top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 28, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 28, 2023




Mahal na mahal ni Gabriel si Princess kaya handa niyang gawin ang lahat para rito. Lahat ay ibibigay niya para lang mapasaya ang kanyang nobya. Ngunit sa pagkakataong ito, alam niyang hindi niya iyon magagawa. 


Kahit kasi marami siyang pera, hindi sapat na dahilan iyon para magising si Princess.


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Sobrang bigat ng kanyang dibdib.


Pakiwari niya ay mayroong boksingero na ginagawang punching bag ang kanyang puso sa sobrang pag-aalala. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa nagkakamalay si Princess. Sampung baitang naman kasi ang kinahulugan nito. 


Ayon sa doctor, wala naman siyang dapat ipag-alala dahil wala naman daw na-damage sa utak nito at maayos naman ang tibok ng puso ni Princess. Ngunit, hindi pa rin niya makuhang maniwala at magtiwala. Ang ibig niya ay magising na si Princess. Pangako pa niya sa kanyang sarili, kapag nagising na ito, agad niya itong pakakasalan. Gusto niya ‘pag kinasal sila ay masiyahan ito nang husto. Ngunit, paano niya na magagawa iyon? 


“Miss na miss na kita, mahal ko,” wika niya habang nakahawak sa kanang kamay ni Princess.


“Miss you too.” 


Bigla tuloy siyang napatingin kay Princess at nanggilalas siya nang makita niyang nakadilat na ito at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na yakapin ito sa sobrang pananabik. 


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Dec 24, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 24, 2023





Biglang natauhan si Gabriel sa ginawa ni Princess, pero hindi niya ito magawang itulak. Sa katunayan, masarap naman kasi talaga humalik ang kanyang nobya.


Para tuloy siyang nakalutang sa alapaap ng mga sandaling iyon. 


“Hey,” wika niya pagkaraan. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ‘yun ginawa ng kanyang mahal. 


“I love you,” wika nito habang nakangiti sa kanyang nobyo. 


Hindi tuloy niya mapigilan ang mapangiti sabay tugon ng, “I love you too.”


‘Di niya alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya, samantalang kanina ay ang bigat-bigat, at gusto na niyang isipin na kaya ganu’n ang kanyang pakiramdam ay dahil sa pagmamahal ni Princess. Kahit tuloy lalaki siya, nakaramdam pa rin siya ng matinding kilig. 


“Napaka-sweet n’yo naman d’yan.” 


Hindi na niya pinagkaabalahan pang lingunin ang mga ito dahil ang atensyon niya ay nakatuon lang kay Princess. Mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan, kaya handa niyang gawin ang lahat para lang mapasaya ito. Kaya nga, pinili niyang pasukin din ang mundo ng showbiz. Masasabi naman niyang masaya siya. Bukod sa nasiyahan siya sa kanyang ginagawa, kasama pa niya lagi ang kanyang pinakamamahal. Wala na siyang gugustuhin pang makasama kundi si Princess lang. Habang sinasabi niya iyon sa kanyang sarili, hindi niya namamalayan na may tao rin palang nakakaramdam ng inis at galit dahil nakokontra ang kanyang mga ginagawang hakbang para makuha niya si Gabriel Monteverde. 


Bigla tuloy naisip ni Baninay, dapat na ba niyang gamitin ang matinding ritwal para makuha ang kanyang senyorito?


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Dec 23, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 23, 2023





Napahinto sa paghakbang si Gabriel dahil biglang dumagundong ang pintig ng kanyang puso, at bigla siyang kinabahan. 


“Ano’ng nangyayari sa’yo?” Manghang tanong sa kanya ni Princess.


“Wala, okey lang ako.”


Kumunot ang noo ng kanyang nobya at sabay sabing, “parang hindi ka okey.”


“Ang kulit mo naman!”


Bigla siyang natigilan sa sinagot nito. Hindi kasi ugali ni Gabriel ang mapikon, pero ngayon ay parang pikon na pikon ito, at matalim na matalim pa ang tingin nito sa kanya. Para tuloy gusto niyang humagulgol ng mga sandaling iyon. 


“Ayoko sanang mapikon, pero pinipikon mo ako,” inis nitong sabi sa kanya. 


“Sorry.”


“Dapat ka talaga humingi ng tawad sa akin.” 


Kung hindi lang napigilan ni Princess ang kanyang sarili, tiyak na sisigaw at iiyak siya.


Kakaiba ang nararamdaman niya rito. Para kasing ibang tao ang kanyang kaharap. 


“Sorry kung may kasalanan ako sa’yo.”


“Nakakabuwisit ka.”


“Bakit ba kasi? Ano bang nangyayari sa’yo?” Nag-aalalang tanong niya sa nobyo. 


“Hindi ko alam.” 


Mahina ang boses nito na para bang may kung ano’ng nangyayari. Samantalang kanina ay ang supla-suplado nito. Nang titigan niya ang mga mata nito, nakita niyang masyado itong malamlam. Tingin niya ay may sumasalbahe rito. 


Ang salitang sumasalbahe ay tumutukoy kapag ginagayuma o kinukulam ang isang tao.


Sa tingin niya ay ginagayuma si Gabriel, at wala siyang ibang pinagdududahan kundi si Baninay lamang. Gusto niya tuloy lapitan at saktan ang dalaga, pero bigla niyang naisipang kontrahin ang panggagayuma sa kanyang nobyo, kaya naman bigla niya itong niyakap at buong kapusukang hinalikan. 


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page