top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-9 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Marinduque.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumali ako sa sports festival dito sa amin.


Nanalo ako sa marathon, ngunit natalo naman ako sa swimming competition. Kaya naisipan ko naman na maglaro ng roleta, at nag-spin ako tatlong beses sa spinning board. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay, 

James


Sa iyo, James,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumali ka sa sports festival d’yan sa lugar n’yo, nanalo ka sa marathon ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig, makakaranas ka ng kamalasan sa darating na mga araw. 


Ang natalo ka sa swimming competition ay nangangahulugan na lalago ang kita ng negosyo mo kung magtitiyaga kang tutukan ito.


Samantala, ang naisipan mong maglaro sa roleta ay paalala na mag-ingat ka sa mga bago mong kaibigan. May posibilidad na sila ang maging sanhi ng kapahamakan mo. 


Ang tatlong beses kang nag-spin ay senyales na dadaan ka muna sa unang baitang, bago mo marating ang tagumpay. Maraming pagsubok ang kakaharapin mo, pero magiging mayaman at kikilalanin ka rin sa inyong lugar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-8 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Marie ng La Union.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umulan ng snow dito sa amin, at kalaunan ay naging snow storm. May nakita akong mga snail sa paligid, dinampot at itinaboy ko ito.


Pagkatapos, hinugasan ko ng sabon ang mga kamay ko para ‘di mangati.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Marie

Sa iyo, Marie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umulan ng snow d’yan sa inyo ay makakaranas ka ng pagsubok sa buhay, ngunit malalampasan mo rin ito. Ang nakakita ka ng mga snail ay nangangahulugan na hindi ka mapakali. Magiging problematic ka dahil sa kagagawan ng isa mong kaibigan na naiinggit sa iyo.


Samantala, ang hinugasan mo ng sabon ang mga kamay mo ay babala ng mga problema na sunud-sunod darating sa buhay mo. Pero, kung gagamitin mo iyong ang isip at talino, malalampasan mo rin ito. Dapat kang maging handa sa mga ‘di inaasahang problema. Maging matatag at huwag agad panghinaan ng loob.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-7 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jomart ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-apply akong sundalo sa Camp Crame, at agad naman ako natanggap, nang may biglang lumapit sa akin na isang sundalo, may ibinulong siya na dapat kong gawin. Sinunod ko iyon kahit alam kong isang malaking kasalanan ang gagawin ko. Sa sobrang depress ko, pakiramdam ko ay magkakasakit na ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay, Jomart

Sa iyo, Jomart,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-apply kang sundalo at natanggap ka naman ay sunud-sunod na pagbabago ang mararanasan mo sa susunod na mga araw.


Ang nilapitan ka ng isang sundalo, may binulong siya sa iyo at sinunod mo ito kahit na alam mong ito’y malaking kasalanan ay babala na may paparating na gulo sa buhay mo. Masasangkot ka sa isang kaguluhan.


Samantala, ang pakiramdam mong magkakasakit ka dahil sa sobrang pagka-depress ay nagpapahiwatig na may paparating sa iyong tukso. Maguguluhan ka kung iiwas ka ba rito o hindi. Pero, mas makakabuting umiwas ka, dahil wala rin naman itong mabuting maidudulot sa buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page