top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 26, 2024



ree

Ibinigay na ng Department of Budget and Management (DBM) ang higit sa isang bilyong piso para pondohan ang plano Department of Education (DepEd) na pangangalaga at pagpapaayos ng mga heritage school buildings.


Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng DBM na naglabas ito ng isang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.134-bilyon sa DepEd para sa Conservation and Restoration ng Gabaldon School Buildings at iba pang Heritage School Buildings ng ahensya.


Nilinaw ng DBM na ang inilabas na halaga ay makakatulong sa halos 654 classrooms sa 83 lugar sa 'Pinas.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 25, 2024



ree

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes, na naglabas ito ng mahigit sa P6 bilyon para tulungan ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa pagpapabuti ng mga fish ports sa bansa.


Ayon sa DBM, magbibigay-daan ang budget sa PFDA na ipatupad ang Fisheries Infrastructure Development Program ng ahensya.


Nagmula naman ang pondo sa 2024 national budget.


“Our shores are more than mere lines on the map. It is among the driving forces of our nation,” sabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman sa isang pahayag.


“Enhancing and maintaining strategic and globally competitive fish ports would allow our ships and crews access to essential supplies and services, and for vessel operators to successfully bring in their catches, safeguarding the livelihood of our fishermen,” dagdag niya.


Nilagdaan ang Special Allotment Release Order noong Pebrero 28 at inihayag ang hakbang na ito sa media ngayong Lunes.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 20, 2024



ree

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules, na naglabas na ito ng higit sa P91 bilyon para sa mga benepisyo ng mga healthcare workers mula 2021 hanggang 2023.


Inihayag ng DBM na inilabas nila ang P91.282 bilyon sa Department of Health (DOH) para sa mga Public Health Emergency Benefits and Allowances (Pheba).


Sa isang liham ng DBM sa DOH, sinabi ng budget department na kasama sa kabuuang halaga ang:


–P73.26 bilyon para sa Health Emergency Allowance (HEA) o One COVID-19 Allowance

–P12.90 bilyon para sa Special Risk Allowance

–P3.65 bilyon para sa COVID-19 Sickness and Death Compensation

–P1.4 bilyon para sa iba pang mga benepisyo, tulad ng allowance para sa pagkain at transportasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page