top of page
Search
  • BULGAR
  • Nov 29, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 29, 2023




Kumunot ang noo ni Mark dahil hindi niya makita ang paborito niyang t-shirt. Niyaya niya kasing umalis si Maritoni, at ‘yun ang gusto niyang gamitin dahil may magandang nangyayari sa kanya sa tuwing ‘yun ang kanyang suot. Baka kasi ngayon na masagot kung sino ba talaga ang tunay na salarin sa pagkamatay ng kanyang ina.


“Talaga bang si Maritoni ang iyong pinaghihinalaan? O baka naman gusto mo lang siyang maka-date?” Tanong niya sa kanyang sarili.


Bahagya siyang umiling. Napabuntong hininga na lamang siya nang mapagdesisyunan niyang pumili na lang ng ibang damit, agad na siyang umalis pakiwari niya kailangan na niyang makita si Maritoni para makampante siya. Ngunit, napasimangot ito nang makita niyang nilalabas ni Maritoni ang kanyang mga gamit.


“Aalis ka na?” Gilalas niyang tanong.


“Yes. Sorry hindi ko agad nasabi sa’yo.”


“Paano na tayo?” Nagpa-panic na tanong niya.


Alam niya kasing babalik na ito sa Manila, hindi niya na malalaman ang mahahalagang detalye sa buhay nito, at tuluyan na rin silang magkakalayo.


Hindi gugustuhing mangyari ‘yun ni Mark, kaya hangga’t maaari sasama ito sa dalaga.


“Mag-ano ba tayo?” naguguluhang tanong nito sa kanya.


“Magkarelasyon, nagmamahalan tayo, ‘di ba?” Sagot niya.


Nang makita niyang kumislap sa kasiyahan ang mga mata nito ay hindi niya maiwasan

ang makaramdam ng tuwa. Pero pagkaraan ay bumuntong hininga ito.


“Sasamahan kita.”


“Hindi puwede.”


“Alam ko na ang tunay na trabaho mo, sinabi na sa akin ni Chelsea.”


“Sino si Chelsea?”


“Hindi mo alam naka-dual personality mo si Chelsea? Ngayon alam mo na kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto mo.”


“Mr. Ferrer, nais namin kayong anyayahan sa presinto para sa ilang mga katanungan,” wika ng isang boses sa likuran at nanggilalas siya nang makakita siya ng pulis.



Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Nov 27, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 26, 2023





Bumilis ang tibok ng puso ni Maritoni. Paano niya ba naman kasi hindi mararamdaman ‘yun? Kung para siyang kinuryente. Walang hawak si Mark nang halikan siya nito, pero milyun-milyong boltahe ng kuryente ang kanyang naramdaman.


“Bakit mo ako hinalikan?” Kabadong tanong ni Maritoni.


Hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman nang maghiwalay ang kanilang mga labi.


“Kasi iyon ang nararamdaman ko.”


“Ano?” Nalilito niyang tanong.


“May gusto ako sa’yo. Ikaw, bakit ka tumugon?” Tanong nito habang nakatitig sa kanya.


Wari’y sinasabi nitong magsabi na siya ng totoo dahil buking na buking na siya nito.


“Nadala lang ako,” nahihiya niyang sagot, para tuloy gusto niyang tumakbo at magtago sa ilalim ng mesa dahil sa kahihiyan.


“Talaga?” Anitong hindi makapaniwala.


“Fine. Gusto rin kita,” sambit ni Maritoni sabay takip sa kanyang mukha.


Para kasing hindi siya ang Maritoni na kilala niya at kilala ng lahat. Si Maritoni kasi ay isang astig na babae at ang pangarap lamang niya ay manghabol at manghuli ng mga kriminal. Ngunit ngayon, ano’ng nangyari? Pakiramdam tuloy niya hinahabol siya ng…


Hindi niya na naituloy ang kanyang iniisip dahil parang may nagsabi sa kanya na hindi ito ang kriminal na kanilang hinahanap.


Napakaamo naman kasi talaga ng mukha ni Mark para isipin niyang gagawa ito ng masama. Para tuloy ibig niyang pagtawanan ang kanyang sarili dahil grabe niya kung


ipagtanggol ito. Well, tungkulin niya naman iyon bilang girlfriend.


Ganito ba talaga kapag inlab? Wait, kailangan din ba siyang magpakatanga pagdating sa pag-ibig? Hindi ah. Pero, hindi naman siguro masama kung timikim-tikim din siya ng kiss. Kaya, bigla siyang nagsalita at sabay sabing, “sige, tayo na. Kiss muna ulit.”



Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Nov 24, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 24, 2023





“Ano na ba ang nangyayari sa pag-iimbestiga mo?” Naiinis na tanong ni David kay Maritoni.


Paano ba naman kasi hanggang ngayon ay kailangan pa rin niyang magsuot ng damit pangmadre.


“Wala akong nakitang mali kay Mark Ferrer,” matabang niyang sagot dito.


Dapat sana’y masiyahan siya dahil tunay ang pagiging mabait at matulungin ni Mark at ‘yun din ang dahilan kung bakit nahulog ang kanyang loob dito. Nitong nakaraang araw ay naging super sweet ito sa kanya. Talagang pinapakita nito na karapat-dapat itong mahalin, ipinaparamdam din nito sa kanya na isa siyang babae na dapat alagaan at pahalagahan.


“Naglalakbay na naman sa kung saan ang utak mo,” inis na pansin sa kanya ni David.


“Magla-landing ba ‘yan sa Mark Ferrer na ‘yun? Baka nakalimutan mo na ang misyon mo?” Dagdag pa ni David.


“Hindi,” wika niya, pero hindi na niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang gawin.


Basta ang alam niya ay masaya ang kanyang puso.


“Huwag kang basta nagtitiwala sa kung sino,” inis na payo sa kanya ni David.


“Nagseselos ka ba?” Natatawa niyang tanong sa kanyang partner.


“Kung sasabihin ko bang oo, may mangyayari ba? Wala naman ‘di ba? Kaya, huwag ka na magtanong. Basta, hindi ka maaaring mainlab hangga’t hindi pa natatapos ang misyon mo,” wika pa nitong pinakadiinan ang nangyari.


“Huwag mong hayaan na mangyari ulit ang nakaraan.”


“Pero, hindi ang serial killer ang may gawa nu’n,” sabi niya pagkaraan kahit pinatay din naman ang huling madre. ‘Yun nga lang ay hindi iyon natagpuan sa Sitio Madasalin.


“Iba ang paraan niya ng pagpatay, hindi ganu’n kabrutal.” Humagalpak ng tawa si David.


“Hindi mo ba naisip na nililito niya lang tayo?” Nakuha niyang itanong pero ang tanong na iyon ay galing kay Mark. Pakiramdam niya tuloy may alam ito sa mga nangyayari.



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page