top of page
Search
  • BULGAR
  • Mar 2, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021





Walang makuhang impormasyon ang Food and Drug Administration hinggil sa umano’y nabakunahan ng Sinopharm ang Presidential Security Group (PSG) kontra COVID-19, batay sa panayam kay FDA Director General Eric Domingo kaninang umaga, Marso 2.


Aniya, "Well, right now, if I tell you frankly, it's a blank wall. We're not getting any information. The DOH is not getting information. Our people are still at it. I don't have any concrete information on that."


Nauna na ring itinanggi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang isinumiteng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng bakunang Sinopharm na taliwas sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon.


Sa ngayon ay Pfizer, AstraZeneca at Sinovac pa lamang ang mga bakunang may emergency use authorization sa bansa.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 1, 2021




Mahigit 1.4 milyon na healthcare workers sa ‘Pinas ang tinatarget mabakunahan sa pagtatapos ng Marso, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. kaninang umaga, Marso 1.


Aniya, “Pipilitin po natin na matapos lahat ng health workers nationwide ngayong Marso. Wala pong maiiwan, walang iwanan.”


Sa ngayon ay 600,000 doses ng Sinovac mula China pa lamang ang bakunang nasa bansa. Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) nito noong ika-22 ng Pebrero. Batay sa evaluation, mayroon itong 65% hanggang 91% na efficacy rate para sa mga malulusog na indibidwal na nasa edad 18 hanggang 59, habang nagtataglay naman ito ng 50.4% na efficacy rate para sa mga healthcare workers na exposed sa COVID-19 patients.


Nauna nang tinurukan ng Sinovac sina PGH Director Dr. Gap Legaspi, FDA General Eric Domingo, NTF Deputy Implementer Sec. Vince Dizon, Acting PNP Chief Lt .Col. Cleto Manongas, P/BGen. Luisito Magnaye, P/Lt.Col Raymond Ona, at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Jr..


Samantala, sinimulan na rin ang pagbabakuna sa V. Luna Medical Center kung saan mahigit 30 sundalo at healthcare workers ang target na mabakunahan ngayong araw, ayon sa AFP Health Service.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 28, 2021





Binigyan na ng emergency use authorization ng United States ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccine.


Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), highly effective ang single-shot vaccine sa malalang kaso ng COVID-19 kabilang na ang mga bagong variants.


Pahayag naman ni US President Joe Biden, "This is exciting news for all Americans, and an encouraging development in our efforts to bring an end to the crisis.


"But we cannot let our guard down now or assume that victory is inevitable."


Sa isinagawang clinical trials, napag-alaman na ang efficacy ng J&J vaccine laban sa malalang kaso ng COVID-19 ay aabot sa 85.9% sa United States, 81.7% sa South Africa, at 87.6% sa Brazil.


Una nang inaprubahan ng US ang Pfizer at Moderna na parehong mataas ang efficacy rate na aabot umano sa 95%.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page