top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fely ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa dati kong university, nang may bigla akong narinig na nag-uusap-usap at nagkukuwentuhan habang ang iba naman ay nagba-violin. Napasayaw kaming lahat dahil sa musikang nanggagaling sa violin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Fely


Sa iyo, Fely,


Ang ibig sabihin na pumunta ka sa dati mong university ay paparangalan ka sa inyong lugar. Magiging mataas ang tingin sa iyo ng mga ka-barangay mo. Hahangaan at igagalang ka nila. 


Ang may narinig kang nagkukuwentuhan ay nangangahulugan na may dadaluhan kang pagtitipon, magiging masaya ang nasabing pagtitipon at mage-enjoy ka sa piling ng mga kaibigan mo.


Samantala, ang violin ay senyales na magkikita-kita kayo ng mga kaibigan mo sa isang pagtitipon na kung saan magiging masaya kayong lahat. 


Ang sumayaw kayong lahat ay tanda na mapupuspos ng kaligayahan ang buhay mo dahil makakatagpo ka ng tunay na magmamahal sa iyo. At susuwertehin ka rin sa pag-ibig.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 22, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leony ng Bulacan.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kinamayan at nakipagkuwentuhan sa akin si Marian Rivera.


Tuwang-tuwa ako dahil paborito ko siyang artista, pinupuri at pinasalamatan ko siya dahil sa kabaitang ipinakita niya sa akin. Binigyan niya rin ako ng advice tungkol sa pang-araw-araw kong pamumuhay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leony


Sa iyo, Leony,


Ang ibig sabihin ng napanaginipan mo ang paborito mong artista na si Marian Rivera ay may kaugnayan sa iyong plano sa buhay. May posibilidad na ang pinakamimithi mo ay hindi mo agad makakamit. Magkakaroon ng maraming sagabal dahil na rin sa pagiging careless o kawalan mo ng tiwala sa iyong sarili.


Ang panay ang papuri mo at pasasalamat mo sa kanya dahil sa kabaitang ipinakita niya sa iyo ay nangangahulugan na ang pinakamatalik mong kaibigan sa kasalukuyan ay mapagkakatiwalaan at maaasahan. 


Samantala, ang binigyan ka niya ng advice tungkol sa pang-araw-araw mong pamumuhay ay babala na magkakaroon ka ng mabigat na problema pero malalampasan mo rin ito sa tulong ng iyong kaibigan. Hindi ka niya pababayaan at dadamayan ka niya sa lahat ng sandali.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 21, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lanny ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming langgam sa kusina namin, kumuha ako ng suka at binuhos ko ito sa mga langgam, pati tuloy ang kamay ko ay natapunan din ng suka. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.


Naghihintay,

Lanny


Sa iyo, Lanny,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming langgam sa kusina n’yo ay makakaranas ka ng mga nakakainis na pangyayari sa lugar na kung saan ka magsisimulang magtrabaho. Dapat mong tiisin ang mga sagabal kung gusto mong tumagal sa nasabing lugar. 


Ang binuhusan mo ng suka ang mga langgam ay nagpapahiwatig na may mga masasakit kang salita na maririnig at magiging dahilan ito para magtalu-talo kayo ng mga kasamahan mo sa trabaho. Ingatan mong mapikon upang ‘di kayo mag-away-away.

Samantala, ang natapunan ng suka ang kamay mo ay senyales ng pansamantalang kabiguan sa iyong pangarap ngunit malalampasan mo rin ang mga sagabal dahil sa iyong sipag at tiyaga.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page