top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 19, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 19, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Makati.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Dumungaw ako sa bintana, at nakakita ako ng comet. Natuwa ako dahil minsan lang naman lumitaw ang comet, at natiyempuhan ko pa. 


Naglaho ang comet matapos ang 40 minuto, at maya-maya ay may lumitaw na fog. Ang lamig ng buong paligid hanggang sa nakaramdam ako ng ginaw kaya isinara ko na ang bintana.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagising ka sa kalagitnaan ng gabi, binuksan mo ang bintana at may nakita kang comet sa kalangitan, ito ay babala na magkakaroon ng digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, kasunod nito ay ang taggutom at kahirapan. Makararanas ng matinding hirap ang mga taong apektado ng digmaan.


Ang 40 minuto ay nagpapahiwatig ng kamatayan. Madami ang mamatay dahil sa nasabing digmaan. Sunud-sunod na kamalasan na darating, subalit pagkatapos ng mga kamalasang iyan, mapapalitan din naman ito ng kasaganahan, kaligayahan at katahimikan. 


Samantala, ang fog na nakita mo ay may kaugnayan sa love life mo. Magkakaproblema ka sa dyowa mo dahil sa pabagu-bago niyang mood, at manlalamig na rin siya sa’yo, maski ikaw ay may posibilidad na manlamig na rin sa kanya. Mababawasan na ang init ng inyong pagmamahalan, ngunit kailangan mong lawakan ang iyong pasensya upang magkasundo kayo at ‘di mauwi sa hiwalayan ang inyong relasyon. 


Sayang naman ang maganda n’yong samahan kung magtatapos lang ito sa hiwalayan. Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa at gamitan ng diplomasya ang pakikipag-usap sa kanya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Jan 18, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 17, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leo ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ginatasan ko 'yung baka namin. Nangawit ang binti at paa ko hanggang sa tuluyan akong pinulikat. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leo


Sa iyo, Leo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ginatasan mo ‘yung baka ay uunlad ang negosyo mo. Kikita ka ng malaki at tatangkilikin ng tao ang negosyong naisip mo. 


Samantala, ang pinulikat ang mga binti at paa mo dahil ang tagal mong ginatasan ang baka ay nangangahulugan na ang kapalaran mo ay magbabago, at mapapalitan na ito ng mas maganda at tuluy-tuloy na pag-unlad ng iyong kabuhayan hanggang sa dumating sa puntong yumaman ka. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 17, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Pura ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumating ang boyfriend ko sa bahay namin, at may dala siyang champagne at bouquet of flowers.


Masaya ang mukha niya habang ibinibigay sa akin ang bouquet, hanggang sa niyaya niya akong uminom ng dala niyang champagne. Pinagbigyan ko naman siya kahit hindi ako umiinom ng champagne. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Pura


Sa iyo, Pura,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na dumating sa bahay n’yo ang boyfriend mo, at may dala siyang champagne. 


Ang champagne ay sumisimbolo ng kasaganahan, at masayang pagsasama. May posibilidad na yayain ka na ng boyfriend mo na magpakasal. Huwag ka nang magdalawang-isip at pumayag ka na agad. Tiyak na magiging masaya at sasagana ang iyong pagsasama.


Ang masaya ang mukha niya ay nagpapahiwatig na ikaw lang ang mamahalin niya habambuhay. Tapat at dalisay ang pag-ibig na ibinibigay niya sa iyo.


Samantala, ang binigyan ka niya ng bouquet of flowers ay senyales ng kaligayahan, dalisay na pagmamahal at matagumpay na pag-iibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page