top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 6, 2021


ree

Dumagsa sa unang araw ng Alert Level 2 sa NCR kahapon ang mga mamimili sa Divisoria.


Dahil dito ay naging mabagal ang usad ng trapiko sa paligid ng Binondo at Divisoria.


Ayon kay Manila Police District (MPD) Station Commander Lt. Col. Rollyfer Capoquian, dumoble ang tao sa lugar sa unang araw ng Alert Level 2.


Kapansin-pansin ding kasama ng mga magulang ang kanilang maliliit na anak.


Ayon pa sa mga awtoridad, tuwing rush hour talaga anila dumadagsa ang mga tao, lalo na ang mga pauwi ng trabaho.


Nagsimula na rin ang night market bandang alas-6 ng gabi sa magkabilang bahagi ng Recto Ave.


Dito, pinahihintulutang pumuwesto ang mga vendor mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.


Ayon pa sa MPD, posibleng lalo pang dumagsa ang mga tao kaya mas paiigtingin pa nila ang pagbabantay.


Patuloy din ang paalala ng awtoridad na sundin ang health protocols sa lahat ng oras.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 17, 2021


ree

Sanay na tayong mga Pinoy na pagpasok pa lang ng Ber months ay sari-sari na ang panindang Christmas decors dahil Setyembre pa lang ay nag-aayos na tayo sa ating mga bahay.


Kaya sa Divisoria, marami pa rin ang bumibili ng mga Christmas lights at decorations kahit pa kabi-kabila ang lockdown sa NCR.


Maraming budget-friendly na mabibili rito tulad ng Christmas tree na naglalaro hanggang P3,500, depende sa laki at materyal na ginamit.


May mga decoration din o ornament na ibinebenta sa halagang P200 kada isang dosenang piraso.


Tampok din dito ang mga Christmas lights na nagkakahalaga ng P100 pataas.


Matumal pa rin daw ang benta kaya ang diskarte ng mga nagtitinda rito ay 24 hours silang bukas, para na rin sa mga maagang namimili.


Ang iba naman ay iniaalok na rin ang kanilang paninda online.


Marami pang iba’t ibang dekorasyon na mapamimilian sa Divisoria ngunit patuloy na pinaaalalahanan ang mga mamimili na mag-ingat lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 11, 2020


ree

Patay ang isa at anim ang sugatan matapos araruhin ng isang kotse ang limang sasakyan sa Divisoria nitong Biyernes nang umaga.


Pahayag ni Police Col. RollyFer Capoquian ng Manila Police District Station 11, “Lumalabas sa ating imbestigasyon na ang may kasalanan talaga rito ay itong si driver ng Hyundai Accent, kulay pula ‘yung sasakyan niya, inararo niya ‘yung limang sasakyan sa kahabaan ng CM Recto sa Divisoria.”


Aniya pa, “Ang malas lang po ay ‘yung pedicab driver, ‘yun na ‘yung namatay at ‘yung driver ng jeep lahat sila naman, ayun nagtamo ng sugat at nandoon sila sa ospital, nagpapagaling.”


Aniya, hindi pa umano nakikilala ang naturang pedicab driver. Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente at nasa kustodiya na rin ang suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page