top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 03, 2021




Hindi nga pinalad si Kisses Delavin sa kanyang paglahok sa Ms. Universe-Philippines 2021. Ni hindi nga siya pumasok sa Top 5 ng nasabing beauty pageant. At ni hindi siya gaanong napansin at pinag-usapan.


Sabi ng ilang netizens, hindi itinakda si Kisses upang maging beauty queen. Hindi pa panahon upang matupad ang pangarap niyang magkaroon ng korona.


Pero, hindi dapat malungkot at mawalan ng pag-asa si Kisses. Ang iba ngang kasabayan niyang kandidata ay ilang beses na ring sumali sa iba't ibang beauty pageants. Hindi sila sumusuko dahil matindi ang kanilang pangarap na maging beauty queen.


Si Kisses, ayon sa ilang kritiko ng mga beauty pageants ay kinulang sa height na dapat taglayin ng isang beauty queen. At hindi rin daw nakatulong kay Kisses ang makeover na ginawa sa kanya, kung saan binago ang dati niyang personalidad.


Mas marami ang may gusto sa dating Kisses Delavin na sweet at natural ang kagandahan. Kinapos din siya sa training bago idinaos ang Ms. Universe PH. Parang crash course lang 'yun kung tutuusin, samantalang ang ibang kandidata ay taon ang ginugugol sa training at personality development kapag sasali sa beauty pageant. Pinaghahandaan nila ito nang husto at inaalam kung papaano makukuha ang atensiyon ng mga judges.


Well, may fallback naman si Kisses Delavin kahit hindi siya lumusot sa Ms. Universe PH. Puwede niyang balikan ang kanyang showbiz career. Magpahinga muna siya sa mga beauty pageants.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 29, 2021




Parang mahirap paniwalaan, pero totoong nangyari ang rebelasyon ni Jessy Mendiola sa isa sa kanyang mga vlogs.


Dito ay ikinuwento niya na nakapagtrabaho na pala sila noon ng Momski ni Luis Manzano sa isang commercial shoot.


Three years old lang siya nu’ng magkasama sila ng kanyang Ate Pam sa nasabing commercial shoot. Pero, nagkasunog daw sa set at natatandaan niyang sinagip-iniligtas siya ng Star for All Seasons at inilabas sa nasusunog na tent.


So, masasabing destiny talaga na si Luis ang kanyang napangasawa. Utang niya sa Momski ni Luis ang kanyang buhay.


Isa pang trivia ni Jessy, hindi nila alam na dati na palang magkakilala ang kanyang daddy at ang daddy ni Luis na si Edu Manzano. Sabi nga ng kanilang mga kaibigan, “it’s a small world” dahil sila ni Luis talaga ang pinagtagpo ng tadhana.


‘Yan ang masasabing destiny. Sina Jessy at Luis pala ang itinakda para sa isa’t isa.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 28, 2021




Isang araw pa lang matapos silang ikasal ay iniwan na ni Kris Bernal ang kanyang mister na si Perry Choi.

Dapat ay nagha-honeymoon pa sila, pero sumabak na agad sa trabaho ang petite na aktres. Kailangan daw gawin ‘yun ni Kris dahil may locked-in taping siya sa isang serye at hindi puwedeng i-postpone.


Mahigit isang buwan na mawawalay si Kris sa kanyang mister na si Perry. Kaya naman, ang lungkut-lungkot niya habang nag-eempake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa locked-in taping.


Mabuti na lang at mabait, understanding at very supportive ang mister ni Kris Bernal na si Perry Choi. Naiintindihan nito na passion ni Kris ang pag-arte, kaya kahit bagong kasal pa lang sila ay pinayagan na niya sa locked-in taping ang kanyang misis, kaya bale LDR (long-distance relationship) sila ngayon.


Sa negosyo muna magpapaka-busy si Perry Choi. Kapag break naman sa teyping ay puwedeng mag-video call si Kris upang sila ay magkausap.


Medyo nakaramdam ng pagod si Kris Bernal matapos idaos ang kanilang kasal. Ang dami-dami kasi niyang inasikaso sa kanilang wedding preparation. Pero, ang mahalaga ay nairaos ang kanilang kasal na ilang beses na naudlot-naurong dahil sa COVID pandemic.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page