top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 1, 2022



Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang General Luna sa Surigao del Norte ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang naturang lindol ay tectonic in origin at naganap bandang 9:35 a.m.


Ang epicenter nito ay 09.88°N, 126.89°E - 060 km N 81° east ng General Luna at may lalim na 015 kilometers.


Naramdaman ang Intensity II sa General Luna, at Dapa, Surigao del Norte.

Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala ngunit posible umanong magkaroon ng aftershocks.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 1, 2022



Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang southeast ng Loyalty Islands ngayong Biyernes, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


May lalim ito na 10km (6.21 miles), ayon sa USGS. Ito na ang ikatlong lindol na nasa magnitude 6.8 na tumama sa rehiyon simula nitong Huwebes.


Wala namang pinangangambahang tsunami sa naturang rehiyon bunsod ng paglindol, ayon sa US tsunami warning system.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 27, 2022



Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Basco, Batanes nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa PHIVOLCS ang epicenter ng lindol, na tumama bandang 9:53 p.m., ay 40 kilometers northeast ng Basco.


Ito ay tectonic na may lalim na 29 kilometers, at naramdaman ang Intensity III sa Basco.


Nagpaalala naman ang ahensiya na posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang naturang lindol.


Sa panayam sa Super Radyo dzBB ngayong Linggo, sinabi ni PHIVOLCS Director at Science Undersecretary Renato Solidum Jr. ang ang lindol ay dulot ng nabuong fault dahil sa pagtama ng kontinente ng Asya sa tip ng northern Luzon.


"Sa Batanes kasi maraming fault sa lupa, at ito ay dulot ng collision ng kontinente ng Asia doon sa dulo ng northern Luzon. Ang Batanes at Taiwan island ay collision zone, binabangga, kaya paminsan-minsan ay may lindol sa dagat na nararamdaman ng mga isla malapit sa Batanes," ani Solidum.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page