top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 20, 2024



Dear Maestra,


Biyuda ako at mag-isa lang akong kumakayod upang buhayin ang aking mga anak. Hindi naman kami naghihirap sa buhay, nakakaraos naman kami sa aming pang-araw-araw na gastusin.


Napanaginipan ko na sobrang hirap ng kalagayan namin sa buhay. Kahit anong gawin kong pagsusumikap ay ganu’n pa rin at hindi ako makaahun-ahon sa kahirapan. 


Naisipan ko umanong humingi ng tulong sa Diyos. Sa totoo lang, hindi ako nagsisimba. Pero, noong araw na iyon, nagsimba raw ako sa cathedral na malapit sa amin. Nagdasal ako ng taimtim na sana ay makaahon na kami sa kahirapan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Veronica


Sa iyo, Veronica,


Ang panaginip mo na sobrang hirap ng kalagayan mo sa buhay na kahit anong gawin mong pagsusumikap ay ganu’n pa rin, ito ay nangangahulugan na magkakapera ka nang hindi mo inaasahan. May biglang suwerteng darating sa iyo na siya rin magpapayaman sa inyo.


Ang nagsimba ka sa cathedral ay maganda rin ang ipinahihiwatig, may mamanahin kang malaking halaga mula sa kamag-anak n’yo na kamamatay pa lang, at hindi mo inaasahan na isa ka pala sa pamamanahan ng malaking halaga.


Samantala, ang nagdasal ka ng taimtim at humingi ng tulong sa Diyos para makaahon ay senyales ng kalusugan, kaligayahan sa tahanan at pusong mapagmahal. Mananatili kang malusog, ligtas sa anumang karamdaman at liligaya ka na rin sa susunod na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 19, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng pocketbook at binabasa ko ito gabi-gabi bago ako matulog, pagkatapos ko magbasa binabalik ko rin ito sa bookcase. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loreta


Sa iyo, Loreta,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagbigay sa iyo ng pocketbook ay kaligayahan sa buhay may asawa. Kung wala ka pang asawa, tiyak na yayayain ka na magpakasal ng dyowa mo ngayon, at paniguradong magiging masaya ang pagsasama n’yo. 


Tuwing gabi ka nagbabasa ay nangangahulugan na magiging tanyag ka sa lugar n’yo.


Samantala, ang binabalik mo agad sa bookcase ‘yung pocketbook ay nagpapahiwatig na magiging masaya ang future mo at hindi ka makakaranas ng mabibigat na suliranin sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Herbert ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang tahimik, payapa at panatag na lugar ako, hanggang sa naisip kong magdasal hawak ang aking rosaryo. 


Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na tinuturo ko ang tungkol sa pagdating ng Panginoong Hesukristo. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Herbert


Sa iyo, Herbert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa tahimik, payapa at panatag kang lugar ay matatapos na ang mga gumugulo sa iyong isipan. Malulutas na ang mga problema mo at magiging panatag na ang iyong kalooban sa susunod na mga araw. 


Ang nagdasal ka hawak ang rosaryo ay nangangahulugan na papalarin at magtatagumpay ka sa binabalak mong gawin. 


Samantala, ang nagturo ka tungkol sa pagdating ni Hesukristo ay senyales na tataas ang antas mo sa lipunan dahil sa mga bagay na ginagawa mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page