top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 10, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jenny ng Cabanatuan, Nueva Ecija. 


Dear Maestra, 


Isa akong single at kasalukuyan ding mayroong breast cancer. 


Napanaginipan ko na nakalbo at nabulag ako dahil sa chemotherapy. Dumating ‘yung friend ko na matagal nang nanliligaw sa akin, at dinalaw niya ako sa hospital. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 


Naghihintay, 

Jenny


Sa iyo, Jenny, 


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakalbo at nabulag ka dahil chemotherapy ay kakailanganin mo ang tulong ng matalik mong kaibigan. Hindi mo kayang lutasin ang problema mo. Tutulungan ka niya at patuloy mo pa rin siyang maaasahan sa mga sikreto mo.


Samantala, ang dinalaw ka sa hospital ng kaibigan mong matagal nang nanliligaw sa iyo ay nagpapahiwatig na hindi ka na makakapag-asawa. Wala kang magiging asawa’t anak na pagsisilbihan at aalagaan. 


Matapat na sumasaiyo, 

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 7, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Pasay City. 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kinuha ko ang photo album namin, at bigla ko tuloy naalala ‘yung namatay kong kapatid, namatay siya habang nakikipag-inuman sa kanyang mga barkada. Matapos nu’n ay agad din akong nakatulog, ngunit dahil sa litratong nakita ko, binangungot ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?


Naghihintay,

Lorry Ann


Sa iyo, Lorry Ann,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kinuha mo ang family album n’yo, tiningnan mo ang mga litrato n’yo roon ay babala na masasangkot ka sa isang gulo dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo na may lihim na inggit sa iyo. Maging mapagmatyag ka sa iyong paligid, at huwag na huwag magtitiwala sa mga kaibigan.


Samantala ang binangungot ka dahil naalala mo ang kapatid mong namatay ay nangangahulugan na sunud-sunuran ka sa isang taong malaki ang naging utang na loob mo.


Hindi ka makapalag sa lahat ng inuutos niya. Dapat mo na siyang iwasan. Lumayo ka na sa kanya para hindi maging miserable ang buhay mo. Mamuhay ka ng may sariling paninindigan at huwag umasa sa impluwensya ng iba.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 5, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na inabutan ako ng bestfriend ko ng puting papel at nakatiklop ito ng maayos. Nang buksan ko ito, agad kong nalanghap ang napakabangong amoy.


Nilagyan niya pala kasi ito ng pabango. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang panaginip mo na inabutan ka ng puting papel na nakatiklop ng maayos, ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at katuparan ng mga pangarap mo sa buhay, makakatulong mo ang kaibigan mong lalaki na matagal nang may pagtingin sa iyo.

Tutulungan ka niyang abutin ang iyong pangarap at susuportahan ka niya financially. Kung sakaling tatanggapin mo kanyang pag-ibig, tiyak na ikakasal kayo.

 

Samantala, ang nilagyan ng pabango ang puting papel ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa lahat ng pangarap mo sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page