top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Armando ng Taguig.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa liblib na pook ako, at nakarinig ako ng malakas na tunog ng kanyon. Sa takot ko, tumakbo ako para iligtas ang aking sarili, nang bigla kong nahulog sa kumunoy. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Armando


Sa iyo, Armando,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa liblib na pook ka, at nakarinig ka ng malakas na tunog ng kanyon ay magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng mahal mo sa buhay. Magtatalo at magsisigawan kayo hanggang sa tuluyang mag-away. 


Ito rin ay nangangahulugan na may matatanggap kang masamang balita mula sa kaibigan mo na nagtatrabaho sa militar. 


Samantantala, ang tumakbo ka para iligtas ang iyong sarili at bigla kang nahulog sa kumunoy ay nagpapahiwatig na malalagay ka sa panganib dahil sa hindi magandang pag-uugali at pagsasalita mo sa iyong kapwa. Mag-ingat ka sa pagsasalita, iwasan mong maging mapagmataas, at alalahanin mo na ang mapagmataas ay ibinababa habang ang mga taong nagpapakababa ay itinataas.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Feb 17, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 17, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Gapan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang mga libro. Ano ang ibig ipahiwatig nito?


Naghihintay,

Ben ng Tarlac


Sa iyo, Ben,


Kung sa panaginip mo ay nagbabasa ka ng libro ito ay nangangahulugan na kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan. Magiging sikat at hahangaan ka nila. 


Kung ikaw naman ay binigyan ng libro, ito ay nagpapahiwatig na matatagpuan mo na ang katugma ng puso mo. Liligawan mo siya at agad ka naman niyang sasagutin hanggang sa mauwi sa kasalan ang inyong pag-iibigan. 


Samantala, kung sa panaginip mo ang mga libro ay nakalagay sa bookshelves, ito ay senyales na magiging maligaya ka sa darating na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Feb 16, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 16, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namitas ako ng beans sa gulayan namin, niluto ko ito at agad na kinain.


Maya-maya, nagluto naman ako ng bacon at agad ko rin itong kinain. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica


Sa iyo, Jessica,


Ang panaginip mo na namitas ka ng beans, agad mo itong niluto at kinain ay babala ng kamalasan. Masasangkot ka sa kaguluhan dahil sa mga kaibigan mo, makakabuting dumistansya ka muna sa iyong mga kaibigan. Hindi mo dapat paniwalaan agad ang kanilang sinasabi. 


Samantala, ang nagluto ka rin ng bacon at agad mo rin itong kinain ay nangangahulugan na makakaranas ka ng kalungkutan. Mapapaaway ka anumang iwas ang gawin mo. Mas maiging manatili ka na lang muna sa bahay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page