top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-12 Araw ng Abril, 2024


Analisahin po natin ang panaginip na ipinadala ni Daniel ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na hinahabol ako ng dalawang aso. Kakawag-kawag ang buntot at parang gusto akong kagatin. Tumakbo ako nang mabilis at nagtago ako sa damuhan.


Ngunit, muntik naman akong tuklawin ng ahas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Daniel


Sa iyo, Daniel,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na hinahabol ka ng dalawang aso, kakawag-kawag ang buntot nila ay susuwertehin ka sa pag-ibig. Matatagpuan mo na ang babaeng pakakasalan mo. Kaya lang, malilito ka sa pagpili sa dalawang babae na napupusuan mo sa ngayon. Gayunman, pareho kang liligaya sa kanila, pareho silang inlab sa iyo at handa silang makasama ka habambuhay.


Ang bilang na dalawa ay nangangahulugan din ng pabagu-bagong desisyon. Oo na ang sagot mo, naging hindi pa. Madali kang magpalit ng desisyon, kumbaga may pagka-fickle minded ka. Makakabuting kung ano ang una mong desisyon, ‘wag mo nang baguhin dahil guided ka rin naman ng Holy Spirit sa una mong desisyon. Kapag binago mo, hindi na magiging maganda ang lahat. 


Samantala, ang tumakbo ka sa damuhan, muntik ka na matuklaw ng ahas ay babala na may lihim kang kaaway, ngunit hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo, dahil matutunugan mo ito agad at makakagawa ka agad ng solusyon bago niya maisakatuparan ang masama niyang binabalak.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-11 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Bohol.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na napapaligiran ako ng mga senior citizen. Lima ‘yung matatandang lalaki habang apat naman ‘yung mga babae. 


Inabutan ako ng perlas ng isang matandang babae. Samantalang ‘yung iba naman ay binigyan ako ng isang basket ng peras. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Romeo


Sa iyo, Romeo,


Ang panaginip mo na napapaligiran ka ng mga senior citizen ay nagpapahiwatig ng financial success. Malapit ka nang yumaman. Kaya lang, ang bilang na limang ay nagpapahiwatig na maaari kang mabiktima ng budul-budol. Huwag ka basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap mo, dahil ang iba sa kanila ay mga scammer.


Ang apat na matandang babae ay babala ng sunud-sunod na kamalasan, ngunit sunud-sunod na suwerte rin naman ang nakalaan sa iyo. 


Ang numerong kuwatro ay spiritual number na ang ibig sabihin, bago mo makamit ang iyong pangarap, dapat ay nagsisimba ka o kaya nama’y gumagawa ka ng mga gawaing kalugud-lugod sa Diyos.


Ang inabutan ka ng perlas ng matandang babae ay senyales na paparangalan at yayaman ka dahil sa iyong pagsusumikap. 


Samantala, ang binigyan ka ng isang basket ng peras ng matandang babae ay pahiwatig na tataas ang antas mo sa lipunan, at makakapag-asawa ka na ng babaeng tapat magmahal, malambing at mahusay sa mga gawaing bahay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-10 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joy ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa abroad ako. Nakatayo ako sa taniman ng oats, habang naglalakad ako may natanaw akong tatlong oak tree. Ang lago ng dahon, ngunit ‘yung isa ay lanta at tuyot na.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joy


Sa iyo, Joy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa abroad at nakatayo ka sa taniman ng oat ay paglalakbay, magkakapag-abroad ka sa lalong madaling panahon. Ito rin ay nagpapahiwatig na roon mo makikilala ang magiging husband mo. Pakakasalan ka niya at magiging matagumpay ang pagsasama n’yo. Mabait, tapat magmahal at maaasahan siya sa lahat. 


Samantala, ang dalawang oak tree na may malagong dahon ay senyales na uunlad na ang pamumuhay mo. Papalarin ka sa negosyo at magiging masaya na ang pamilya mo. 


Ang lanta na mga dahon sa oak tree ay paalala na hindi lagi magiging maaliwalas ang iyong kalagayan dahil masisingitan ka rin paminsan-minsan ng mga suliranin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page