top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 15, 2024


Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ngayong Miyerkules ang proyektong nagkakahalaga ng P30.5 bilyon upang ipatayo muli ang mga paaralan sa labas ng Metro Manila.


Malaking bahagi ng proyektong Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) ng Department of Education (DepEd) ang mapopondohan ng official development assistance loan mula sa World Bank-International Bank for Reconstruction and Development.


“Of the P30.56 billion total project cost, P27.50 billion will come from loan proceeds while the P3.06 billion will be counterpart fund from the national government,” pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).


Ipapatupad ang ISRS mula 2025 hanggang 2029, na naglalayong mag-rehabilitate ng mga paaralang nasa labas ng kabisera na naapektuhan ng mga kalamidad mula 2019 hanggang 2023.


“It is expected to benefit 1,282 schools, 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, and 741,038 learners,” anang PCO.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 6, 2024




Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Lunes na mas mabuti para sa mga bata ang pagbabalik sa dating ‘school calendar,’ nang siya’y tanungin sa isang ambush interview tungkol sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na pagbabago sa panahon ng pasukan.


“Of course hiningi ko 'yan sa DepEd and I asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan mag-antay pa at mukha namang kailangan na,” ani Marcos.


“I don't see any objections really from anyone especially with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are cancelled, F2F classes have been postponed, et cetera. So talagang kailangan na kailangan na. So yes, that’s part of the plan that we're trying to do to bring it back already to the old schedule. I think it would be better for the kids,” dagdag niya.


Nang tanungin kung maipapatupad na ito sa susunod na taon, sinabi ni Marcos, “Hopefully by next year, yes, matatapos na.”


Naunang sinabi ng DepEd na inihain nila kay Marcos ang pagtatapos ng School Year 2024-2025 sa Marso 2025 sa gitna ng mga kahilingang ibalik sa April-May ang bakasyon sa paaralan..

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 7, 2024




Kinontra ng grupo ng mga guro ang implementasyon ng Department of Education (DepEd) sa "Catch-up Fridays," na naglalayong maglaan ng isang araw mula sa school week upang mapagbuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Pilipinas, pati na rin ang kanilang kakayahang pang-akademiko.


Matapos ang higit isang buwan ng pagpapatupad nito sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ibinibigay nito sa mga guro ang pinakamabigat na pasanin ng karagdagang trabaho sa paghahanda at pagpapatupad ng mga Catch-up Fridays.


"Due to the lack or insufficiency of books or materials, teachers are forced to spend on photocopying reading materials," pahayag ng ACT.


"Instead of regular classes during this time and preparing for upcoming exams, schools were transformed into Reading Hubs every Friday, with teachers solely focused on reading activities. Regular classes were suspended," dagdag ng grupo.


Sinabi ng ACT na dapat naaayon sa indibidwal na pangangailangan ng bawat mag-aaral ang mga programa ng DepEd upang tulungan ang mga estudyante na mas mapabuti ang kanilang pag-aaral.


"Therefore, Catch-Up Fridays should be halted, and consultations should precede any further action," dagdag pa nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page