- BULGAR
- May 1, 2021
ni Mary Gutierrez Almirañez | April 21, 2021

Ligtas iturok ang COVID-19 vaccines sa mga kapapanganak pa lamang at nagbe-breast feeding, ayon kay Dr. Sybil Bravo, OB-GYN ng Infectious Diseases Specialist sa UP Philippine General Hospital.
Aniya, "Actually, practically, lahat ng bakuna safe sa buntis, eh. Pero itong COVID-19 vaccine ngayon, puwedeng-puwede na po pagkalabas ng baby, kaso wala pa sa system. Kung kayo ay makaka-line-up na, magpabakuna na po agad, safe ang COVID-19 vaccine sa breastfeeding o sa post-partum. Please have your vaccine right away po."
Paglilinaw pa niya, "According sa experience at sa studies, hindi sila madaling mahawa. 'Yun nga lang po, according sa ating pagsusuri, kapag ang buntis ay (nagka-COVID-19) maaaring maging mas severe ito kumpara sa hindi buntis kaya kailangan mag-ingat po tayo, at palaging mag-practice ng hygienic measures."
Sa ngayon ay tinatayang 1,809,801 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang dose at 1,562,815 naman para sa unang dose.




