top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 12, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala Louie ng Cavite.


Dear Maestra,



Napanaginipan ko na umiinom ako ng tsaa, binaba ko sa mesa ‘yung tasa, pero natabig ko ito, natapunan ang damit na suot ko at namantsahan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Louie



Sa iyo, Louie,



Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umiinom ka ng tsaa ay mahaharap ka sa isang nakakainis na sitwasyon na kung saan labis kang mag-aalala. Subalit kung mag-iingat ka sa mga kilos at pananalita mo, maiiwasan mo ito.


Samantala, namantsahan ang damit mo dahil natapunan ng tsaa ay nangangahulugan na may darating na mga pangyayari sa buhay mo na magiging hadlang sa kaligayahan mo. Makakaranas ka ng kalungkutan sa susunod na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 11, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Riza ng Pampanga.



Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang silya. Napanaginipan ko na nakaupo ako sa rocking chair. Samantala, noong nakaraan ay napanaginipan ko na ang sarap ng pakiramdam ko habang nakaupo sa bagong biling silya ng kapatid ko.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Riza


Sa iyo, Riza,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakaupo ka sa rocking chair ay malapit ka na magkaroon ng  anak na babae.


Samantala, ang nakaupo ka sa bagong biling silya at napakasarap ng pakiramdam mo ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga pinaplano mong gawin sa kasalukuyan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 10, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Bataan.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagbubuhat ako ng bakal, nang biglang mabagsakan ang paa ko, at ang sakit-sakit.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joseph



Sa iyo, Joseph,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbubuhat ka ng bakal ay kakailanganin mo ang ibayong lakas upang makayanan mo ang mga problemang darating sa iyong buhay. Ito rin ay nagpapahiwatig na dapat kang maging matiyaga, masipag at buo ang loob sa pagtupad ng iyong mga pangarap sa buhay. Sasaiyo ang tagumpay kung patuloy kang magsusumikap sa pagtupad ng iyong mga pangarap.


Samantala, ang nasaktan ka dahil nabagsakan ng bakal ang iyong paa ay senyales na may paparating na hindi magandang pangyayari sa buhay mo. Makakaramdam ka ng pagkabalisa at labis na pag-aalala. Pero, huwag kang mabahala dahil pansamantala lang naman  ito. 



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page