top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 7, 2024




Kinontra ng grupo ng mga guro ang implementasyon ng Department of Education (DepEd) sa "Catch-up Fridays," na naglalayong maglaan ng isang araw mula sa school week upang mapagbuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Pilipinas, pati na rin ang kanilang kakayahang pang-akademiko.


Matapos ang higit isang buwan ng pagpapatupad nito sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ibinibigay nito sa mga guro ang pinakamabigat na pasanin ng karagdagang trabaho sa paghahanda at pagpapatupad ng mga Catch-up Fridays.


"Due to the lack or insufficiency of books or materials, teachers are forced to spend on photocopying reading materials," pahayag ng ACT.


"Instead of regular classes during this time and preparing for upcoming exams, schools were transformed into Reading Hubs every Friday, with teachers solely focused on reading activities. Regular classes were suspended," dagdag ng grupo.


Sinabi ng ACT na dapat naaayon sa indibidwal na pangangailangan ng bawat mag-aaral ang mga programa ng DepEd upang tulungan ang mga estudyante na mas mapabuti ang kanilang pag-aaral.


"Therefore, Catch-Up Fridays should be halted, and consultations should precede any further action," dagdag pa nito.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 20, 2024




Inirekomenda ng isang mambabatas ngayong Sabado, na dapat ibalik ng Department of Education (DepEd) ang School Year 2024-2025 sa dating school calendar.


Inihain ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang ideya ng pagpapatupad ng June-March school calendar. Binanggit din niya na magiging malaking tulong ang pagbabalik sa dating school calendar sa lokal na turismo.


“With the worsening climate change, they need not suffer under extreme conditions and risk their health,” pahayag ni Barbers.


“With summer vacation returning, our domestic tourism will have a most needed boost as families can again enjoy going on vacations around the country, a tradition that was lost when the school calendar was changed years ago. This will greatly contribute to the recovery of the local economy,” dagdag niya.


Sinabi rin ni Barbers na maaaring bigyang-daan ng dating school calendar ang mga kabataan na tulungan ang kanilang mga magulang na may hanapbuhay na kaugnay ng pagsasaka tuwing panahon ng ani.


Ipinahayag naman ni Barbers ang kumpiyansa na tutugon sa panawagan ang Vice President at kasalukuyang Secretary ng DepEd na si Sara Duterte.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023




Nangako ang Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na bibigyan ng tulong medikal at insurance ang mga guro na naglingkod para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa mga mamamahayag sa tanggapan ng Commission on Elections na bukod sa mga benepisyo na ibinibigay ng Comelec, ibibigay din ang tulong medikal at personal accident insurance sa kanila.


Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Comelec upang tiyakin na makukuha ng mga BEI ang kanilang honoraryo para sa tungkulin sa halalan.


Nagkakahalaga ito ng P9,000 hanggang P10,000. Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng DepEd ang mga kailangan para sa mas maagang pagpapalabas ng honoraryo.


Ang benepisyo para sa may mga tungkulin sa halalan ay dapat mailabas sa loob ng 15 araw.







 
 
RECOMMENDED
bottom of page