasawsaw sa isyung ito.

Bagitong Dramatiko - Tulad na lang ng isang mambabatas na nagpainit ng ulo ng netizens at celebrities nang m

agbitaw ito ng kontrobersiyal na pahayag tungkol sa network.

Wapakels si mambabatas kung magsara ang network.

‘Long hair, don’t care’ sa issue si Mr. Pulitiko!


ShaSha Padiva - Siyempre, hindi patatalo at mega-react ang isang beteranang singer-actress sa kanyang social media na nagpahayag ng pagkadismaya sa mambabatas. Napakasakit, Kuya Eddie, ang drama ng singer-actress. Ganyan kita kamahal, ABS-CBN!

Tito Kong Hoodlum - Pero take note, hindi naman agree ang pinsan ni veteran singer-actress sa sinabi nito. Nagpahayag ng suporta sa pagpapasara ng network ang pinsan kahit pa malaki ang utang na loob nito at ng kanyang asawa sa network. Bet mo ‘yun? Die hard supporter kasi si pinsan ng pangulo. Pero hindi riyan nagtatapos ang kabit-kabitz na isyu ng pamilyang ito. Daig pa ang pamilya Zarragoza sa dami at gulo ng drama.


Danilo Pasaway - Ang pamangkin naman ng magpinsang ito ay may ibang kandidatong sinuportahan noong nakaraang eleksiyon sa pagka-pangulo.

Mario Palengkero - Tambay diumano sa palengke ang napusuang kandidato ng pamangkin para iendorso, na ang naging misis ay mataas ang posisyon sa naturang network.


Korona Supladita - Napabalitang nagparetoke raw ng ilong ang misis ng dating pulitiko. How true kaya itey? Bali-balita ring masungit daw si misis sa mga staff sa network at may silent war daw ito sa isang kapwa TV personality na tumawid-bakod mula sa kalabang istasyon.

KARINA DIBALENA - Si TV personality ay binansagang “sexiest woman alive” ng isang magazine. Say mo sa lola mo? May asim pa rin pala. Palagi namang sinasagot ng isang supporter ng pangulo na seksing-sexy din si TV personality sa social media. Grabe na ang mga social media wars nowadays. ‘Kalokah!

Mu-kang Usung-uso - Sinabihan diumano ng supporter na ‘sintamis ng chocolate’ si TV personality na nagpapalaganap ng “fake news” tungkol sa issue. Hinamon din nito si TV personality na i-ban din daw ang mga afam dito tulad ng pagsabing ipa-ban ang mga Chinese sa bansa. Ansabe raw?

Rudy Ditrenta - Aktibo sa pangangampanya si supporter noong 2016 Presidential Elections. Talaga namang star-studded din ang tagasuporta ng nanalong kandidato noon. Kaya nga ito pumatok sa masa bukod sa kanyang kenkoy na personalidad. Loyal na loyal naman sa kandidatong ito ang naturang mambabatas na sinabihan kamakailan na magbitiw na sa puwesto at mag-apply na lamang na bodyguard ng kandidato.

♥♥♥♥

O, siya, hula-hula na muna at abangan ang mga susunod na kabanata NG MGA PINAGLARUANG MUKHA ni KIMPOY

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni James na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Nanaginip ako ng napakaraming locust o balang na mga nakikita sa bukid na tatalun-talon.

Noong mga bata pa kami, nanghuhuli kami nu’n sa Nueva Ecija at pinaglalaruan namin, pero may mga matatanda na nanghuhuli rin kasi kinakain namin ‘yung mga locust o balang.

Pabalik-balik sa panaginip ko ang mga ito hanggang sa nagising na ako.

Naghihintay, James

Sa iyo James, May panahon ng paglabas ng mga balang o locust at ito ay kapag ang mga bundok ay may malalawak na damuhan at natutuyo na ang mga halaman sa gubat.

Doon ang natural habitat ng mga balang. Ibig sabihin, hindi naman sila talaga nakatira sa bukid na taniman ng mga palay, gulay at mga halamang kinakain ng tao.

Kaya kapag dumarayo sila sa mga barangay, bayan at maging sa mga siyudad, sila ay libu-libo o baka milyun-milyon pa, as in, sila ay sobrang dami.

Para sa mga magsasaka, salot o peste ang mga ito, kasi kapag nag-landing ang mga balang sa taniman ng palay, masisira ang tanim na palay, ganundin ang nangyayari kapag sa mga gulay sila naminsala. Kaya ang iyong panaginip ay nagbababala ng taggutom o taghirap sa bayan ninyo sa Nueva Ecija.

Baka naman matakot ka at sobrang mag-alala, kaya bago pa mangyari ito, gusto kong ibahagi sa iyo ang kuwento ni Joseph, The Dreamer na nakasulat sa Banal na Aklat.

“Sa pamamagitan ng mga panaginip, nakita ni Joseph ang magaganap na magkakaroon ng taggutom sa lupain kaya ang kanyang ipinayo sa hari ay mag-imbak ng mga pagkain para kapag dumating ang panahon ng taghirap, ang mamamayan ay may kakainin.”

Pero sa totoo lang, James, may mga balang man o libu-libong locust ang dumagsa, dapat paghandaan ng tao ang mga araw na darating. Kumbaga, kapag ang tao ay nakahanda para sa kinabukasan, hindi siya mag-aalala anuman ang dumating.

Kaya ang iyong panaginip ay para rin sa iyo na ang mensahe ay nagsasabing isabuhay mo ang paghahanda sa iyong hinaharap. Muli, ngayon na, hindi bukas kundi ngayon na mismo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page