top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 29, 2021



ree

Patay ang vice-chairperson ng Pamantik Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Dandy Miguel matapos magtamo ng 8 tama ng bala ng baril sa katawan at madatnang nakahandusay sa kalsada ng Asia 1, Canlubang, Calamba Laguna kagabi, Marso 28.


Batay sa tweet ng PAMANTIK KMU, “Pamamaslang ba ang regalo kay Duterte sa kanyang kaarawan? Mas marami pa bang mga pamamaslang at pag-aresto ang aasahan sa loob ng pagbabalik ng ECQ?”


Anila, kabilang si Miguel sa naghain ng reklamo sa Commission on Human Rights kaugnay sa naganap na ‘Bloody Sunday’ kung saan 9 na aktibista ang napatay ng mga pulis.


Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpatay at kung sino ang salarin.


Giit pa ni Justice Secretary Menardo Guevarra, “We’ll do a preliminary assessment first. If there's any indication that Miguel's death had something to do with his being a labor leader, the AO 35 committee will include his case for investigation.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 8, 2021



ree

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pagpatay sa 9 na aktibista sa isinagawang raid ng security forces sa Calabarzon noong Linggo.


Ayon sa awtoridad, nagsagawa ng simultaneous raid upang maghain ng search warrant sa mga aktibista sa ilang lugar sa Calabarzon na sangkot diumano sa kasong "illegal possession of firearms.”


Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang insidente ay napapaloob sa hurisdiksiyon ng Administrative Order 35 Task Force at nakatakdang magsagawa ng pagpupulong sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Marso.


Samantala, magsasagawa rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa insidente. Pahayag ni Spokeswoman Jacqueline de Guia,


"Activists are not necessarily terrorists and there should be a differentiation between those who take up arms and those who merely exercise their constitutional right to form and join associations, organizations as well as petition the government for redress of its grievances.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page