top of page
Search

by Info @Editorial | September 22, 2025

Editorial

Marami ang naniniwala na ang anunsyo ng gobyerno na ibabalik na ang P60 bilyong kinuha mula sa PhilHealth ay isang hakbang sa tamang direksyon. 

Sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan at reklamong kulang ang serbisyong medikal, malaking tulong ito sa pagpapalakas ng Universal Health Care (UHC) program.

Gayunman, hindi sapat na ito’y ibalik lamang. Dapat tiyakin na ang pondong ito ay magagamit nang tama, mabilis, at may buong transparency. 

Kailangang malinaw kung saan ito mapupunta — serbisyo ba sa mga ospital? Bayad sa pasyente? Pagpapalawak ng benepisyo?

Hindi na natin kayang maulit ang mga iskandalo at isyu sa maling paggamit ng pondo at pahirapang paghabol sa mga may pananagutan tulad ng nangyayari ngayon sa flood control projects.

Dapat ding pakinggan ang panawagan ng taumbayan na ang bawat pisong ibabalik ay dapat magbunga ng konkretong benepisyo. Tulad ng libre o abot-kayang gamutan, mas maayos na serbisyo sa mga pampublikong ospital, at higit sa lahat, totoong “zero balance billing” para sa mahihirap.

by Info @Editorial | September 20, 2025

Editorial

Sa mahabang panahon, isa sa mga matinding reklamo ng mga motorista, partikular ng mga may-ari ng motorsiklo ay ang mabagal na paglalabas ng kanilang plaka. Ilang buwan, minsan taon, ang inaabot bago makuha ang plaka na bahagi ng legal na dokumento sa isang sasakyan. 

Ngunit kamakailan, tila nagkaroon ng himala, napaulat na plano ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng polisiya kung saan ilalabas ang mga plaka, official receipt at certificate of registration (OR/CR) ng mga motorsiklo sa parehong araw ng pagbili nito.

Naglabas na ng memorandum circular sa guidelines at inaasahang magkakabisa ito sa

Oktubre 15.

Sa bagong patakaran, layuning maiwasang maulit ang backlog ng mga plaka.

Ang mabilis na paglalabas ng plaka ngayon ay isang patunay na kaya naman pala — kung gugustuhin. Isang leksyon ito para sa iba pang ahensya ng gobyerno na mabagal magserbisyo: hindi sapat ang palusot. 

Ang mamamayan ay may karapatang humingi ng maayos, mabilis, at makataong serbisyo. Hindi na dapat hintayin pa ang reklamo o galit ng publiko para lang magtrabaho nang maayos.

RECOMMENDED
bottom of page