top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 15, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 14, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gregory ng Valenzuela City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umattend ako ng reunion ng aming pamilya. Ang daming pagkain, kaya lang nagtaka ako dahil nakalagay ito sa basin kesa bandehado o platong malaki. 


Gayunman, ang sinerve sa akin ay agad ko ring kinain. Maya-maya, may binigay sila sa aking basket na punumpuno ng mga prutas. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gregory


Sa iyo, Gregory,


Ang panaginip mo na umattend ka ng reunion, at ang daming pagkain ay nagpapahiwatig na maiinlab ka sa bago mong kakilala. Subalit, hindi rin ito magtatagal. 


Samantala, ang binigay sa iyong basket na punumpuno ng prutas ay nangangahulugan na malalampasan mo ang mga hadlang sa iyong plano. Magagawan mo ito ng paraan anuman ang sagabal na dumating sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 14, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Tondo, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dinalaw ko ‘yung kapatid ko. Nagdala ako ng cake bilang pasalubong sa kanya. Nadatnan ko na hirap na hirap siya sa pag-aalaga sa kanyang baby. Iyak nang iyak ang baby niya, kaya nilaru-laro ko ito, matapos ko itong mapatawa, hiniwa ko naman ang cake na dala ko at sabay namin itong pinagsaluhan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?

Naghihintay,

Lolit

Sa iyo, Lolit,


Ang panaginip mo na dinalaw mo ang iyong kapatid, nagdala ka ng cake bilang pasalubong, at kinain n’yo, ito ay senyales na hindi mo agad masasagap ang suwerte.


Kailangan mo munang magtiyaga para maisakatuparan mo ang iyong pinapangarap. 


Ang umiyak na baby ay nangangahulugan na may paparating na problema sa iyong buhay. Makararanas ka ng kapighatian at mga pagsubok sa kasalukuyan. 


Samantala, ang napatawa mo ang baby ay nagpapahiwatig na marami kang tapat na kaibigan. Maasahan mo sila sa sandali ng kagipitan, at handa ka nilang tulungan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 11, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpunta ako sa gubat. May dala akong pana at ginamit ko ito habang pinapakawalan ko ang pana sa ere. Nagulat ako nang may bigla ring nagpalipad ng pana. Hindi lang pala ako nag-iisa sa gubat na iyon. May dala din siyang pana at kasama sa napana ay ang aking paa. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa gubat, ginamit mo ang pana mo ay palatandaan na may paparating na kasiyahan sa buhay mo. Mamamasyal at magliliwaliw ka kasama ang mga mahal mo sa buhay.


Samantantala, ang may ibang tao rin pala sa gubat at napana ang iyong paa ay nagpapahiwatig na may kaaway ka na naghahangad na pabagsakin ka. Hindi siya titigil hangga’t ‘di ka niya nagagapi. Maging maingat ka dahil nasa tabi-tabi lang ang iyong kaaway.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page