top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 23, 2024



ree

Inaasahang palalayain ng Bureau of Corrections (BuCor) ang halos 400 na mga persons deprived of liberty (PDLs) hanggang Enero 31, ayon sa Department of Justice (DOJ).


Sinabi ni DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez na bahagi ang malaking bilang ng mga PDL na ilalabas sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na maibsan ang siksikan ng mga bilangguan nito.


“Ilan sa mga hakbang ng BuCor upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga PDLs at maibaba ang congestion rate sa mga piitan ay ang probisyon ng serbisyong legal, paggamit at pagpapalakas ng single-carpeta system at pag-amyenda sa Rules of Parole and Executive Clemency,” paliwanag niya.


Binigyang-diin din niya na, “aabot na sa 9,228 persons deprived of liberty ang napalaya ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Marcos administration bilang bahagi ng decongestion program ng pamahalaan.”


“Kabilang sa mga nakalaya ay mga acquitted, nakapagsilbi na ng kanilang sentensiya, at nagawaran ng parole at pardon,” aniya.


Sinabi niya na pinalaya ang 5,856 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) noong 2023 at 3,372 PDLs na inilabas mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2022.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 9, 2023



ree

Nagpahayag ang  Department of Justice (DOJ) nitong Martes na kanilang inirekomendang sampahan ng kaso ng terorismo ang 11 sinasabing miyembro ng New People's Army (NPA).


Kinilala ang umano'y miyembro ng NPA na sina Jovito Marquez, Antonio Baculo, Sonny Rogelio, Veginia Terrobias, Lena Gumpad, Job Abednego David, Jessie Almoguera, Reina Grace, Bethro Erardo Zapra Jr., Daisylyn Castillo Malucon, at Yvaan Corpuz Zuniga.


Ayon sa DOJ, nasangkot sa isang ambush laban sa mga pwersa ng bansa ang 11 na indibidwal nu'ng Mayo 2023 sa Brgy. Malisbong sa Sablayan, Occidental Mindoro.


Dagdag ng ahensya, gumamit ang mga nasabing NPA ng mga high-powered firearms at improvised explosive devices.


Sinabi ng ahensya na itinuturing ng mga taga-prosecute ang pagsalakay bilang terorismo.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 3, 2023



ree

Nagpahayag ang Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules ng kanilang pagtanggap sa pagsang-ayon ng Korte Suprema sa set ng procedural rules ukol sa lahat ng petisyon at aplikasyon na may kinalaman sa mga pahayag sa Anti-Terrorism Act of 2020.


Pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano, “It addresses contentious topics such as designation, proscription, surveillance, detention without judicial warrant of arrest, and significantly, it also added a remedy or recourse for those who believe that they have unjustly been designated.”


Sa ilalim ng mga patakaran, pinapayagan ang Court of Appeals na maglabas ng Order of Proscription na nagdedeklara na bawal ang sinumang grupo ng tao, organisasyon, o asosasyon na nagpapatupad ng anumang mga gawain sa ilalim ng Section 4 hanggang 12 ng ATA, o pagtatatag ng grupo para sa layuning makiisa sa terorismo.


Nagsaad ang Korte Suprema na ang nagmumungkahing partido ay kinakailangang mapatunayan din na ang order ng proscription ay kinakailangan upang pigilan ang isang indibidwal na gumawa o sumali sa terorismo.


Ipinag-utos din ng Korte Suprema ang paglabas ng isang written order mula sa Court of Appeals para sa anumang ahensya ng batas na magsasagawa ng lihim na wiretapping, pakikinig, pag-intercept, pagbasa, pagsusuri, pag-record, o kahit pagkuha ng anumang pribadong palitan ng mensahe.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page