top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 21, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 21, 2024




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Batangas.


Dear Maestra,



Napanaginipan ko na magluluto ako ng adobo. Kinuha ko ‘yung laurel upang maglagay ng kaunti sa adobo, at gustung-gusto ko ang amoy nito. 


Napanaginipan ko rin noong isang gabi, may nilagay na barrier sa daanan ng kotse ko. Inalis ko ito, pero nahirapan ako sa pagtanggal nito. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Ang napanaginipan mo na kumuha ka ng laurel upang ilagay sa lulutuin mong adobo, ito ay senyales na magwawagi ka sa mga pagsubok sa buhay. Makakaranas ka rin ng kaligayahan at kasaganahan. 


Kung binata ka pa sa kasalukuyan at naghahanap ng magiging kabiyak ng puso, ito ay nagpapahiwatig ng mabilisang pag-aasawa. Bigla kang makakapag-asawa nang hindi mo inaasahan. 


Samantala, ang inalis mo ang barrier na nakaharang sa daanan ay nangangahulugan na malalampasan mo ang mga pagsubok sa buhay mo gaano man ito kabigat.


Magtatagumpay ka rin sa larangan ng pag-ibig, at mapapangasawa mo rin ang babaeng iniibig mo.


 
 
  • BULGAR
  • Feb 20, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 20, 2024




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Judith ng Pampanga.



Dear Maestra,



Napanaginipan ko na kausap ko ang mother ko. Sinisisi niya ako dahil sinanla ko ‘yung mga alahas niya. Sa inis ko, pinunit ko ‘yung resibo. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Judith


Sa iyo, Judith,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakausap mo ang mother mo ay gaganda na ang buhay mo. Magugulat ka na lang dahil hindi mo inaasahan na may pag-asa pa palang umunlad ang buhay mo at makamit ang iyong inaasam. 


Ang sinisisi ka ng mother mo dahil sinanla mo ang mga alahas niya ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa binabalak mong negosyo.


Samantala,ang pinunit mo ang resibo ay tanda na matatapos na ang mga pasanin mo sa buhay. Hindi ka na gaanong mag-aalala sa susunod na mga araw. Liligaya at giginhawa ka na rin.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 19, 2024




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Naic, Cavite. 



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumali ako sa fun run, nang biglang umulan pero hindi naman ito malakas, kumbaga ambon lang. At kalaunan, may lumitaw na bahaghari sa langit. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumali ka sa fun run ay magtatagumpay ka sa inumpisahan mong negosyo. Ito rin ay nagpapahiwatig na tatanggapin na ng nililigawan mo ang pag-ibig na inaalay mo sa kanya. 


Samantala, ang umabon habang kayo ay tumatakbo, ito ay sign ng kasaganahan at kaligayahan. Sasagana at yayaman ka na. 


Ang paglitaw ng bahaghari sa langit ay nangangahulugan ng mabilis na pagbabago sa kalagayan mo ngayon. Mas gaganda ang buhay mo ngayon kesa dati.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page