top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023




Nagpahayag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panawagan sa publiko na huwag magbigay ng aginaldo sa mga taong namamalimos sa kalsada sa nalalapit na Kapaskuhan.


Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang pagbibigay sa mga pulubi ay parang panghihimok na manatili sila sa lansangan.


Matatandaang ang Presidential Decree 1563 na mas kilalang Anti-Mendicancy Law, sa ilalim ng dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr., ay nagpapataw ng multang umaabot sa ₱1K at posibleng pagkakakulong hanggang apat na taon sa mga taong mahuhuling nagbibigay ng limos.


Pahayag ng DSWD, may mga nakahanda silang programa para sa mga taong nanlilimos at walang tahanan tulad ng Oplan Abot kung saan pansamantala silang magbibigay ng suporta sa pangangailangan ng mga ito.


 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023




Mananatili sa listahan ang 761,150 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) pagkatapos ng reassessment sa pagsunod kay Kalihim Rex Gatchalian, ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, magpapatuloy na makatanggap ng benepisyo ang bawat pamilya sa ilalim ng 4Ps matapos malaman sa kanilang ginawang pag-aaral na sila ay nangangailangan pa rin ng tulong galing sa gobyerno.


Parte ang mahigit 760k sa 1.1-milyong pamilyang nangangailangan ng benepisyo sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).


Ang 4Ps ay isa sa tugon ng pamahalaan sa lumalalang kahirapan at programang nagbibigay ng pinansyal na tulong para maging kapital ng isang kwalipikadong tao o pamilya.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 27, 2023




Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magpaloko ang mga tao sa mga kandidatong ginagamit ang pangalan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Ayon sa DSWD, ang 4Ps ay hindi puwedeng gamitin sa pangangampanya sa BSKE o sa kahit ano pang eleksyon.


Nakakatanggap din umano ng reports ng mga kandidatong ginagamit ang 4Ps sa pangangampanya.


Hinikayat din ng DSWD ang masa na magtiwala lang sa kanila at sa kanilang mga personnel at magdoble-ingat para 'di mabiktima.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page