top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 29, 2020



Nagkampeon ang Pangalusian island sa katatapos na 2020 Philracom Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite kahapon.


Hindi na pinaporma ng Pangalusian Island ang nauunang Super Swerte sa huling 50 meters long matapos lampasan sa isang matulis na pagbulusok sa unahan.


Dumating na 2nd place ang Super Swerte na tumanggap ng halagang P600,000 at tumanggap ng P300,000 ang 3rd place na Wonderland at ang 4th place ay ang Boss Emong na tumanggap ng P150,000.


Samantala may P90,000 ang 5th place at tatanggap ng P60,000 ang 6th place. Sa umpisa nang karera kinuha agad ang unahan ni Princess Eowyn at Super Swerte. Habang naroroon ang kabayong Heneral Kalentong na pang-apat na puwesto kasunod ang Boss Emong at nasusundan ng Pangalusian Island.


Pagsapit sa huling likuan ay nagdatingan ang mga kalahok hanggang sumapit sa huling 500 meters at nauuna ang Super Swerte kasunod ang Boss Emong at Wonderland.


Pagsapit sa huling 300 meter umungos na ang super suwerte at nagparemate ang Pangalusian Island at nanalo ng kalahating katawan pagsapit sa finish line. Nagkamit ng unang premyo na P1.8 milyon bilang champion ang Pangalusian Island sa karerang nabanggit.

 
 
  • BULGAR
  • Dec 27, 2020

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 27, 2020



Kalahok ang Electric Truth, Super Swerte, Super Sonic, Wonderland ang ka-couple entry nito na Patong Patong, Victorious Colt, Princess Eowyn, Heneral Kalentong, Shanghai Grey, Boss Emong, Pangalunsian Island, Toy for the Big Boy, at Real Gold sa aarangkada nang 2020 Philracom Presidential Gold Cup ngayon bilang araw ng labanan ng mga kampeon sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI) sa Carmona, Cavite.


Pinapaboran ng mga tiyempista, clocker at mga miron ang Super Swerte, na sasakyan ng Jessie B. Guce at ikalawa ang Super Sonic at ang Heneral Kalentong at Pangalusian Island.


Mahigpit na makakalaban ang Princess Eowyn at Boss Emong na makikita sa unahan. Ang 2020 Philracom Triple Crown champion na Heneral Kalentong ang inaasahan na makakalaban sa unahan.


Sa mga deremate, nariyan ang Pangalusian Island pero banta rin sa unahan at binibigyan ng panalo ang Toy for the Big Boy at Real Gold. Makatatanggap ang magkakampeon ng P1.8-M habang ang 2nd place ay may P600,000,mag-uuwi ng P300,000 ang 3rd place samantalang makatatanggap ng P150,000 ang 4th place at may pampalubag loob ang 5th placed na may P90,000 at tatanggap ng P60,000 ang 6th place. Naghihintay ang premyong P100,000 sa horse owner na tatanghaling kampeon.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 26, 2020



Umaatikabong bakbakan ang inaasahan sa labanan ng 13 sa pinakamagagaling na kabayo sa bansa sa ika-48 yugto ng Philippine Racing Commission Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite sa Linggo.


Pangungunahan ng 2020 Triple Crown champ Heneral Kalentong ang mga kasali sa karera, kasama ang Real Gold (jockey JPA Guce, owner C&H Enterprise), Boss Emong (jockey MM Gonzales, owner Edward Vincent Diokno), Shanghai Grey (jockey KB Abobo, owner Melanie Habla), Princess Eowyn (jockey FM Racquel, owner Laiza Eje) at Victorious Colt (jockey OP Cortez, owner Maria Felizita Mangaliman).


Magtatangka naman ang kampeon na Super Sonic (jockey JA Guce, owner Leonardo M. Javier Jr.) na pantayan ang record ng Hagdang Bato, na nagwagi ng 2 Presidential Gold Cup na titulo noong 2012 at 2014.


Kasama din sa magtatangkang manalo sa 2,000-meter na karera ang Electric Truth (AP Asuncion, Andok's Litson Corp.), Super Swerte (JB Guce, RMR Equine Inc.), Pangalusian Island (MA Alvarez, Wilbert Tan), Toy For The BigBoy (PM Caballejo and Alberto Santos) at Wonderland (PR Dilema) at Patong Patong (JD Flores), na parehong pag-aari ng Ken Logistics Forwarding.


Tumataginting na P3-M ang inihandang premyo ng Philracom, kung saan P1.8 ang mapupunta sa mananalo.


Ang pangalawa hanggang ikaanim na pupuwesto ay tatanggap ng P675,000, P375,000, P150,000, P90,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod, kasama ang P100,000 na insentibo sa winning breeder.


Dadalo para pangasiwaan ang karera sina bagong talagang Philracom Chairman Reli de Leon at ang kanyang mga commissioners.


Ang Presidential Gold Cup ay sinimulan noong Oktubre 7, 1973 ng namayapang PCSO Chairman at General Manager Nereo C. Andolong.


Napanalunan ni Sun God, na pag-aari ni Don Pedro Cojuangco, ang unang yugto ng Presidential Gold Cup sa San Lazaro Hippodrome, samantalang ang Fair and Square naman ang unang kabayo na nanalo ng dalawang sunod noong Disyembre 12, 1982 sa San Lazaro Hippodrome.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page