top of page
Search

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | July 12, 2022


ree

Dear Doc Erwin,


Nag email ako sa inyo upang magtanong tungkol sa aking diet. Ako ay university student sa Benguet. Dahil sa schedule ng aking mga classes ay madalas akong kumakain na lamang sa fast food. Bukod dito ay mahilig akong kumain ng karne.


Sa seminar sa aming university ay sinabi ng speaker na ang madalas na pagkain ng red meat at processed meat ay konektado sa pagkakaroon ng colorectal cancer. Totoo ba ito? - Rain


Sagot

Maraming salamat Rain sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc.


May mga risk factors na nagpapataas ng chance na ang indibidwal ay magkaroon ng colorectal cancer (kanser sa bituka). Ayon sa American Cancer Society, ang mga sumusunod ay risk factors na nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng colorectal cancer — pagiging overweight o obese, paninigarilyo, ang moderate at heavy na pag-inom ng alak, edad na mahigit sa 50, personal o family history ng colorectal cancer, diabetes at pagkakaroon ng ilang sakit, tulad ng Lynch syndrome, familial adenomatous polyposis at Peutz-Jeghers syndrome.


Ang kakulangan sa exercise ay maaaring makapagpataas ng chance na magka-cancer. Gayundin ang pagkain ng red meat (tulad ng karne ng baka, baboy, lamb at ng atay) at processed meat (tulad ng hot dog, luncheon meat), ayon sa American Cancer Society.


Kung ikaw ay mahilig na kumain sa fast food restaurant, ang madalas na pagkain ng prito o grilled na karne ay maaaring magpataas ng risk na magkaroon ng colorectal cancer. Ito ay dahil sa ang pagluluto ng karne sa mataas na temperatura ay nakagagawa ng mga chemicals na maaaring maging dahilan ng cancer sa bituka.


Ang pagkain ng red at processed meat ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng colorectal cancer ayon sa isang pag-aaral ng mga scientists mula sa Brigham and Women’s Hospital sa Boston, Massachusetts, na sinuportahan ng National Institutes of Health ng Amerika, Cancer Research UK at ng American Association for Cancer Research na inilathala sa scientific journal na Gastroenterology noong June 24, 2022.


Ayon sa nabanggit na pag-aaral, ang pagkain ng red at processed meat ay nagpaparami sa ating bituka ng strain ng E. coli na nagpo-produce ng colibactin. Ang colibactin, ayon sa mga scientists ay toxic metabolite na nakasisira ng ating DNA na maaaring mag-trigger ng cellular mutation at pagkakaroon ng colorectal cancer.


Bukod pa sa nabanggit, ayon kay Dr. Shuji Ogino, chief ng Molecular Pathological Epidemiology Program ng Brigham and Women’s Hospital sa kanyang panayam sa Medical News Today, ang pagkain ng red at processed meat na typical na makikita sa western diet, kasama ng pagkain ng matatamis na pagkain at mga refined carbohydrates, ay dahilan ng pagkakaroon ng intestinal at systemic inflammation, na maaring maging simula ng colorectal cancer.


Tungkol sa binanggit mo na family history ng colorectal cancer, ayon sa Center for Disease Control (CDC) ng Amerika, mas mataas ang chance mo na magkaroon din ng colorectal cancer. Sa datos ng American Cancer Society, isa sa tatlong may colorectal cancer ay may family history ng pagkakaroon ng colorectal cancer ng miyembro ng pamilya.


Dahil sa mga nabanggit ay makabubuti na umiwas sa red at processed meat at mag-exercise ng regular. Mas makabubuti drin na magbawas ng timbang kung ikaw ay overweight.


Sa mga indibidwal na may family history ng colorectal cancer, ipinapayo ng American Cancer Society ang pagsangguni sa doktor para malaman kung kinakailangan ng genetic counselling, screening at mga pamamaraan ng pag-iwas sa colorectal cancer.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | July 8, 2022



ree

Dear Doc Erwin,


Ako ay 26 years old, may asawa, ngunit walang anak. Ipinayo ng nutritionist sa aking pinagtatrabahuan na dahil ako ay overweight at mataas ang blood sugar ay makabubuting subukan ko na idagdag sa aking diet ang chia seeds. Nais kong malaman kung ang chia seeds ba ay maganda sa kalusugan, mapapababa ba nito ang aking timbang at blood sugar? Ano ang posibleng adverse effect nito sa aking katawan? - Maria Elena


Sagot


Maraming salamat Maria Elena sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc.


Ayon sa Harvard School of Public Health ay mayaman sa omega-3 fatty acids, fiber, protein, calcium, phosphorous at zinc ang chia seeds. Ang 2 kutsara o 28 grams ng chia seeds ay naglalaman ng 140 calories, 4 grams ng protina, 11 grams ng fiber, 7 grams ng unsaturated fat, 18% ng RDA ng calcium at trace minerals na zinc at copper. Ayon pa sa Harvard School of Public Health, ang chia seeds ay naglalaman ng omega-3 fatty acids. Ito ay naglalaman ng complete protein dahil kumpleto ito ng 9 essential amino acids na hindi ginagawa ng ating katawan.


Matatandang ayon sa mga animal at human studies na nakatutulong ang omega-3 fatty acids sa ating cardiovascular health dahil pinapababa nito ang ating cholesterol, blood pressure at inflammation. Tumutulong dito ito na ma-regulate ang normal na tibok ng puso at maiwasan ang abnormal na pamumuo ng dugo.


Makatutulong ba ang chia seeds upang bumaba ang inyong blood sugar level? Ayon sa randomized clinical trial na ang resulta ay inilathala sa European Journal of Clinical Nutrition noong 2017 ay napatunayang makatutulong ang chia seeds upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng blood sugar level matapos kumain kaya ito ay makatutulong sa mga taong may Type 2 diabetes. Ngunit may kakulangan pa ang mga research studies upang malaman kung makatutulong ang chia seeds upang mapanatili na mababa ang blood sugar level.


Bagama’t hindi pa napatutunayang ito nga ay epektibo na nagpapababa ng timbang at ng blood sugar level ay makatutulong pa rin ang chia seeds sa iyong kalusugan dahil sa mga nabanggit na epekto nito sa good and bad cholesterol, pagbaba ng blood pressure at inflammation sa ating katawan, pagpapanatili ng maayos na pagtibok ng ating puso at makaiiwas tayo sa abnormal na pamumuo ng ating dugo.


Tandaan, tulad ng sesame seeds at hazelnuts ay maaaring may allergy sa chia seeds kaya’t makabubuti na mag-ingat kung may allergy sa sesame seeds at hazelnuts at pinaplano na idagdag ang chia seeds sa iyong diet. Mas makabubuti ring ibabad muna ang chia seeds sa tubig o juice bago ito kainin. Maaaring mag-expand ang chia seeds dahil kaya nitong mag-absorb ng tubig up to 12 times ng bigat nito kaya’t maaaring magbara ito sa iyong lalamunan kung kakainin ng tuyo at hindi pa naibabad sa likido.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | July 5, 2022



ree

Dear Doc Erwin,


Ako ay 45 years old at isang OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa United Arab Emirates. Sa aming huling medical examination ay nalaman ko na ako ay overweight at nag-uumpisa ng tumaas ang aking blood sugar level. Sabi ng doktor ay kung patuloy itong tumaas ay maaaring magkaroon ako ng diabetes at iinom ako ng gamot upang ang blood sugar level ko ay bumaba.


Nais kong malaman kung may mga natural bang paraan upang mapababa ko at mapanatiling mababa ang aking blood sugar level at ano ang mga dahilan sa pagtaas ng blood sugar level. Nais kong maiwasan ang magkaroon ng diabetes at uminom ng gamot sa diabetes. Sana ay matugunan ninyo ang aking katanungan. - Roberto


Sagot


Maraming salamat Roberto sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc.


Ang iyong kondisyon ay tinatawag na Hyperglycemia. Ito ay ang pagtaas ng blood sugar level ng mas mataas sa normal. Sinusukat ang blood sugar level matapos ang 80-oras na fasting.


Ayon sa Cleveland Clinic, ikaw ay may “impaired glucose tolerance” o “pre-diabetes” kung ang iyong fasting blood sugar ay mula 100 hanggang 125 mg/dL. Kung ang fasting blood sugar level ninyo ay mas mataas sa 125mg/dL, kayo ay may diabetes na.


Maaari rin sukatin ang iyong blood sugar level, isa o dalawang oras matapos kumain. Kung ang iyong blood sugar level ay mas mataas sa 180 mg/dL, ay mataas ang inyong blood sugar level at kayo ay may “hyperglycemia”.


May mga kadahilanan ang pagtaas ng blood sugar level. Matapos kumain ng pagkain na mayaman sa carbohydrates katulad ng kanin, tinapay o pasta ay tumataas ang ating blood glucose (sugar) level. Tumataas din ang pag-release ng insulin ng ating katawan. Tinutulungan ng insulin ang glucose upang makapasok sa ating mga cells upang magamit ito bilang enerhiya. Ang excess na glucose na hindi nakapasok sa mga cells ay nai-store sa ating mga muscles at sa ating liver bilang glycogen.


Sa paraang nabanggit ay napapababa ng insulin ang ating blood sugar level. Kung hindi na nakagagawa ng insulin ang ating katawan o kulang na ang ginagawang insulin ng ating katawan ay maaaring tumaas ang ating blood sugar level. Maaari rin tumaas ang ating blood sugar level kung maging resistant ang ating katawan sa epekto ng insulin, kahit na normal ang level ng insulin ng ating katawan. Ang tawag sa kondisyong hindi na nakagagawa ang ating katawan ng insulin ay Type 1 diabetes. Ito ay Type 2 diabetes kung kulang ang insulin o resistant ang ating katawan sa epekto ng insulin.


May mga kondisyon pa na tumataas ang ating blood sugar level katulad ng pagkain ng maraming carbohydrates at kakulangan sa exercise o physical activity. Maaari ring tumaas ang blood sugar level kung may physical stress, tulad ng pagkakasakit ng sipon, trangkaso o anumang infection. Ang emotional stress ay maaari ring mapataas ang ating blood sugar level.


Ang mga sakit tulad ng Cushing syndrome, sakit sa ating pancreas at physical trauma tulad ng surgical operation ay magpapataas ng ating blood sugar level. Ang pag-inom ng steroids ay nakakataas ng ating blood sugar level. Ang pag-inom ng alak ay maaaring makapagpababa o makapagpataas ng blood sugar level.


Paano natin mapapababa ang ating blood sugar level sa natural na pamamaraan? Ayon sa Mayo Clinic, kinakailangan na balanse ang ating kinakain at iwasan ang pagkain ng maraming carbohydrates at matamis na inumin. Ang pagkain ng mga sumusunod na gulay ay makakatulong sa pagpapanatili ng mababang blood sugar level — kamatis, broccoli, cauliflower, lettuce, cabbage, green peas celery, bell pepper at talong. Maari ding kumain ng mga prutas na apple, peras, avocado, lives, strawberries, orange, coconut at oranges.


Bukod sa mga nabanggit ay ipinapayo din ng mga eksperto sa diabetes na regular na mag-exercise, pababain ang timbang at bawasan din ang iniinom na alak.


Sikapin na makapag-exercise ng 30 minutes sa isang araw o 150 minutes sa loob ng isang linggo. Ang aerobic exercise na may kasamang resistance training ay makakabuti sa iyong katawan at makakatulong sa pagbaba ng blood sugar level. Siguruhin lamang na uminom ng tubig habang nag-e-exercise. Ang dehydration ay maaaring makataas ng blood sugar level.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 
RECOMMENDED
bottom of page