top of page
Search

Bulgarific

Ipinababatid ng Philippine Charity Sweepstakes Office na mula May 11, 2020, ang pagproseso at pagpasa ng aplikasyon para sa medical assistance ay thru online application lamang. Ito ay para sa confinement, chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-transplant medicine sa mga pasyente sa NCR.

Bisitahin lamang ang PCSO Official website sa www.pcso.gov.ph at pumunta sa E-service, i-click ang NCR Online Application. Para sa iba pang katanungan, maaari ring tumawag sa Globe: 0917-8807150/ 0927-3139380 o Smart: 0919-0683699/ 0949-0310843 mula Lunes- Biyernes, 9:00am-5:00pm.

Samantala, namahagi ng 13 Patient Transport Vehicle (PTV) ang PCSO mula sa programa nitong Medical Transport Vehicle Donation (MTVD).

Ang mga nabigyan ay ang Gonzaga, Cagayan, Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital Ilocos Norte, Labrador Pangasinan, Lubang District Hospital Occidental Mindoro, Naguilian Isabela, Mambusai Capiz, Nabua Camarines Sur, Calatagan Batangas, Rizal Occidental Mindoro, Abra de Ilog Occidental Mindoro, Botolan Zambales, Imelda Zamboanga Sibugay at Aborlan Medicare Center sa Palawan.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Rochelle na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Umuwi rito sa Pilipinas ‘yung ka-chat ko, pero nasa Manila pa siya at hindi makapunta rito sa samin sa Nueva Ecija, kaya ang laki ng problema ko dahil naka-lockdown sa amin at sa Manila.

Tapos, pumunta ako sa barangay namin at sinabi ko sa kapitan ang problema ko at sinabing pahihiramin niya ako ng sasakyan ng barangay para masundo namin ang ka-chat ko.

Naghihintay,

Rochelle

Sa iyo Rochelle,

Kapag malungkot ang tao, ang kanyang panaginip ay gumagawa ng paraan para siya ay sumaya. Dahil dito, malinaw na pinaghaharian ka ng kalungkutan ngayon. Gayunman, kahit ang tao ay nabubuhay sa lungkot, may ilang bagay pa ring nagpapasaya sa kanya, kumbaga, ang buhay ay hindi naman puro loneliness. Kaya malinaw din na sa pakikipag-chat, ikaw ay sumasaya. Sabagay, tiyak din na hindi lang ikaw ang sumasaya sa pakikipag-chat, lalo na ngayong hindi makalabas ang mga tao at puro internet lang ang ginagawa nila.

Sa iyong panaginip na pumunta rito ang ka-chat mo, ibig sabihin, siya ay foreigner. Masuwerte ka dahil marami sa mga foreigner na nakikipagchat ay mababait at bukas ang kanilang puso para sa mga Pinay. Pero may kondisyon at ito ay ang kailangan, matagal nang ka-chat ang foreigner dahil kapag hindi pa siya matagal na kapalagayang-loob, hindi puwedeng sabihin na siya ay mabait.

Gayundin, sa iyong panaginip, makikitang may katagalan na kayong magkakilala, kaya hinahangad mong makapunta siya rito. Ayon sa iyong panaginip, puwede siyang bumisita sa atin dahil sa kayo ay matagal na ring magkakilala.

Pero hindi pa ito ngayon dahil tulad ng nasabi na, kaya mo siya napanaginipan ay dahil nakakulong ka sa bahay.

Muli, inaaliw ng panaginip ang tao kapag siya ay nalilito na sa kung ano ang gagawin sa lungkot na naghahari sa kanya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Sarah na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nakakatakot ang panaginip ko dahil takbo ako nang takbo. Bakit madalas na ganito ang panaginip ko?

Naghihintay,

Sarah

Sa iyo Sarah,

Hindi naman masama ang managinip ng takbo nang takbo. Minsan ang pagtakbo ay pagmamadali na makarating sa dulo ng landas ng buhay na makakaharap niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Minsan, ang takbo nang takbo sa panaginip ay nagpapayo na dapat magmadali ang nanaginip na ang pahabol na kahulugan ay dagdagan niya ang lakas at sigasig nang sa gayun ay mapabilis ang kanyang tagumpay. Pero dahil ayon sa iyo ay nakadama ka ng takot sa likod ng iyong panaginip, hindi gaanong kagandanhan ang kahulugan nito.

Kapag nanaginip ng takbo nang takbo at takot ang nanaginip, ibig sabihin, siya ay may nagawang kasalanan o pagkakamali sa buhay.

Dahil dito, siya rin ay pinapayuhan na kung kasalanan ang kanyang nagawa, kailangang humingi siya ng tawad sa nagawan niya ng masama. Mahirap gawin ito, pero may ibang bagay na puwedeng gawin at ito ay ang huwag nang uulitin ang kanyang ginawang kasalanan sa mismong tao na nagawan ng kasalanan at huwag nang uulitin ang sa ibang tao.

Dahil ang utos na huwag kang magkasala ay utos ng Diyos, marapat lang na kay God humingi ng tawad. Ang totoo, nasusulat na wala namang kasalanan kung walang kautusan, kaya mahirap mang paniwalaan, ang tao ay sa Diyos nagkakasala dahil si God ang may gawa ng kautusan.

Dahil hindi tao ang gumawa ng kautusan, puwede rin naman na hindi sa tao humingi ng tawad, pero mas maganda kung magagawa mo na humingi ng tawad sa Diyos at tao.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page