top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 10, 2021




Ayon sa ilang malalapit sa Superstar na si Nora Aunor, nakakatanggap daw ang aktres ng mga pang-aalipusta mula nang kanyang ideklara na tatakbo siya at magre-represent sa NORA A (National Organization for Responsive Advocacies for the Arts) Partylist sa darating na 2022 elections.


Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa Superstar at kinukuwestiyon ang kanyang kakayahan at kapasidad.


Well, 50 years na sa showbiz si Nora Aunor na nagkamit na ng iba’t ibang parangal at acting awards. Halos nakatrabaho na niya ang lahat ng artista at direktor sa industriya.


Kung siya raw ay mananalo, isa sa mga isusulong niya ay ang karampatang benepisyo ng mga movie workers kasama na ang entertainment press.


Nang tanggapin ni Aunor ang alok na lumahok sa NORA A Partylist ay sinsero ang layunin ng Superstar. Gusto niyang makatulong sa mga taga-industriya. Kaya naman sa tulong at suporta ng kanyang matatapat na tagahanga, umaasa si Nora na mabibigyan siya ng karampatang boto.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 09, 2021




Pansamantalang hindi mapapanood si Alex Gonzaga sa noontime show na Lunch Out Loud dahil kailangan niyang magpahinga.


Sa kanyang latest vlog ay hindi sinabi ni Alex ang dahilan kung bakit siya mawawala muna sa LOL. Pero, balitang-balita na sa showbiz circle na nagkaroon ng miscarriage (nakunan) ang actress-TV host kaya kailangan muna niyang magpahinga.


Walang kumpirmasyon ang kampo ni Alex sa nasabing balita. Pero, tiyak na sa kanyang YouTube channel ay malalaman ang buong detalye, tulad ng ginawa niya noong ma-COVID silang mag-anak.


Well, wala namang dapat ipag-alala si Alex Gonzaga kung pahinga muna siya sa Lunch Out Loud. Marami naman siyang endorsements at patuloy na kumikita nang malaki. Milyon na rin ang kita niya sa kanyang YouTube channel.


Dapat ay alagaan niya ang kanyang sarili kung gusto na niyang magka-baby na sila ni Mikee Morada.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 08, 2021




Hindi lang pala si Claudine Barretto ang sasabak sa political arena sa darating na 2022 elections at balitang tatakbong konsehal sa Subic, Zambales. Maging ang ate niyang si Gretchen Barretto ay balitang tatakbo bilang congresswoman.


Hindi pa lang malinaw ang mga detalye pero reliable ang source ng nasabing balita.


Kaya naman panay ang pamumudmod ni La Greta ng bigas at ng kanyang love box ayuda at para makapag-create ng awareness sa kanyang political career.


Say ng mga netizens, wala namang masama kung namamahagi man ng ayuda si Gretchen sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. At least, bukal sa loob ni Gretchen ang pagtulong at sarili niyang pera ang ginagastos niya sa kanyang mga charity projects.


Mas gugustuhin ng mga botante ang isang kandidatong may malasakit sa kapwa at nagse-share ng blessings.


Ang tanong ng marami ay kung saang distrito kakandidato bilang congresswoman si Gretchen B. — sa Makati ba o sa Subic, Zambales?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page