top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-3 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Stephen ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakakita ako ng solar eclipse, habang pinanonood ko ito bigla akong nakarinig ng pagsabog. May sumabog sa kalapit bahay namin, at kitang-kita ko ang mga biktima nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Stephen


Sa iyo, Stephen,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng solar eclipse ay nagpaplano ang isa sa mga kaibigan mong lalaki  na maglakbay kasama ka.


Ang nakarinig ka ng pagsabog ay nagpapahiwatig ng pagbabago. Malaking pagbabago ang maaari mong maranasan sa susunod na mga araw. 


Samantala, ang kitang-kita mo ang mga biktima ng pagsabog ay babala na mawawalan ka ng mahahalagang ari-arian. Mananakawan ka, kaya maging mapagmatyag ka para ‘di ka mawalan ng mahahalagang bagay na pinaghirapan mong ipundar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-1 Araw ng Abril, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gary ng Cavite.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakikipag-inuman ako sa mga kaibigan ko. Nasobrahan ako ng inom hanggang sa nalasing ako, nang may narinig akong malakas na tunog ng drum, at kalaunan ay lumindol ng malakas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Gary


Sa iyo, Gary,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasobrahan ka ng inom ay wala kang pag-iingat sa mga kilos at pananalita mo ang siyang magpapahamak sa iyo. Marami kang makakaaway kung hindi mo babaguhin ang ganitong pag-uugali. Dahil d’yan, hindi ka aasenso at hindi mo mararating ang tagumpay. Mananatili kang bigo sa iyong buhay. 


Ang nakarinig ka ng malakas na tunog ng drum ay nagpapahiwatig na may krisis kayong mararanasan sa lugar n’yo. Makakarating ito sa iba pang lugar hanggang sa lumawak nang lumawak ang pinsalang dulot nito.


Samantala, ang biglang lumindol ay senyales na malaking desisyon ang dapat mong gawin kaya pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi ito pagmulan ng kapahamakan sa iyong buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Mar 27, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 27, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nangitlog na ‘yung bibe na alaga ko. Ang daming itlog, at nagkataon pa na wala roon ‘yung bibe ko. Nag-swimming sa fish pond na katabi lang ng kulungan ng alaga kong mga bibe. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin na nangitlog na ‘yung alaga mong bibe ay magiging kuntento ka sa buhay may-asawa hanggang sa ika’y tumanda.


Ang nag-swimming sa fishpond ang mga bibe ay halos pareho rin ang kahulugan.


Magiging kuntento at sasagana na ang inyong pamumuhay. Wala ka nang hihilingin pa at makakasama mo na rin habambuhay ang asawa mo. Magiging masaya kayo sa piling ng inyong mga anak.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page