top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-6 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Samar.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naligaw ako sa isang isla. May nakita akong hagdan papunta sa kabilang side. Umakyat ako roon, ngunit nang malapit na ako sa dulo, bigla akong nahilo. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng naligaw ka sa isang isla ay depende kung ang isla ay maganda o hindi. Kung maganda ang isla, maraming malalaking puno na kulay berde ay nangangahulugan na fickle minded ang dyowa mo. Pabagu-bago ang isip niya, pero huwag kang mag-alala dahil may makikilala ka pa rin na mas hihigit sa kanya. Siya ang makakatuluyan mo at magiging masaya ka sa piling niya.


Kung ang isla naman ay pangit, tuyot at lanta na ang mga dahon sa puno ay nagpapahiwatig na mawawala na sa landas mo ang dyowa mo. Papanaw na siya at doon na sa kabilang buhay maninirahan.


Samantala, ang umakyat ka sa hagdan upang makarating sa kabilang side ay sign na aaliwalas na pamumuhay mo. Magiging maganda na ang future mo, at matutupad na ang mga pangarap mo sa buhay. Kung may kasintahan ka sa kasalukuyan, magkakatuluyan kayo. Magtatagumpay ka rin sa negosyo. Subalit, ang sabi mo ay nahilo ka pagdating mo sa dulo ay paalala na mapapabayaan mo ang iyong kabuhayan.


Posible ring sumobra ang tiwala mo sa iyong sarili, magiging mapagmataas ka at darating sa punto na hindi mo na maitatama ang gagawin mo. Ito rin ay babala na babalik ka sa dati mong kalagayan na kung saan mahihirapan ka na namang makaangat sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-5 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laylany ng Bohol.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na inimbitahan ako ng dati kong classmate sa hardin nila sa probinsya. 


Napakaganda ng paligid. May mga pine, pear trees at may mga pineapple rin. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Laylany


Sa iyo, Laylany,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo. Ang pine trees ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganahan. Bawat pinaplano mo sa buhay ay magkakaroon ng katuparan. Magiging matagumpay ka sa anumang gusto mong gawin.


Ang pear trees ay nagpapahiwatig na tataas na ang antas ng iyong kalagayan sa buhay.


Mapo-promote ka sa trabaho mo, uunlad din ang binabalak mong negosyo, at susuwertehin ka rin pagdating sa pag-ibig. Matatagpuan mo na ang tunay na magmamahal sa iyo, pakakasalan ka niya hindi dahil sa kalagayan mo sa buhay kundi dahil mahal na mahal ka niya.


Samantala, ang pineapple naman ay may kaugnayan rin sa pag-aasawa. Ibig sabihin, kung wala ka pang asawa, makikilala mo na ang true life destiny mo. Magiging masaya kayo sa inyong pagsasama, at bibiyayaan kayo ng maraming anak na magbibigay sa inyo ng karangalan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-4 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Princess Jasmin.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng bahay namin. Problemado

ako sa kalagayan ko. Sa katunayan, ginagawa ko na ang lahat para sa kanila, pero masama pa rin ako sa paningin nila. Samantalang namamalimos ako para lang may maibigay sa kanila. 


Napanaginipan ko pa na tinatapon nila ‘yung perang naitabi ko sa pamamalimos. May tumawag umano sa akin na babae, lumapit siya sa akin, nakita ko na may dinampot siya at ibinigay niya sa akin ang puting abo, ilagay ko umano iyon kung saan siya nakatindig, ‘yung iba naman ay nilagay ko sa pinto at sala. 


Naghihintay,

Princess Jasmin


Sa iyo, Princess Jasmin,


Huwag kang mabahala sa panaginip mo dahil maganda naman ang ipinahihiwatig nito.


Ibig sabihin, matatapos na ang mga kamalasan mo. Mapapalitan na ito ng suwerte, dahil may darating na grasya at pagpapala sa iyo. 


Ang nasa loob ka ng bahay at problemado sa kalagayan mo ay senyales ng pagbabago ng tirahan at kaunlaran. Lilipat ka na ng bahay at doon magiging maganda ang kalagayan mo, pati mga kapitbahay mo sa lugar na iyon ay magiging mabait din sa iyo.


Ang ginawa mo na ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at kapitbahay mo, subalit masama pa rin ang tingin nila sa iyo ay kabaligtaran ang ibig sabihin. Sila ay handang tumulong sa iyo sa sandali ng kagipitan. Kung sino ‘yung inaakala mong hindi mo maaasahan, siya pa pala itong tunay na nagmamalasakit sa iyo.


Ang namamalimos ka para sa kanila ay nagpapahiwatig na malapit nang umunlad ang buhay mo. Makakaahon ka na sa kahirapan at gaganda na ang pagtingin sa iyo ng iyong mga kaanak at kapitbahay. Magiging maamo na sila sa iyo at rerespetuhin ka na rin nila.


Samantala, ang may tumawag na babae sa iyo, at may binigay siya sa iyo na puting abo ay nangangahulugan ng kaligayahan matapos ang matinding kalungkutan. Liligaya ka na sa susunod na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page