top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 9, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Pasig.


Dear Maestra,


Tagahanga ako ng column n’yo, at ang dami ko nang natutunan dito.


Madalas kong mapanaginipan ang bracelet. Ano ang ibig ipahiwatig nito? 


Naghihintay,

Laura


Sa iyo, Laura,


Kung sa panaginip mo ay nagsusuot ka ng bracelet, ito ay nangangahulugan na maiinlab ka sa isang lalaki na hindi mo pa lubusang kilala.


Kung ang bracelet sa panaginip mo ay napakaganda, ito ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng isang lalaking mayaman at tinitingala sa lipunan. 


Samantala, kung may asawa ka na, ito ay senyales na makakatanggap ng malaking halaga ang asawa mo. Magkakapera siya sa susunod na araw. Yayaman na kayo at hindi na kayo maghihirap kailanman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 6, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Terry ng Dagupan.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinuntahan ko ‘yung nabili kong lupa sa probinsya at habang pinagmamasdan ko ang paligid, bigla namang kumidlat. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Terry

 

Sa iyo, Terry,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na pumunta ka sa probinsya para bisitahin ang nabili mong lupa, ito ay kayamanan at pagiging malaya sa iyong mga desisyon sa buhay. Wala nang mangingialam sa iyo at mamumuhay ka ng payapa at panatag.


Samantala, ang biglang kumidlat habang pinagmamasdan mo ang paligid ay senyales na magtatagumpay ka sa pinaplano mong gawin. Tuluy-tuloy na ang iyong pagyaman at kung may plano kang magpakasal, ngayon mo na ituloy dahil tiyak na liligaya ka sa buhay may asawa.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 5, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeramy ng Olongapo.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang nakakasilaw na liwanag. Nagsimula sa isang sinag hanggang sa lumiwanag ang buong paligid.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?

Naghihintay,

Jeramy


Sa iyo, Jeramy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na madalas kang makakita ng nakakasilaw na liwanag ay kaligayahan. Kung may karelasyon ka ngayon, magiging maligaya kayo at may posibilidad na mauwi sa kasalan ang inyong pag-iibigan.


Samantala, ang nagsimula sa isang sinag hanggang sa lumiwanag ang buong paligid ay senyales na ihanda mo ang iyong sarili sa dadaluhan mong pagtitipon dahil doon ka makakaranas ng sobrang kaligayahan at may makikilala ka sa pagtitipong iyon na siya ring magpapasaya sa puso mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page