top of page
Search

ni Chit Luna @News | May 4, 2025





Pasig City – Ikinagulat ni mayoral candidate Sarah Discaya ang mainit na suporta mula sa mga kababaihang urban poor ng Pasig, kabilang ang mga senior citizens, na ipinakita sa isang martsa noong gabi ng Mayo 1. Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Paggawa.


Hindi inaasahan ni Ate Sarah ang naturang pagsuporta na ginanap sa labas ng St. Gerrard Construction Office, kung saan libu-libong kababaihan mula sa iba't ibang barangay sa lungsod ang nakiisa.


“Hindi sapat ang salitang salamat,” ang tanging nasabi ni Ate Sarah bilang tugon sa kanyang pagkabigla.


Nagmula sa Brgy. Rosario, Brgy. Manggahan, at Brgy. Bambang ang mga kalahok na kababaihan at senior citizens, dala-dala ang kanilang sigasig at paninindigan. Ang mga ito ay kumakatawan sa mga sektor ng lipunan na madalas hindi naririnig ang tinig sa usaping pampulitika.


“Sobrang nakaka-overwhelmed, sobrang nakaka-touched,” dagdag pa ni Ate Sarah habang pinanonood ang pag-agos ng pagmamahal at pagtitiwala mula sa mga tagasuporta.


Ang martsa ay sinamahan ng mga plakard, streamers, at mga banner na may nakasulat na pangalan ni Ate Sarah hatid ang mga mensahe gaya ng “Magsuri, lumahok.


Magpasya. Tara na.” Ipinakita rito ang matatag na suporta ng mga kababaihan at senior citizens sa kandidatura ni Ate Sarah at ng kanyang Team Kaya This.


Hinimok naman ni Ate Sarah ang lahat ng sumuporta na manatiling aktibo at ipagpatuloy ang kanilang suporta hanggang sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12.

Aniya, ito ang panahon upang tunay na marinig ang boses ng masa sa lungsod.


Ayon sa mga organizer, walang tumanggap ng bayad o insentibo sa isinagawang martsa, patunay umano na bukal sa loob ang kanilang paglahok at pagtindig para sa isang kandidatong matagal nang kasama sa mga adhikaing pang-komunidad.

 
 

ni Chit Luna @News | May 3, 2025





Pasig City – Sa kanyang pagsabak sa pulitika, ipinakita ni Ate Sarah Discaya ang kanyang hindi matitinag na paninindigan para sa serbisyo publiko.


Kung sakaling mahalal bilang alkalde ng Pasig, ipinangako niya na hindi tatanggapin ang kanyang buwanang sahod. Sa halip, ang kanyang sahod ay buong-buo niyang ibibigay sa mga charitable foundations na tumutulong sa mga bata, PWDs, matatanda, ulila, at mga kapus-palad sa lungsod.


Hindi rin nag-iisa si Ate Sarah sa misyon na ito. Kasama niya ang kanyang asawa at katuwang sa serbisyo, si Kuya Curlee, na maglalaan din mula sa sariling bulsa upang tiyakin na ang mga tulong na ipamamahagi ay makararating sa tamang benepisyaryo.

Ang prinsipyo nila ay simple ngunit makapangyarihan: "Double the help, double the hope for every Pasigueño."


"Babawiin po namin, pero hindi sa paraang iniisip ng iba," ani Ate Sarah, tumutukoy sa kanilang pangako ng hindi pagtanggap ng suweldo.


Ayon sa kanya, hindi nila babawiin ang ginastos sa pamamagitan ng salapi o kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagkakaroon ng malasakit sa bawat Pasigueño. Ang kanilang "yaman" ay makikita sa mga ngiti ng mga taong natulungan at sa mga pagbabago sa buhay ng mga pamilya.


Ang mag-asawa ay naniniwala na ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa kabutihang naipamahagi. “Hindi pera ang aming babawiin, kundi ang kaligayahang hindi kayang bilhin at ang kapayapaan ng paglilingkod,” dagdag ni Kuya Curlee.


Para sa kanila, ang paglilingkod ay hindi lang tungkol sa pamumuno kundi ang pagpapalaganap ng pag-asa at pagmamahal sa bawat komunidad.


Kasama sa kanilang plataporma ang mga programang nakatuon sa kalusugan, edukasyon, at mga pagkakataon para sa kabataan.


Ang mag-asawa ay matagal nang advocates ng sports development at youth empowerment, at ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa mga programang makikinabang ang mga batang Pasigueño.


Sa kabila ng mga hamon at kahirapan sa pulitika, nagsisilbing gabay ni Ate Sarah ay malasakit sa mga mamamayan ng Pasig. Ang kanyang pagtakbo ay hindi para sa pansariling interes, kundi para sa ikabubuti ng buong komunidad, lalo na ng mga mahihirap at nangangailangan.

 
 

ni Chit Luna @News | May 2, 2025





Pasig City – Patuloy ang pagsulong ng lungsod sa makabagong pamamahala sa ilalim ng liderato ni mayoral candidate “Ate Sarah” Discaya, sa pamamagitan ng programang Level Up Pasig: Smart City at Digital ID.


Layunin nitong gawing mas mabilis, mas episyente, at mas accessible ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa bawat Pasigueño.


Sa ilalim ng proyektong ito, digital ID system ang inilunsad upang mas mapadali ang pag-access sa iba't ibang serbisyo publiko gaya ng health assistance, financial aid, scholarship applications, at iba pa. Sa isang scan o click lang, agad makikilala ng sistema ang benepisyaryo—mas mabilis, mas maayos, at may transparency.


Malaking bahagi rin ng programa ang online government transactions. Ang pagkuha ng business permits, clearances, health certificates, at iba pang dokumento ay maaari nang gawin online. Wala nang mahabang pila, wala nang sayang na oras—serbisyong makabago para sa mamamayang moderno.


Hindi rin nakaligtaan ang aspeto ng smart communication systems. Sa pamamagitan ng integrated platforms at updated database, mas madali na ang koordinasyon sa mga barangay, lalo na sa panahon ng emergency. Ang mabilisang pag-alerto sa mga residente gamit ang SMS at mobile apps ay malaking tulong sa disaster preparedness at public safety.


May bahagi rin ang edukasyon at pag-aaral sa Level Up Pasig. Isinasama sa sistema ang mga paaralan para sa mas sistematikong student profiling, scholarship monitoring, at digital learning integration. Hindi lamang gobyerno kundi pati ang mga magulang at estudyante ay nakikinabang sa digital shift.


Ang mga data na nakokolekta sa ilalim ng programang ito ay ginagamit upang mas maayos na maplano ang mga proyekto ng lungsod—mula sa health care at traffic solutions, hanggang sa urban planning at environmental monitoring. Ibig sabihin, mas nakabatay na ngayon sa aktwal na pangangailangan ng komunidad ang mga desisyon ng pamahalaan.


Sa pangunguna ni Ate Sarah, ang Pasig ay patuloy na nagiging modelo ng isang Smart City—isang lungsod na gumagamit ng teknolohiya para sa kapakanan ng lahat. Hindi lamang ito pag-level up ng serbisyo—ito ay pag-level up ng buhay ng bawat Pasigueño.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page