top of page
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 23, 2022



ree


Dadalhin ni dating Philippine Azkals Jorrel Zachary Aristorenas ang nalalaman sa Football sa cyberspace bilang bahagi ng Team Sibol sa Southeast Asian Games sa Vietnam. Napili ang 27 anyos na midfielder na maglaro ng FIFA Online 4 kasama sina Rad Novales at Aljhon Canas matapos ang masinsinang tryout.


Nagpakita ng husay si Aristorenas at nag-kampeon sa pinakaunang PFF eTrophy noong Abril, 2021. Dahil dito, siya at ang isa pang dating national player na si Renard Yu ang kumatawan sa Pilipinas sa FIFAe Nations Online Qualifiers.


Bago gumawa ng pangalan sa eSports, kasama si Aristorenas sa United City Football Club na nagwagi ng 2020 Philippines Football League (PFL). Nakapaglaro rin siya sa Loyola, Meralco Manila, Ceres Negros, Davao Aguilas at Global sa PFL at sa dating United Football League (UFL).


Ang FIFA Online 4 ay isa sa mga paglalabanang titulo kasama ang League of Legends at CrossFire na gagamit ng computer. Gagamit ng mobile para sa Mobile Legends: Bang Bang, Garena Free Fire, PUBG Mobile, Arena of Valor at League of Legends: Wild Rift kung saan may kabuuang 10 gold medal ang naghihintay.


Noong 2019 SEA Games sa Pilipinas, nakuha ng Sibol ang tatlo sa anim na ginto sa Dota 2, Starcraft II at Mobile Legends: Bang Bang. Nagwagi rin ng pilak at tanso sa Tekken 7 subalit hindi lalaruin sa Vietnam ang lahat mga nasabing titulo maliban sa Mobile Legends.


Samantala, nabawasan ng isa pang manlalaro ang United City sa pagpirma ni OJ Porteria sa Kirivong Sok Sen Chey ng Cambodia Premier League. Bumalik si Porteria sa UCFC galing sa Ratchaburi Mitr Phol ng Thai League One para sa 2021 AFC Champions League subalit hindi nakalaro.

 
 

ni Gerard Arce - @Sports | February 03, 2022


ree


Kakatawanin ng M3 World champions Blacklist International ang Pilipinas bilang parte ng Sibol national team sa E-sport event na Mobile Legends: Bang Bang sa 31st Southeast Asian Games matapos pataubin ang Nexplay EVOS sa qualifying tournament.


Ipinamalas ng Blacklist ang matibay na eksperyensya at magandang plays para ilatag ang 4-1 panalo sa rookie-laden team na Nexplay sa pangunguna nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Salic “Hadji” Imam, Danerie James “Wise” Del Rosario, Howard “Owl” Gonzales, at Kyle Dominic “DOMINIC” Sotto, habang mahusay na pagpili at desisyon ng mga coaches na sina Kristoffer “Bon Chan” Ricaplaza at Aniel “Master the Basics” Jiandani. Hindi nakasali ang mga regular members na sina MLBB World champion MVP Keil “OHEB” Soriano at EXP-laner Edward “EDWARD” Jay Dapadap dahil pinagbawalan pang makasali ang wala pang edad 18.


Noong 2019 SEAG sa bansa ay binuo ang Sibol national team nina Angelo Arcangel, Jeniel Bata-anon, Allan Castromayor Jr., Karl Nepomuceno, Carlito Ribo, Jason Torculas, at Kenneth Villa na nagwagi ng ginto nang talunin ang Indonesia sa final round.


Gayunpaman, kahit na nanaig ang two-time MPL champion ay aminadong nahirapan ang grupo lalo pa’t malaki umano ang na-improve ng Nexplay EVOS sa mga rookie nitong sina Raniel “URESHIII” Logronio, Mariusz “Donut” Tan at Kenneth “CADENZA” Castro.

 
 

ni MC - @Sports | January 22, 2022



ree


Inilahad ng National esports team Sibol na may mga imbitadong teams para sa Phase 2 ng Crossfire selection ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Vietnam sa Mayo.


Ang Execration at Pacific Macta Infirma ang kumpirmadong teams, ayon sa anunsiyo ng Sibol. Makakasama ng Execration sina Aries Lloyd "ARSVV" Alde, Guillermo "CHA" Garica, Justine "Jamero" Jamero, Justine Reige "Justine" Perez, at Zarren Donn "Zarren" Perez.


Habang ang Pacific Macta, ay makaka-field sina Dennis "PM_ZDD" Ramos Jr., Aldrin Paul "PM_Aldrin" Borabon, John Kenneth "PM_zYK" Alde, Matthew "PM_EL1" Arnaez, at Christian "PM_Revenge" Amorea.


Ang CrossFire ay isa sa siyam na titulo na lalaruin sa SEA Games sa Hanoi. Ang first-person shooter game, na tinaguriang world's most-played video game by player count, ay popular na titulo sa Asya, lalo na sa China at South Korea kung saan unang ini-release dito ang game.


Ang Filipino contingents na esports ay sasabak para sa tatlong titles -- Mobile Legends: Bang Bang, Crossfire, at League of Legends: Wild Rift (men's and women's division).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page