top of page
Search

ni Jeff Tumbado | September 2, 2021



Matutugunan na ang matagal nang minimithi ng mga residente ng Occidental Mindoro na mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente partikular sa mga kasuluk-sulukang lugar ng lalawigan.


Ito ay makaraang aprubahan ng Department of Energy (DOE) ang 29 megawatts power supply sa lugar, ayon na rin sa kahilingan ni Representative Josephine "Nene" Ramirez-Sato.


Tiniyak ni Sato ang sapat at supisyenteng suplay ng elektrisidad sa lalawigan alinsunod na rin sa binitawang pangako ng national government na tulungan ang mga lugar na may kakulangan sa power supply.


“Magandang balita po ang ating dala para sa ating mga kababayang naninirahan sa Occidental Mindoro dahil sa mga susunod na buwan po ay magkakaroon na ang ating probinsiya ng mas reliable na supply ng kuryente. Ito po ay katuparan ng lahat ng ating pagsisikap at pakikipag-usap sa pamahalaan para siguruhin na magiging maayos ang supply ng kuryente sa ating lalawigan,” pahayag ni Sato.


Batay sa pakikipag-usap nito kay Energy Secretary Alfonso Cusi, kanyang ipinangako ang tulong para sa pagkakaroon ng matatag na suplay ng kuryente.


Suportado rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga programa ng Occidental Mindoro ukol sa masaganang suplay ng elektrisidad.


Samantala, inaasahan naman na makukumpleto ang konstruksiyon ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. (OMCPC) sa kanilang 20-MW diesel power plant sa susunod na buwan ng Oktubre.


Gayundin ang Omeco na nagbukas ng bagong 5MW generator set ng OMCPC kasabay sa 4MW genset ng National Power Corporation na parehong nakatayo sa Tayamaan, Mamburao ay matagumpay na nakapagbigay-elektrisidad sa mga konsumer doon.


Nabatid na ang 29MW power supply mula sa planta ng OMCPC at generator set ng NPC ay tama lamang para sa pangangailangan at mahinto ang nakagawiang "patay-sinding suplay" na labis nakaapekto sa mga sambahayan.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021




Pinaaalalahanan ng Department of Energy (DOE) ang mga local at national officials na panatilihin ang pakikipagkoordinasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa mga nakaimbak na COVID-19 vaccines sa bawat cold storage facilities dahil sa nagaganap na rotational brownout sa Luzon.


Ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella, "Dapat patuloy 'yung coordination natin sa IATF sa ating mga opisyales — local and national officials — para masigurado na protektado 'yung ating mga storage facilities for our vaccines."


Sa ngayon ay nag-umpisa na ang 2-hour rotational brownout sa Luzon Grid simula kaninang alas-10 nang umaga at matatapos mamayang alas-5 nang hapon.


Susundan iyon mamayang alas-6 nang hapon hanggang alas-10 nang gabi, dahil sa umano'y manipis na suplay ng kuryente.


Ayon pa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mahigit 10 planta ang palyado kaya kapos ang supply ng kuryente sa buong Luzon.


Pinapayuhan naman ni Fuentebella ang mga namamahala sa bawat cold storage facilities na gumawa ng triple backup system upang hindi masira ang COVID-19 vaccines dahil sa nangyayaring brownout.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021




Dumalo sa virtual signing event ang Department of Energy (DOE), Bureau of Customs (BOC), at Bureau of Internal Revenue (BIR) upang lagdaan ang memorandum of agreement (MOA), kung saan napagkasunduan nila ang pagpapalitan ng impormasyon upang mapuksa ang mga naipupuslit na ilegal sa bansa, partikular na ang smuggled fuels sa pamamagitan ng Information Exchange and Reconciliation.


Sabi pa ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, “Through this Memorandum of Agreement, the BOC looks forward to building a better, more transparent partnership with the DOE and the BIR, moving towards the common vision of curbing oil smuggling and ensuring proper assessment of taxes through regular information exchange.”


Giit naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi, “Together, we must arrive at an aligned and comprehensive solution to this pervasive problem, which, I believe, begins with reconciling and consolidating the data and reports of the DOE, the BOC, and the BIR.”


Sa ngayon ay inaasahang magiging epektibo ang pagtutulungan ng tatlong departamento upang maaksiyunan ang mga naipupuslit na ilegal sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page