top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 31, 2024

ree

Si Donald Trump ang naging unang pangulo ng United States na nahatulan ng krimen nu'ng Huwebes nang ideklara siya ng isang jury sa New York na nagkasala sa pamemeke ng mga dokumento upang pagtakpan ang kaso ng hush money sa isang porn star bago ang halalan nu'ng 2016.


Inanunsyo ng 12 na miyembro ng jury pagkatapos ng dalawang araw na deliberasyon na napatunayang nagkasala si Trump sa lahat ng 34 na kasong kanyang kinakaharap.


Itinakda ni Justice Juan Merchan ang pagbibigay-sentensiya sa Hulyo 11, tatlong araw bago magsimula ang Republican National Convention kung saan inaasahang pormal na iimbitahan si Trump bilang kandidato sa pagkapangulo.


Nagpasalamat naman si Merchan sa mga hurado sa kanilang paglilingkod.


Samantala, itinanggi ni Trump ang pagkakasala at inaasahang aapela.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 1, 2024

ree

Hinatulan ng hukom na si Justice Juan Merchan, humahawak sa kaso ng dating United States President na si Donald Trump, ng multang higit sa P500-k nu'ng Martes.


Binalaan din ni Merchan si Trump na maaari pa rin itong makulong kung magpapatuloy siyang labagin ang gag order na kanyang hinaharap.


Pahayag ni Merchan, hindi sapat ang multa para pigilan ang mayamang negosyante at politiko ngunit wala siyang kapangyarihan para magpataw ng mas mataas na kaso.


Matatandaang hinatulan ni Merchan ng gag order ang politiko upang pigilan itong tumbukin ang mga testigo at iba pang sangkot sa kaso nito.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 21, 20244



ree

Sumali ang libu-libong Israeli sa protesta laban sa Prime Minister na si Benjamin Netanyahu.


Ipinanawagan din nila sa protesta ang bagong eleksyon at inihirit ang mas aktibong aksyon mula sa gobyerno para mapauwi ang mga bihag sa Gaza.


Matatandaang patuloy ang mga isinasagawang protesta habang ang digmaan sa Gaza ay patuloy pa rin sa pagtaas ang tensyon dahil sa lumalaking galit sa paraan ng pamamahala ng gobyerno sa kaso ng 133 Israeli hostages na nasa kamay ng militanteng grupong Hamas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page