top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 24, 2022



Inihayag ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson na siya ay malusog at fit para i-handle ang pressure at demands ng pagiging pangulo sakaling manalo sa 2022 elections.


"Kayang-kaya [ang trabaho] kasi yung huling wellness test ko, sa ating physical test, 'yung lumabas na body age ko dun is 51 years old," ani Lacson, na 74-anyos na sa June, sa Super Radyo dzBB's "Ikaw Na Ba? The Presidential Interviews."


Si Lacson, na bago pumasok ng pulitika ay dating Philippine National Police (PNP) chief, ay hindi rin daw umiinom o naninigarilyo. “Wala akong bisyo”, aniya.


"Age doesn't matter if it doesn't show and if you do not feel it," dagdag pa niya.


Nakasentro ang kampanya ni Lacson sa good governance, anti-corruption, at budget reforms. Kasama niya sa pagtakbo si Senate President Vicente Sotto III bilang kanyang vice president.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 23, 2022



Inihayag ni Presidential aspirant Manny Pacquiao na mananatili siyang hindi pabor sa same sex marriage, gayunman, mas marami umano siyang supporters ngayon na mula sa LGBT community.


“Marami pong salamat at sa ngayon ay nagkaintindihan na po kaming lahat at, yung paniniwala ko po ay manatili po iyon, ang aking paniniwala sa Panginoon. In fact, mas marami po akong mga supporters ngayon na LGBTQ na sumusuporta sa atin at naniniwala sa atin,” ani Pacquiao sa Jessica Soho’s Presidential Interviews na inere sa GMA-7.


Matatandaang umani ng batikos si Pacquiao matapos nitong ikumpara mga bakla sa hayop noong 2016.


Kasunod nito ay sinabi niyang hindi niya kinokondena ang mga homosexuals dahil wala siyang karapatang manghusga.


Ayon pa kay Pacquiao, na-misquote lamang siya noon.


“Na-misquote lang po talaga ako. Mali lang po yung pagkaintindi sa akin, mahaba po yung explanation ko doon.”


Gayunpaman, sinabi ng boxer-turned-politician na hindi pa rin siya pabor sa same-sex marriage.


“Hindi po ako pabor diyan,” pahayag ni Pacquiao sa same-sex marriage. “Sa paniniwala natin, sa faith natin sa Panginoon, kailangan doon tayo sa gusto ng Panginoon.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 22, 2022



Umabot na sa 242 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa election gun ban sa bansa.


Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Jan. 21, 2022, kung saan nakapagtala ng 20 bagong violator kabilang ang isang sundalo.


Ayon sa PNP, nagmula ang mga ito sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.


Nakumpiska sa kanila ang 14 baril, 4 deadly weapons at 116 na mga bala.


Samantala, nasa 38,279 ang isinagawang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagpapatupad ng gun ban.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page