top of page
Search

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023



ree

Opisyal nang natapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos tuluyang makumpleto ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibilang ng mga balota sa lahat ng barangay.


Ito ang pahayag ng Comelec chairman na si George Garcia sa kanyang mensahe sa Viber.


Agad namang naiproklama ang mga nanalong kandidato at handa nang maupo liban sa ibang nagkaroon ng pantay na bilang ng boto at kailangan pang palipasin ang 5 araw.


May ilang mga kandidato naman ang sinuspinde ng Comelec.


 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023



ree

Tinukoy ng ilang barangay gamit ang palabunutan at toss coin ang mga kandidatong may patas na bilang na botante para malaman ang panalo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Inihayag ang nanalo sa pagka-konsehal batay sa coin toss sa isang barangay sa Maynila.


May ilan ding brgy. gaya sa Lagangilang town ang kinilala ang panalo gamit ang lots, na siya namang pinayagan ng Commission on Elections (Comelec).


Ayon sa abogadong si Emil Marañon III, ang toss coin ay hindi suportado ng Omnibus Election Code ngunit pasok ito kung ang lahat ay kinikilala ang resulta.


Ang ganitong pamamaraan ay dati nang ginamit para matukoy ang panalo sa mga kandidatong nagtabla sa halalan.





 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Ayon sa Philippine National Police (PNP), umabot sa 237 ang kabuuang bilang ng karahasang may kinalaman sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayon.


Sabi ng PNP spokesperson Police Colonel na si Jean Fajardo, 35 sa mga ito ay konektado sa nangyaring eleksyon at 99 naman sa mga ito ay hindi, meron namang 103 na insidente sa kasalukuyan ang iniimbestigahan pa kung may kaugnayan sa BSKE.


Karamihan sa mga kumpirmadong insidente ng karahasan ay galing sa Bangsamoro at may kinalaman sa pamamaril.


Dagdag ni Fajardo, may 40 insidente ng karahasan ang iniulat nu'ng araw ng halalan na nagresulta sa anim na pagkasawi at 25 na sugatan.


Magpapatuloy ang PNP sa pagbibigay ng seguridad hanggang sa maiproklama ang mga nanalong kandidato kahit tapos na ang araw ng eleksyon.


Merong 12.5% na pagbaba sa bilang ng mga nai-validate na insidente ng halalan mula 40 pababa sa 35 na kaso nu'ng 2018 at tumaas naman ng 29.63% mula sa 27 na kasong naitala nu'ng 2022.








 
 
RECOMMENDED
bottom of page