top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021


ree

Itinalaga bilang Undersecretary ng Office of the President ang kontrobersiyal na Ex-PNP chief na si Debold Sinas.


Ito ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Sabado.


Si Sinas ay naglingkod bilang 25th chief ng PNP sa loob ng 6 na buwan mula Nobyembre 2020 hanggang retirement nito noong May 7, 2021.


Matatandaang naging kontrobersiyal si Sinas matapos magdaos ng kanyang birthday, na nilahukan nang pagkarami-raming tao sa kalagitnaan ng lockdown laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 13, 2021



ree

Nagsagawa na ng contact tracing ang Philippine National Police (PNP) simula noong Biyernes sa mga nakasalamuha ni Gen. Debold Sinas matapos itong magpositibo sa COVID-19.


Pahayag ni PNP Officer In Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, “Based on the guidance of our Chief PNP, General Debold Sinas, all our personnel who made close contact with him must be checked as a matter of protocol and for their health safety and the safety of their family.”


Ayon kay Eleazar, ang lahat ng nakasalamuha ni Sinas simula noong Marso 9 hanggang Marso 11 sa mga pinuntahan nitong lugar ay kailangang matukoy at maisailalim sa Health assessment kabilang na ang mga miyembro ng media.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 13, 2021




Nilinaw ng local government unit ng Oriental Mindoro na hindi dumaan sa health screening si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas nang bumisita ito sa lalawigan noong Huwebes bago malaman na positibo siya sa COVID-19, ayon sa Facebook post ng lokal na pamahalaan.


Pahayag ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM), hindi dumaan sa pier ng Calapan City si Sinas kung saan ginagawa ang mga health clearances.


ree

Nagtungo umano si Sinas sa lugar lulan ng helicopter at dumiretso sa PNP Regional Headquarters. Saad ng PGOM, “Si PGen. Debold Sinas ay hindi dumaan sa pier ng Calapan at hindi siya kabilang sa mga na-profile ng mga kawani ng PGOM.


Siya ay dumating sa lalawigan lulan ng helicopter at dumiretso sa Regional Headquarters.” Dagdag pa ng PGOM, “Ikinalulungkot ng Pamahalaang Panlalawigan ang pangyayaring ito.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page