top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 26, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lilet ng Baguio.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming bunga ng mansanas sa likod ng aming bahay, habang namimitas ako, bigla namang napunit ‘yung suot kong apron. 


Samantala, nilagay ko naman sa bulsa ng apron ‘yung ibang bunga ng mansanas na pinitas ko, at agad ko ring tinahi ito pagpasok ko sa bahay. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lilet


Sa iyo, Lilet,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming bunga ng mansanas sa likod bahay n’yo ay magtatagumpay ka sa mga plano mo. 


Ang namitas ka ng mga bunga nito ay nagpapahiwatig na magkakaanak ka ng super yaman. 


Samantala, ang may suot kang apron ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng bagong damit. Ang napunit na apron at agad mo itong tinahi ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng bagong kakilala na magiging tagahanga mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 25, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lerma ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa zoo. Ang daming hayop na nagkakagulo sa kani-kanilang kulungan. Agad ko namang napansin ang unggoy, nagkakatuwaan sila habang nakaupo sa puno. Nang biglang sumakit ang paa ko, ‘yun pala ay dahil sa langgam na kumagat sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lerma


Sa iyo, Lerma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa zoo, at ang daming hayop na nagkakagulo sa kanilang kulungan ay makakaranas ka ng mga paghihirap sa buhay.


Kailangan mong magtrabaho nang husto para ‘di magutom ang pamilya mo. Pero, huwag kang mag-alala dahil pansamantala lamang iyan. 


Ang unggoy ay babala na ihanda mo ang iyong sarili sa ‘di inaasahang kabiguan sa buhay dahil tiyak na mabibigo ka sa pinaplano mong gawin. 


Nakaupo sa puno ‘yung unggoy ay senyales na masasangkot ka sa gulo, kaya dapat mong isiping mabuti kung may nagawa ka bang pagkakamali sa nagdaang mga araw na dapat mong ihingi ng tawad sa iyong kapwa. Gawin mo na ito ngayon at magpakababa ka.


Samantala, ang biglang sumakit ang paa mo, at nakagat ka ng langgam ay sign na makakaramdam ka ng pagkabagot at pagkainis sa lugar na pupuntahan mo na.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 24, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lucas ng Roxas City.


Dear Maestra,


Dati akong driver, ngunit nandito na lang ako sa bahay at tumigil na ako sa pagda-drive. Madalas kong mapanaginipan ang wagon car. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Lucas 


Sa iyo, Lucas,


Depende sa wagon ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo. Kung sa panaginip mo ay may humintong wagon sa harap ng bahay n’yo, naglalaman ito ng magagandang bagay, ito ay nagpapahiwatig na may makikilala kang bagong kaibigan na handang tumulong sa iyo. 


Kung sa panaginip mo nagda-drive ka ng wagon, ngunit hindi naman ikaw ang may-ari nito, ito ay babala na makakaranas ka ng kalungkutan sa darating na mga araw.


Samantala, kung ikaw mismo ang may-ari ng wagon na minamaneho mo, ito ay nangangahulugan na aangat na ang buhay mo. Makakaahon ka na sa kahirapan. Ito rin ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka na ng trabaho.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page