top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 12, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 12, 2023




“Taas ang kamay!” Wika ni Maritoni matapos siyang batiin ni David na “magdasal ka na, sister”. 


Kitang-kita niya ngayon sa mukha nito ang matinding pagkabigla. Wari’y hindi nito inaasahan ang kanyang sinabi. Dahil nakatutok na ang baril niya rito, hindi na nito nagawa pang dumukot ng baril. Sa halip, sinunod niya na lang sinabi ni Maritoni na itaas ang mga kamay nito. Agad naman itong nilapitan ni Mark at saka pinosasan. 


“At sino ka para gawin sa akin ito?” Mangha niyang tanong kay David. 


“Senior Inspector Mark Ferrer,” pagpapakilala nito. 


“Pulis ka?” Hindi makapaniwalang tanong nito. 


Hindi na siya nagtaka kung bakit nabigla ng ganu’n si David. Maski si Maritoni ay nabigla tungkol sa pagkatao ng kanyang minamahal. Para tuloy siyang napahiya dahil ito ang pinagdududahan niyang suspect. Samantala, isa rin pala itong pulis na may mataas na katungkulan. 


“Kaya, hindi mo na maliligaw ang mga pulis na ako ang kriminal gayung alam naman nating dalawa kung sino talaga. Ngayon mo sabihin kung bakit galit na galit ka sa mga madre?” 


Tumalim ang tingin ni David kay Mark at sabay sabing, “dahil sa mga madre na ‘yan, nawalan kami ng mga magulang.”


“‘Di ba dapat ang mga kriminal ang hinahanap mo?” Hindi makapaniwalang sabi ni Mark. 


Noong una, ayaw din sana niyang paniwalaan pero iyon ang katotohanan, kaya pala kahit pinagdududahan niya ito na isa itong kriminal. ‘Di niya pa rin makumbinsi ang kanyang sarili dahil talaga namang mabuti itong tao. 


“Wala na rin naman ang mga iyon, pinatay ko na silang lahat, pero hindi pa rin ako masaya. Feel ko, ‘di pa ako nakakaganti sa mga tunay na may sala, mas magiging okey ang pakiramdam ko kung uubusin ko ang lahat ng madre sa buong mundo,” wika ni David sabay halakhak na para bang nababaliw.  


Tatapusin…



 
 

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | December 12, 2023


Dear Sister Isabel,


Advance Merry Christmas sa inyo r’yan. 


Gusto kong sumangguni sa inyo, kasi alam kong kayo lang ang makakapagpalubag ng loob ko ngayon. Nawawala ang anak ko at hindi namin siya makita. Kung saan-saan na namin siya hinanap at nag-report na rin kami sa pulis, pero hindi pa rin namin siya makita. Kade-debut pa lang niya nu'ng nawala siya. Simula nang mawala siya, ‘di na ko nakakain at nakatulog. Malaki na rin ang pinayat ko. May alam ba kayong orasyon para magbalik ang isang taong nawawala? Kung meron, tulungan n’yo ako.


Nagpapasalamat,

Grace ng Masbate


Sa iyo, Grace,


Ikalma mo ang iyong kalooban. Ang pinakamaganda mong gawin ay magdasal ng taimtim na walang halong alinlangan upang dinggin ng Diyos ang panalangin mo na bumalik na ang nawawala mong anak. Humingi ka ng tulong sa Diyos. Walang imposible sa Diyos basta’t manalig ka lang sa kanyang kapangyarihan. Mag-novena ka kung kinakailangan. 9 days novena kung sino man ang patrong pinananaligan mo.


Sa tanong mo kung may alam akong orasyon o dasal para bumalik ang anak mo, dasalin mo ang Sumasampalataya at tumigil ka sa salitang “paririto” bigkasin mo ang iyong kahilingan sabay banggit ng buong pangalan ng iyong anak. Ang sunod mong bigkasin ay “bumalik ka na sa amin, pumarito ka na muli sa bahay natin. Hinihintay ka na namin.” Dasalin mo ito ng 49 days. Mabisa ang dasal na ‘yan. Marami nang lumayas o nawala ang nakabalik dahil sa dasal na ‘yan. Subukan mo, wala namang mawawala kung susubukan mo ito. Nawa makabalik na sa lalong madaling panahon ang anak mo.


Martes o Biyernes mo umpisahan ang dasal na walang patlang, hihina ang bisa ng dasal kapag napatlangan. Hanggang dito na lang. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa. Isang araw magugulat ka na lang, nasa harapan mo na ang nawawala mong anak.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 
  • BULGAR
  • Dec 11, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 11, 2023




“Malas talaga kayong mga madre!” Galit na galit na sigaw ni David. 


Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, dahil iyon naman talaga ang kanyang nararamdaman. Galit at pagkapoot, sa mga nilalang na naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang magulang. 


Mahal na mahal niya ang kanyang magulang, pero ‘di nagawa ng mga ito na magpaalam sa  kanya, dahil kinailangan ng mga magulang niyang magpunta sa orphanage na iyon para mag-donate ng pera at kung anu-ano’ng gamit. Kaya, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga madre.


Nang tumira siya sa kanyang tiyahin at nakapagtapos ng kursong criminology. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang puso. At mas lalo pa ngang nadagdagan iyon dahil ayaw niya ang nakagisnan niyang buhay. Masyadong relihiyoso ang kanyang tiyahin kaya sa tuwing bumibigkas siya ng dasal lalong nadadagdagan ang galit niya.


Para kay David, isang kalokohan ang pagdarasal. Nagdasal kasi siya noon na sana madugtungan pa ang buhay ng mga magulang nila ni Maritoni, pero walang nangyari.


Kaya, napagdesisyunan niyang mag-take ng criminology. Nais niyang maghiganti sa mga madre.


“Papatayin ko sila,” galit niyang sabi sa kanyang sarili. 


“Shhh…hmm.” wika rin niya sa sarili. 


“Seryoso ako, lahat ng mga madre ay papatulan ko dahil gusto ko silang maglaho sa mundong ito.” marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. 


“Magandang hapon po,” wika ng isang madre. 


Nanlisik ang mga mata niya rito at sabay sabing, “magdasal ka na, sister.” 



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page