top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 24, 2021



Panay ang kantiyaw ng Star for All Seasons na si Congw. Vilma Santos-Recto sa kanyang manugang na si Jessy Mendiola. Ang takaw-takaw daw kasi ngayon ni Jessy at kain nang kain, kaya tinanong niya kung naglilihi na ito.


Hindi umamin at hindi rin nagdenay si Jessy, ngumiti lang ito, kaya hindi na siya kinulit ni Ate Vi kung ano ang kanyang kalagayan.


Talagang nasasabik na kasi ang Momski Vi ni Luis Manzano na magkaroon na ng apo. At ang dasal nga niya, sana raw ay baby girl ang unang anak nina Jessy at Luis!


Hindi nagkaanak ng babae ang Star for All Seasons kaya wish niya ay babae ang kanyang maging unang apo kina Luis at Jessy.


Mahal ni Ate Vi si Jessy at itinuring na niyang tunay na anak kaya ganu’n sila ka-close sa isa’t isa.


Samantala, nalulungkot si Congw. Vilma dahil bumalik na sa kanilang bahay sina Luis at Jessy. Halos two months ding tumira at nagbakasyon ang mag-asawa sa bahay ni Ate Vi. Nakasanayan na ng Star for All Seasons ang masasayang kuwentuhan at bonding nilang mag-iina with Jessy and Ryan Christian.


Mami-miss ni Ate Vi ang kulitan at panlalaglag sa kanya ni Luis kapag sila ay nag-e-FB Live!

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 23, 2021




Marami ang nag-aabang sa desisyon at big announcement ng Wowowin host na si Willie Revillame tungkol sa kanyang political plans.


Dati-rati ay maugong na maugong ang balitang tatanggapin na niya ang alok sa kanya na tumakbong senador at maging isa sa mga pambatong senatoriables ng PDP-LABAN.


Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kumukumbinse kay Revillame na sumama sa kanilang line-up.


Hindi agad-agad nagbigay ng kasagutan si Willie. Tinitimbang-timbang muna niya ang maraming bagay kung itutuloy ang pagpasok sa pulitika at bibitawan na ang kanyang show sa GMA-7. Naghihintay siya ng “sign” sa kanyang gagawing big decision.


May ilang malalapit na kaibigan ni Willie ang nagsasabing mukhang nagdadalawang-isip pa ang Wowowin host kung tutuloy sa pagtakbong senador. Kaya kahit halos patapos na ang buwan ng Setyembre ay hindi pa siya makapagdesisyon.


It seems nalilito si Revillame kung itutuloy pa niya ang pagpasok sa pulitika. Hindi niya maiwasang manghinayang sa kanyang show na iiwanan. Marami kasi ang umaasa sa show at gusto ni Willie na kahit papaano ay makatulong sa mga nangangailangan.


Ang matapang na broadcast journalist na si Raffy Tulfo ay kasabay din ni Revillame na inalok para tumakbong senador. Tinanggihan niya ito dahil may tatlong shows siya sa TV5.


Pero ngayon, mukhang hindi na nga nakatanggi si Raffy Tulfo at matunog na siya ang makaka-tandem ni Sen. Manny Pacquiao na tatakbo namang pangulo.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 22, 2021




Hindi pa official na Kapuso ang Ms. Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo. Kailangan muna niyang isalin ang kanyang korona sa susunod na Ms. Universe-Philippines. Sa Sept. 25 gaganapin ang Ms. Philippines-Universe 2021 pageant.


Papasok na sa showbiz si Rabiya kaya tinanggap niya ang offer ng GMA Network. Mapapasama na siya sa mga talents ng GMA Artist Center.


Balitang si Rabiya Mateo ang ipapareha kay John Lloyd Cruz sa sitcom na gagawin ng aktor sa GMA-7 na ididirek ni Bobot Mortiz.


Nakapag-guest na si Rabiya Mateo sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo nang gabi. Maraming viewers ang natuwa nang sabihin ni Rabiya na isa sa mga pangarap niya ay makapagpatayo ng punerarya (funeral parlor) at mag-aaral din siya kung paano mag-makeup ng patay.


Samantala, when it comes to her career, gusto ni Rabiya na gumanap bilang kontrabida. Gusto niya ng challenging roles. Pangarap din niya na makapareha si Alden Richards sa isang project sa GMA-7.


Pero, napakasuwerte ni Rabiya Mateo dahil mauuna siyang ipareha kay John Lloyd Cruz sa isang sitcom.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page