top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 31, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolan ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatira ako sa abroad. May bahay ako sa gitna ng gubat, dumungaw ako sa bintana habang may hawak na whisky sa aking kamay.


Tinungga ko ito, at maya-maya ay may natanaw akong wolf sa ‘di kalayuan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolan


Sa iyo, Rolan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatira ka sa abroad, may bahay ka sa gitna ng gubat, at dumungaw ka sa bintana, ay nagdududa ka sa katapatan ng iyong kaibigan, pero sa totoo lang hindi mo siya dapat pagdudahan dahil isa siyang tapat at maaasahang tao. 


Ang may hawak kang whisky, at tinungga mo ito ay nagpapatunay lamang na isa kang lasinggero. Kahit ano’ng gawin mong pag-iwas sa alak, hindi mo ito magagawa.


Samantala, ang may natanaw kang wolf sa ‘di kalayuan ay babala na hindi mo dapat pagkatiwalaan ang iyong mga kaibigan. Isa r’yan ay may lihim na inggit sa iyo. Gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Huwag mong pagkatiwalaan lahat ng iyong mga kaibigan, maging mapagmatyag ka para ‘di ka nila maisahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 30, 2024


Analisahin natin ang panaginip ni ipinadala ni Lilet ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naiyak ako sa sobrang kasiyahan, dahil nanalo ako sa beauty contest. Kinoronahan ako bilang premyo sa aking pagkapanalo. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lilet


Sa iyo, Lilet,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naiyak ka sa tuwa dahil nanalo ka sa beauty contest ay magiging maligaya ka sa darating na mga araw. Samantala, ang binigyan ka ng korona bilang premyo sa iyong pagkapanalo ay nangangahulugan na mapupuspos ng kaligayahan ang buhay mo dahil magtatagumpay ka sa lahat ng pinaplano mo sa buhay. Kikilalanin at titingalain ka sa inyong lugar. Hahangaan ka rin ng mga kaibigan mo. Yayaman at magiging masaya ka na araw-araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 29, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Valenzuela City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming damit sa banyo. Hindi na ito malabhan ng mother ko, kaya naisipan ko itong labhan para ‘di na masikip kapag naliligo ako.


Pagkatapos ko maglaba, naligo na ako. Sa umpisa, malinis ang tubig na nanggagaling sa gripo, pero sa katagalan, ang dumi na nito at para bang may halong putik.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dexter


Sa iyo, Dexter,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong maligo sa banyo, pero ang daming damit ay magiging abala ka sa pagtulong sa iyong pamilya. Mahihirapan kang kumawala sa ganitong sitwasyon dahil alam mong ikaw lang ang inaasahan nila.


Ang naligo ka pagkatapos mo maglaba ay nangangahulugan na lagi kang nag-aalala sa mga bagay na hindi pa man nangyayari, iniisip mo na agad na baka mabigo ka lang. Sa madaling salita, negative thinker ka. Think positive, and no to negative para makamit mo ang iyong ninanais.


Samantala, ang malinis na tubig mula sa gripo ay nagpapahiwatig ng kasaganahan, kaligayahan at mabuting kapalaran. Ang maduming tubig na parang may putik ay babala ng masama at pangit na kapalaran.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page