top of page
Search

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 10, 2021




Naging emosyonal si Ruffa Gutierrez nang ihatid sa airport ang kanyang panganay na anak na si Lorin Gabriella Bektas. Sa Los Angeles, USA na mag-aaral ng kolehiyo si Lorin. Matagal na niyang pangarap na makapasok sa University of California, Los Angeles (UCLA).


Para sa isang ina na tulad ni Ruffa, mahirap na malayo sa anak lalo na't babae ito. Maninibago siya at labis na mag-aalala sa magiging buhay ni Lorin na solong mamumuhay sa Tate.


Pero malaki ang tiwala niya kay Lorin at alam niyang malakas ang loob ng anak. Malayo man sa isa't isa, titiyakin ni Ruffa na may regular silang communication ni Lorin at safe ito sa titirhan.


Ang bunsong anak na si Venice ang magiging kasa-kasama ni Ruffa kaya hindi siya masyadong malulungkot.


Balak din ni Venice na sa America mag-college kaya dapat nang masanay si Ruffa na hindi na niya makakasama nang madalas ang mga anak.


At panahon na rin siguro na sarili naman ni Ruffa ang pag-ukulan niya ng pansin at panahon. Pinapayagan naman siya ng kanyang mga anak na muling magkaroon ng love life. Tutal naman ay ayaw na rin niyang balikan pa ang ama ng kanyang mga anak na si Yilmaz Bektas.




 
 

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 9, 2021




Hindi pala matutuloy ang kasalang Ara Mina-Dave Almarinez na nakatakda sanang maganap sa Baguio City sa April 28.


Ayon sa isang malapit kay Ara, nagpasya ang engaged couple na ikansela muna ang kasal dahil sa lockdown na ipinatutupad ngayon bunsod ng COVID-19.


Nag-aalala diumano sina Ara at Dave na hindi makapunta ang ilang bisita na galing sa Manila dahil nga sa ECQ.


Sa ngayon ay wala pang malinaw na detalye kung kelan itutuloy ang kasal. Pero maraming malalapit na kaibigan ni Ara Mina ang nagdarasal na huwag naman sanang maudlot ang Ara-Dave wedding. Deserve naman ni Ara ang lumigaya at magkaroon ng masaya at buong pamilya.

Sana ay maging maayos na nga ang sitwasyon para kahit simple at intimate lang ay matuloy ang kasal ni Ara.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page